Chapter 19

17.1K 942 87
                                    

"Iyan nga din po ang sinasabi ko kay Adele."

Napangiti si Giselle ngunit mas lalo lang tuloy nahiya si Louie sa kanya kaya't agad nitong binago ang usapan, "Sundan na rin po natin sila sa loob?"

"Let's go!"

* * *

Nang isama na ni Xian si Adele sa kakainan nilang restaurant, hindi inaasahan ng dalaga na silang dalawa ang customer.

"Bakit walang ibang customers?"

"In-arrange ng parents natin na ma-solo ang buong lugar para walang hassle."

Sa gitna, nag-aabang ang isang candlelit dinner. Sinamahan pa ito ng mga musicians na nagsimula nang tumugtog ng romantic music.

Ito na nga ang katuparan sa pinapangarap na dream date ni Adele. Ngunit sa kabila ng maayos na takbo ng mga pangyayari, pakiramdam niya ay may kulang.

Habang kumakain sila, pilit namang kinakausap ni Xian si Adele upang maging kumportable ito sa kanya. "Sorry pala ulit sa ginawa kong pagnakaw sa katawan mo."

"Okay lang."

"So... how's the food?"

"Good."

"Puro pagkaing pinoy ang inihanda nila tulad ng wish na nakalagay doon sa scrapbook mo."

"Ah... oo nga."

"I like your dress, by the way."

"T—thanks."

Kung awkward ang dalawa, iba naman takbo ng usapan nina Louie at Giselle na nakaupo naman sa katabing table.

"Ang boring naman kausap ng lalaking 'yan! Dyusko!"

"Hindi naman ganyan talaga si Kuya. Baka kinakabahan lang kasi alam niyang si Adele ang kausap niya. Medyo na-trauma kasi siya noong minulto namin sila."

"Ang dami niyo palang ginawang kalokohan ng kapatid ko."

Natawa na lang si Louie.

"Anong tingin mo sa bunso namin."

"Magaling po siyang mambara. Tsaka pasimpleng pang-asar din. Pero kahit ganun, masarap siyang kausap."

Sa pagkakataong ito, si Giselle naman ang napahagikhik na parang kinikilig sa naging sagot ni Louie.

"Ano pong nakakatuwa."

"You proved me wrong. Aang akala ko kasing sasabihin mo, 'maganda, mabait, makulit'. 'Yung mga ganung kabo-boring na sagot tulad ng kuya mo."

Napangiti naman si Louie. Hindi niya maintindihan pero natutuwa siya dahil nakukuha niya ang loob ng Ate ni Adele.

"Kung buhay pa kayo pareho ng kapatid ko at magkakilala kayo, magugustuhan mo pa rin ba siya?"

"Oo naman!"

"So may gusto ko nga sa kanya!"

Biglang natameme si Louie dahil nahuli agad siya ni Giselle. Ngunit tinawanan lang din siya nito, "No need to be embarrassed! Nahalata ko naman na agad doon pa lang sa way ng pagtitig mo sa kanya kanina."

"Pero ang kapatid ko ang gusto niya."

"Hindi 'yun ang nakikita ko ngayon."

Napatingin ulit sila sa direksyon nina Adele at Xian. Tahimik lang ang dalawa habang kumakain.

Kahit hindi naman sabihin, nakakahalata rin naman si Xian na parang hindi nga masyadong nag-eenjoy si Adele sa ginagawa nila. Parang hindi ito mapakali at palingon-lingon pa sa paligid.

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon