BG1*

3.1K 44 1
                                    

Ang Pagtanggi.

February. Malapit na ang Seniors Night namin. Binalita ng mga Student council na pwede naming imbitahin ang mga college para sa gabing iyon. Nakuha ko na ang pin ko at ang pin na para sa kadate ko. Maarte kasi ang Principal dito, required daw ang date para di loner tingnan.

Nagpalinga linga ako sa canteen dahil for sure, nandito ang barkada ni Travis. dala ko ang pin na ibibigay ko kay Travis. Gusto ko talagang maka-date sya sa prom. I wished that sana pumayag sya.

Nakita ko na sila, agad bumagsak yung balikat ko nung marinig ko na inaantay ni Travis na ayain sya ni Georgina sa prom. Okay lang yan Twinnie. Try mo pa din.

Pinagapapawisan ako. Kaya ko to.

"Uhm." napatingin silang lahat sa tik-him ko. "Hello, hay ang hirap." ba't ba ako kinakabahan?


"Hi Twinnie. Bakit?" nakangiting bati ni Denver sa akin. Nagulat pa nga ako at kilala nya ako.

Ngumiti ako, "Uhm, pwede ko bang ayain si Travis bilang date ko sa prom?" I was biting my lower lip habang sinasabi ko yan. Napasulyap ako kay Travis. Sana pumayag sya.

"Sorry. Pero I prefer if Georgie would be my date." casual na sabi ni Travis while eating his food. Halos maputulan ako ng dila doon. Napabuntong hininga din ako. I guess, ayaw nya talaga.

"Ah! G-ganon b-ba. S-sige." tumalikod na ako. Gusto kong magmura umiyak!


"Wait Twinnie!" nilingon ko bigla si Jason, half smile. "Ako nalang date mo, If ok lang sayo?" nagulat ako doon. Nanlaki pa yung mata ko. Napasulyap ako kay Travis, pero mukhang wala naman syang pakealam.

"H-haa? S-seryoso ka?" umiling ako. "I mean, kasi."

Jason grab the pin in my hand and he smiled, pati yung mga kaibigan nya. Napangiti na din. Si Travis lang talaga yung walang pakialam.

"See you Twinnie. I'll pick you up on your house." He even winked at me. Napangiti nalang din ako sa kanya. Mabuti na din tong may date ako. Hello, si Jason Lim to. Choosy pa ba ako. Pero mas masaya pa sana kung si Travis.

"Alright. Thank you Jason." ngumiti uli ako at tumalikod na.

Habang pabalik ako sa upuan ko nakita ko pang lumapit si Georgina sa table nila Travis. Hay. Dinampot ko na ang bag ko at inayos ang salamin ko tyaka ako tumulak papunta sa room.

Nag advance reading nalang ako para sa quiz mamaya.

"Hi Twinnie!" nag angat ako ng tingin sa bumati sakin. Si Michael. Ang gay friend ko dito.

"Uy! San ka naglunch?" tanong ko sa kanya.

Nagulat ako nung yakapin nya ako. "Nakita kita kanina, anong sabi ni Travis, pumayag ba?"

"Tulad ng dati. Hindi. Mas gugustuhin pa daw nyang si Georgina ang makakadate nya." nakita ko sa mata nya ang awa. Lagi nalang ganito tong bakla na ito. "Wag mo nga akong kaawaan. Ano ka ba!"

"Girl, baka naman panahon na para mag move on ka na kay Papa Travis."

"Bakit naman?"

"Lagi ka nalang nyang tinatanggihan. Hindi pinapansin. Nagmumukha ka ng tanga. Friend kita kaya gusto ko masaya ka." sinuklay suklay niya ang buhok ko.

"Michael--"

"Michelle." irap nya sakin.


"Fine, Michelle. Masaya ako. Tyaka pag nagmahal ka diba dun ka magpapakatanga?"

"Susmayosep! Bahala ka na nga. Kulit mo din." natawa ako sa reaksyon nya.

"Mararanasan mo din to kapag natutunan mong magmahal."

Bandang uwian na, sinundo ako ng kotse namin. Di pa kasi ako marunong mag maneho kaya may taga sundo ako. Nadaanan ng kotse namin si Travis na naglalakad habang may headset sa tenga.

"Teka lang po." sabi ko tyaka hininto ni Kuya Leo ang kotse.

Binaba ko ang bintana at sinutsutan si Travis. Agad naman syang napalingon sa gawi ko.

"Travis, sakay na." nakangiti kong anyaya sa kanya.

"Huh? Wag na. Salamat nalang."

"I insist." ngiting ngiti ako. Sana pumayag sya.


"Thank you nalang. I prefer tricycle. Bye." pagkasabi nya nun. Pumara sya ng tricycle at sumakay.

Napanguso ako at tinaas na uli ang bintana tyaka sinabi kay Kuya Leo na paandarin na uli ang sasakyan.

Beautiful GoodbyeOn viuen les histories. Descobreix ara