[Sha! Puro ka kain penge!]

"Uwi ka dito, o HAHAHA."

[Uuwi talaga ako, kaso baka masindak kayo sa ganda ko.]

"Ang hangin mo talaga! Bukas naman matutulog nako."

[Ok,bye sab goodnight sainyo.]

"Byee, lianne."

[Hindi talaga kayo pupunta?]

"Subukan namin."

[Aasahan koyan a, mag tatampo ko.]

"Simulan mo ng mag tampo HAHAHA."

[Gaga, susugurin ko talaga kayo jan.]

"Susubukan namin, matutulog nako gabi na."

"Bye lianne ikamusta moko kay lance." Ani pani sha-sha bago tuluyan pumasok sa kwarto nya.

[Ikaw sab, wala kabang papasabi kay kuya?] Pigil ang tawang tanong nya.

"Wala bwisit ka!"

Pinatay kona ang tawag at pumasok nadin sa kwarto ko. Nag linis lang ako ng katawan at nag hilamos nagulat paako dahil pag pasok kosa kwarto ay nandun si Sha-sha.

"Hindi ka makatulog?"

"Hmm." Tango nya.

"Tabi tayo??" Masayang tanong nya, hindi nanya hinintay ang sagot ko dahil lumabas nasya at pag balik nya ay dala nanya ang mga kumot at unan nya.

Nahiga na kaming dalawa, nakatutok lang sya sa cellphone nya. "Nag papasama si Arah bukas." Biglang sabi nya kaya napalingon ako sakanya.

"Saan?"

"School, baka kasi bukas na ang ganapin na botohan."

"Akala koba sa tuesday?"

"Ayun din yung sabi e, kaso sabi ni Arah sakin nag announce daw yung dean na bukas nalang."

"Sabado bukas?"

"Kaya nga so, pinag iisipan pa kung tuloy bukas. Gusto kasi ng dean na bukas mag botohan para sa tuesday alam na kung sino panalong escort and muse." Paliwanag nya. "Pero hindi pa sure, baka sa tuesday nalang din mag botohan para makaboto yung iba panigurado kasing hindi aatend yung iba." Dagdag nya.

"If matutuloy bukas samahan natin si Arah." Anas ko na kinatango nya.

"Matulog na tayo."

"Ok goodnight."

Wala ng nag salita saamin ngunit alam kong gising pasi sha-sha.

"Sha..."

"Hmm?"

"Ok kalang ba talaga?"

"Oo naman."

"Pwede mona bang sabihin sakin kung bakit namumugto yung mata mo kanina?..."  Mahinang tanong ko.

"Napuwing lang talaga ko."

"Imposible,"

"Hyss." Sabay naming singhal.

Natahimik kaming dalawa hindi talaga mawala sa isip ko ang pamumugto ng mata ni sha-sha, gusto kong mag sabi sya kung ano ang problema nya ayokong kimkimin nya iyon ng magisa, at mas lalong ayokong makita syang nasasaktan habang wala akong ginagawa.

"Nung nag mahal kaba dati, sobra bayung sakit?" Tanong nya habang nakatingin sa kisame.

"Oo naman, part yun ng love."

"Pano kung nakakaramdam kana ng sakit kahit alam mong hindi kanya mahal?"

"Ano bayang tanong mo sha? Hindi kita magets." Kunot noong tanong ko.

Let Fate Decide For UsWhere stories live. Discover now