"Thank you po" sabi ko bago lumabas.

Bumalik ako ng classroom para ilagay 'yung gamit sa upuan ko at bumaba ulit para hanapin sila Blaze.

"Hi, Fauzia!" lapit sa akin ni Tricia.

"Uh, hi" sabi ko at lalakad na sana ulit pero humarang siya.

"Eto naman, usap pa tayo, aalis ka agad eh" nagbuntong hininga ako.

"Sorry Tricia, pupunta kasi ako sa canteen para bumili ng food" I said softly.

"Hmmm, ganon ba? Pupuntahan mo rin ba sila Lucas?" I knew it.

"Oo eh"

"Ayun naman pala! Tara na!" napangiwi ako ng hatakin niya ako.

"Oy! Oy! Oy!" nakita ko sila Blaze na palapit sa amin.

"What are you doing, Fuentes?" malamig na sabi ni Eli. Napabitaw naman agad si Tricia ng hawak sa akin.

Mabilis na lumapit si Yohan para i-check ang namumula kong pala pulsuhan dahil sa higpit ng hawak ni Tricia.

Umiling siya at tumingin kay Tricia.

"Dahan dahan naman sa paghawak kay Fauzia, Tricia" sabi niya, hawak pa rin ang pala pulsuhan ko.

"It's no big deal, Yohan. It's okay" I said calmly at ngumiti kay Tricia na any time ay parang iiyak na.

Pinalibutan na nila akong apat para i-check kung may sugat ba ako or what. Umirap ako.

I don't have female friends. Why? Dahil sa mga lalaking 'to. Karamihan sa mga babae na gustong makipagkaibigan sa akin ay dahil lang gusto nilang mapalapit sa apat na 'to. But it's fine for me if I don't have any female friends. Having male friends is enough for me. They're the best.

"I'm sorry, Fauzia. Na-excite lang ako kaya napahigpit ang hawak ko" sabi niya nang makalapit. Nginitian ko siya. Magsasalita pa sana ako pero hinila na ako ng apat palayo doon.

"Pinaka oa kayo ah" nakangiwi kong sabi after namin maupo.

"Hindi 'yun pagiging oa, Fau. Kita kaya namin reaction mo" sagot ni Yohan. I just smirk.

"Let's eat" ani Eli.

I smiled. Binilhan nila ako ng food.

"Aww, sweet niyo talaga. Thank you sa food" I said then we started eating.

Saktong pagkatapos namin kumain ay nagbell. Tapos na ang recess.

Sabay sabay kaming bumalik ng classroom. Halos kasunod lang namin si ma'am Ocampo na pumasok.

Ipinasulat niya na sa akin 'yung lecture sa whiteboard na kokopyahin din ng mga classmates ko.

Si Blaze ang taga bura kapag tapos na lahat para makapagsulat ako ng panibago. Natapos kong isulat ang lecture kaya inilapag ko na 'yung marker. I wiggled my right hand dahil medyo masakit sa sobrang dami kong isinulat.

Nilagay ko na sa desk ni ma'am 'yung folder at nagpunta na sa upuan ko.

I massage my right hand to ease the pain. I look at Eli na busy pa sa pagsusulat. Halos lahat naman sila ay hindi pa tapos magsulat.

I sighed and look at my hand. Ngumuso ako, nagsisisi na talaga ako bakit naging secretary ako. Sumandal ako sa backrest ng upuan ko at hinayaan ko ang kamay ko sa desk tsaka ako tumingala.

Ilang sandali ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko. Nagtaas ako ng kilay nang makitang si Eli 'yun. He massage it slowly. I smiled.

My AlmostWhere stories live. Discover now