Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang magkalapat ang mga labi nila. But at the same time, she felt happy. There was something wrong with her heart dahil parang puputok na iyon sa sobrang saya niya.

"Hmmph---!"

Iminulat niya ang mga mata niya. She was facing the direction of Blake's boyfriend and his woman. She immediately felt relief nang wala na ang mga ito doon. She finally loosened her grip and, that's the mistake she made.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanan niyang pisngi. Bumaling ang pisngi niya sa kaliwa.

Damn it! Napamura siya sa sakit but she knew she deserved it.

Blake looked at her with hatred. Nag tubig din ang gilid ng mga mata nito.

She winced. Mas maigi na din na sa kanya ito galit ngayon at sa kanya nakabaling ang inis nito dahil siguradong iiyak lang ito kung nakita nito ang ginawa ng sugpo nitong boyfriend.

Atleast, Blake could hit her.

"H-How could you!?"

Nangilid ang gilid ng mga mata nito. Then Blake wiped her lips harshly na tila ba nandidiri ito.

Peyton opened her mouth to say something pero mabilis na nag tungo si Blake sa pinakamalapit na exit ng club.

She stood there looking at the direction Blake went. Pinag titinginan na siya ng mga tao sa paligid but she doesn't care. Pinaiyak niya si Blake. Is it all worth it? Parang pumait ang naiwang lasa ng labi nito sa labi niya.

She winced a little nang hawakan ang pumipintig niyang pisngi. Damn she's a hard slapper. Baka mamaga ang pisngi niya. Anong sasabihin niya sa Mommy niya?

Peyton realized something too. Nang halikan niya si Blake she immediately knows that she's crushing really hard. Sakit na ba talaga ng mga Del Rio ang love at first sight? Bakit naman sa lahat ng mamanahin sa Mommy Sam niya ay ang pagiging marupok pa nito?

Damn it. She's in deep trouble.

--------------------------

"Hoy!"

Peyton looked to her side and saw Hange. Agad niyang tinago ang kaliwa niyang pisngi. Malaking band aid ang inilagay niya doon at kaninang umaga bago siya umalis ng bahay ay nag tatago din siya for the meantime sa kanyang Mommy Sam. She doesn't want them to know what she did. She already hates herself for kissing Blake dahil pinaiyak niya ito.

Worth it ba talagang sa kanya ito magalit kesa sa sugpo nitong boyfriend?

Napasimangot na naman siya ng maalala niya ang tungkol sa nakita niya.

Humagalpak ng tawa si Hange na sumasabay ng lakad sa kanya. "Ang laki naman ng band aid mo! Ano yan pasa?"

Peyton scrunched her nose. "Yup."

Ito naman tuloy ang natigilan. Huminto ito at hinawakan siya sa balikat. Napahinto din tuloy siya.

"Sinong sumampal sayo? Bakit di mo kinarate?"

"Well. It's Blake."

"Bakit ka naman sasampalin ni Blake?" Kumunot ang noo nito.

Peyton scratched her head. Should she say it? Hange is a friend at alam niyang concern lang ito. Wala naman sigurong masamang magsabi siya.

"W-Well...... I kinda kissed her."

"What?! Hinalikan mo si-------Hmmph!"

Her hands shot to shut Hange's mouth. Mas mabilis pa din siya kesa sa bibig nito dahil kita niya na agad ang reaksiyon sa paligid nila nang sumigaw ang kaibigan niya. Kapag nakarating sa ibang tao tong sasabihin niya kay Hange ay siguradong lagot na naman siya kay Blake.

"Wag kang maingay!"

Hange nodded her head pero hindi pa din siya kumbinsido kaya di niya binibitawan ang bibig nito.

"Siguradong di ka mag iingay?"

Hange nodded again. Inalis niya ang kamay sa bibig nito.

Ngiting ngiti ito pagkatapos niyang pakawalan ang bibig. "So how was it? Does it mean na hindi na tuloy yung kay Alexie?"

"I don't know."

"Pero bakit mo hinalikan yung bestfriend niya?"

Mahina na ang boses ni Hange nang sabihin iyon.

"Well para di niya makita yung boyfriend niyang may kahalikang iba."

Hindi kumibo si Hange, pero tiningnan siya nito na parang di makapaniwala. "Ikaw ba talaga yan Peyton? Bakit mo ginawa yun?"

Peyton looked at Hange. Should she say it?

Baka lalo siyang asarin ni Hange. Isa pa she told them all that she doesn't plan on falling in love or crushing on someone yet. She's here to enjoy life. Lilipas din siguro itong nararamdaman niya kung siya na ang kusang iiwas dito. 

Del Rio Series 2: Peyton Del Rio - On GoingWhere stories live. Discover now