CHAPTER 47 : AIRPORT

Start from the beginning
                                    

Nang makalayo na siya ay nabaling ang tingin ko kay Rhea na nakatanaw pa rin kay Ren.

"Rhea."

Saka lang siya bumaling ulit sa akin at tila lutang pa rin dahil ilang segundo siyang napatulala sa mukha ko. Tumikhim siya. "S-Sorry. Let's go."

Nauna na siyang maglakad. I sighed as I follow her. Pumasok siya sa isang coffee shop na nasa tabi lang ng institute. I prefer resto but it's a petty thing to argue. Umupo na lang ako sa harap niya. "What do you want to order?"

"Uhm, kahit ano." Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin.

Tumayo ako at nag-order para sa aming dalawa. I feel nervous but I'm trying to keep it out of sight. Bumalik ako sa mesa namin dala ang order. Ramdam ko ang pagkailang niya. The aftermath of what happened that night is obvious at this moment. The wall between us grows thicker. It would be gauche to mention our own issue. Ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ring nagsasalita sa amin kaya naglakas-loob na ako.

"You didn't answer my calls maliban ro'n sa huli."

Tumingin siya sa pagkaing nasa harap namin pero hindi niya 'yon ginalaw.

"I'm sorry." Pumikit siya. "W-wala akong ibang masabi kundi 'yon."

"Have I. . .lost you?"

Nang bitawan ko ang tanong na 'yon ay napatingin siya sa akin ng diretso at napalunok. I suddenly felt uneasy. Huli na para mabawi ang tanong na 'yon.

"I don't know." Bulong niya na nagpalubog sa nararamdaman ko. Pumikit ulit siya nang mariin na tila hirap na hirap akong sagutin. "That day, I feel bad after I woke up beside you. I m-mean, I. . .I should be glad, shouldn't I? Kasi nandyan ka. You're willing to fight for me. For my sake. But I couldn't feel anything but dreary. Kaya ayoko sanang pag-usapan muna."

"Dreary. . ." Napailing ako. "Napilitan ka lang ba?"

"Hindi. Nakakahiya mang isipin. Walang namilit." Tumingin siya sa bintana. "Dala lang siguro ng lungkot. I never imagined myself to the point of surrender. Not unless it's Ren."

"Yes." I said bitterly. "You said his name. I'm with you but he was still the one your thinking of. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?" Hindi ko siya gustong sumbatan pero ang nangyari no'ng gabing 'yon ay nakatatak sa memorya ko.

"Kaya nga humihingi ako ng tawad." Tumingin ulit siya sa akin. "Gusto ko kalimutan pero nangyari na. Ano pang magagawa ko? Do you know what I feel right now? Pakiramdam ko ang babaw ko. That was one impulsive action and that kind of act brings me nothing but regret. I'm grateful to your presence, Coby, pero mahal na mahal ko talaga si Ren."

Ang marinig 'to sa kanya ay nakapagpapababa ng tingin sa sarili bilang isang lalaki. When I almost offer anything but she would rather choose to be stuck with someone who used to love her. Used to love her. Past tense, at ngayon ay may bago na. Kahit malamig sa kanya si Ren at hindi na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya ay mahal niya pa rin.

And what's left for me? Her gratefulness? It's unfair and unjust. Receiving her gratitude is not as overwhelming of receiving her love. That's what I want. Nakapanghihinayang na gusto niyang ibigay 'yon sa taong minsan na ring sinayang ang pagmamahal niya. Hindi siya nadadala.

"What do you want me to do? Layuan ka?"

"H-hindi sa gano'n. . ."

"Then, tell me what to do." Bulong ngunit mariin ang pagkakabigkas ko ng mga salita dahil sobra ang frustration na nararamdaman ko. "Iindahin ko sanang magmukhang tanga basta maka-move on ka sa kanya. Give me my chance, Rhea. Hindi yung ganito. Nakabitin tayong pareho sa ere dahil hindi mo mabitawan ang nararamdaman mo kay Ren."

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now