CHAPTER 1 : THE PLAN

Start from the beginning
                                    

Dali dali akong umalis para umuwi.

Maya maya pa nakarating na ako. Kinuha ko lahat ng gamit ko sa bahay ni Lea at umalis.

Umalis ako ng hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alam mo yung parang batang nanliligaw. Nagbyahe lang ako ng byahe ng walang patutunguhan. Hindi ko na din alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa nakakita ako ng bar.

Tumigil ako at pumasok.

Pagkapasok ko ang daming tao‚ ang daming nag eenjoy. Nasa isip ko siguro tama rin to para alisin ang problema na kinakaharap ko.

Uminom ako ng uminom hanggang sa nalasing ako.

Maya maya pa ay may lumapit sakin na lalaki‚ hindi ko maaninag kung sino yun dahil blurred na paningin ko.

“ Miss okay kalang ba.. ” rinig ko pang sabi niya.

Hindi ako sumagot sa kanya kasi hilong hilo na ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

-----

Bigla akong nagising dahil sa bango ng niluluto.

Sobrang sakit ng ulo ko‚ pero gumising pa rin ako.

Lalakad na sana ako ng bigla kung naaalala na nasa kwarto ako.

“ AHHHHHHHHH.. ” sigaw ko.

Maya maya pa ay nararamdaman kung may papunta sakin.

“ Tulong.. ” sigaw ko.

“ Wag kang maingay baka marinig ka ng mga tao nakakahiya.. ” saad nung lalaki.

“ Sino ka‚ anong ginawa mo sakin.. ” saad ko habang pinagbabantaan siya.

“ Relax‚ wala akong ginawa sayo.. ”

“ Pano ako napunta rito.. ”

Tumingin ako sa suot ko pero parang iba na suot ko.

“ Manyak ka‚ anong ginawa mo sakin.. ”

“ Pwede bang tumahimik ka muna let me explain.. ” saad niya.

Hinayaan ko muna siyang magsalita.

“ I saw you last night sa bar‚ lasing na lasing. Nilapitan kita at tinanong kung okay ka ba pero dahil sa kalasingan mo bigla kang natulog. Nakita ko rin na may dala dala kang gamit. Hindi ko naman gusto na iwanan kalang doon ng mag isa para mapano ka pa. So dinala kita sa kwarto at pinihiga para makapagpahinga ng maayos.. ” pagpapaliwanag niya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya‚ akala ko kasi may ginawa siyang masama sakin.

Naaalala ko na iba na damit pala suot ko.

“ Bakit iba na damit ko‚ may ginawa ka ba sakin habang tulog ako?? ”

“ Just calm okay‚ pagkadating mo dito akala ko tuluyan ka ng matutulog pero bigla kang sumuko kaya nadumihan yung damit mo.. ”

“ Ikaw nagpalit sakin?? ” tanong ko.

“ Tinawagan ko yung employee dito na babae‚ sya nagbihis sayo.. ”

“ Sigurado ka ba?? ”

“ Gusto mo tawagan ko pa?? ” saad niya.

“ Wag na‚ naniniwala na ako.. ”

“ Buti naman.. ”

Maya maya pa ay umalis siya at may kinuha.

“ Kumain muna tayo‚ nagugutom na ako.. ” sabay lapag ng pagkain sa lamesa.

Kumain na rin kami at maya maya pa ay natapos na.

“ Bakit ka ba napunta doon?? ”

“ Gusto ko lang libangin sarili ko.. ”

“ Bakit ang dami mong dala‚ naglayas ka ba?? ”

“ Bat ang dami mong tanong.. ” pangbabara ko.

“ Curious.. ”

“ Pero yung totoo okay kalang ba? Narinig ko lahat ng sinabi mo kagabi habang patulog ka pa. Ang dami dami mong sinasabi‚ totoo ba lahat yun?? ”

Tumango lang ako.

“ Walang kwenta naman nung lalaki‚ parang hindi lalaki.. ” saad niya.

“ Hayaan mo na.. ”

“ Ano ba pangalan ng magaling mong boyfriend?? ” tanong niya.

“ Cedrick Miller.. ” saad ko.

Nakita kung nagulat siya sa sinabi ko.

“ Cedrick Miller?? ”

“ Oo‚ bakit?? ”

Tapos nakuwento nya sakin na magkaaway pala sila dati. Kasi inagaw daw ni Cedrick yung nililigawan niya dati at naging sila. Ang dami dami palang kasalanan ni Cedrick. Hindi rin ako mapaniwalang magagawa lahat yun ni Cedrick.

“ Dito ka na muna.. ”

“ H-Ha?? ”

“ Tutulungan kitang maghiganti sa kanila. Malaki rin ang kasalanan ni Cedrick sakin dati kaya maghihiganti rin ako. Tutulungan kitang sirain sila‚ pati na rin yung babaeng si Vina.. ”

“ But before that‚ we need to change something.. ”

“ What do you mean?? ”

“ Kailangan natin ibahin yung mukha mo para hindi ka nila makilala.. ” saad niya.

“ Sigurado ka?? ”

“ Para mag success yung plano natin‚ kailangan mong pumayag na magpasurgery.. ” saad niya.

“ Pero wala ako pera para dyan.. ”

“ Ako na bahala‚ all you need to agree and accept the plan.. ”

“ So papayag ka ba?? ”

Hindi na ako nagdalawang isip pumayag agad ako.

“ DEAL !! ” saad ko.

“ Gagawin natin ang lahat para makaganti tayo sa lahat ng mga ginawa nila sakin. Walang sinuman ang mang aapi satin‚ hindi tayo papayag na maaapi ulit tayo. Lintik lang ang walang ganti.. ”

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now