"Maraming gustong mabuhay, miss. Pero, hindi na kinakaya ng katawan nila. Maraming gustong nasa katayuan mo ngayon, pero hindi sila nakatuntong d'yan." Anito sabay lagay ng mga kamay sa bulsa ng pantalong suot. "Alam ko at nauunawaan ko ang nararamdaman mo ngayon. Pero, may tanong ako sa'yo; May gusto ka pa bang gawin bago ka mawala sa mundo?"

She's puzzled with this man in front of her. There's something in him na hindi niya kayang ipaliwanag. Upon staring at him, she noticed that the man is actually glowing. Marahil dahil sa ilaw na naroon sa kinatatayuan nila.

"Miss?"

She blinked as he spoke. "I-I don't know."

Tumango-tango naman ang lalaki. "Kumain ka na ba?"

Iniiwas niya ang tingin sa lalaki. Umiling siya bilang pagtugon.

"Ayon! Sakto at hindi pa rin ako nakain," anito na tila ba masayang-masaya. "Sabayan mo na ako."

"Why should I?" Nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa lalaki.

"Kasi nagugutom ka na. Kaya nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan."

"And how did you know?"

Ngumiti ang lalaki. Iniangat nito ang palad sa mukha niya at pinahid ang luha roon. "Halata, e. Samahan mo na ako nang makakain ka na rin. Balita ko, masasarap daw ang pagkain dito."

She wants to refuse pero bigla na lang tumunog ang tiyan niya. Hudyat na nagugutom na nga siya. At tila ba naunawaan iyon ng lalaki at inilahad nito ang kamay sa kaniya. She just go with his flow.

***

HINDI maintindihan ni Josh ang sarili. Kumakain siya ng lumpiang budbod na nasa loob ng isang tupperwear kasama ang isang stranger sa ilalim ng madilim na gabi, na nasisinagan lamang ng liwanag ng buwan. Sa tabi-tabi sila pumwesto, sa my malapit sa overlooking.

She looked so distressed. Para bang wala ng pakialam sa buhay. Mukha naman siyang disente, kaso ang baduy lang manamit. Naka-tshirt na green na pinarisan ng purple na jacket. Naka-puruntong na kulay itim at may tsinelas na itim. Mukha namang dalaga pa ito at ka-edad lang niya.

Habang kumakain ito ay nakikita niya ang maliit na dimple sa kanang pisngi nito. Maganda ang babae. Sadyang hindi lamang ito pala-ayos.

"Siya nga pala," panimula niya. "Ako nga pala si Josh Erahe." Inilahad niya ang palad sa harap ng babae.

Tiningnan nito ang palad niya habang hawak-hawak nito ang lumpiang budbob. Tumango naman ang babae. Mukhang di nito maibaba ang hawak na lumpia. Natawa siya.Na-cute-an iya sa babae.

"Ano'ng pangalan mo?" Tanong niya sa babae.

Nilunok muna nito ang lumpia saka nagsalita, "Gela."

"'Yon lang? Wala ka bang apilido?"

"Oyam."

"Oyam?" kunot-noo niyang tanong. "Gela Oyam?"

"Oo," tipid nitong sagot. Patuloy pa rin ito sa pagkain ng lumpia.

"Ang unique ng pangalan mo. Unique ka rin ba?"

"Hindi. Madumi na ako." Sagot nito na hindi tumitingin sa kaniya.

Sinipat niya ang babae. Malinis naman ito maliban sa kaunting tubig na nasa damit to.

"Dahil ba sa tubig kaya ka madumi? Pasensya---" Hindi na niya naituloy ang sasabhin nang magsalita ito.

"Hindi na ako virgin. Kaya hindi na ako unique." Anito sabay baba ng lumpia sa upuan ng motor niya. "Just like them, I am no longer pure. Madumi na ako. Nadumihan na ako."

Naglaat siya sa sinabi ng babae. He can see the pain in her eyes. Mukhang may mabigat nga itong pinagdadaanan. Ngayon nauunawaan niya bakit ganoon ang ikinilos ng babae.

"Pasensya ka na kung naranasan mo man iyan. Pero, kung okay lang sa'yo, pwede ko bang malaman ang dahilan? Kung hindi naman, irerespeto ko naman."

She sighed before speaking. "Ikakasal na sana ako pero iniwan ako ng lalaking 'yon. He promised me a lot of things. pero, hindi naman pala niya tototohanin."

He crossed his arms. "So, before kayo maikasal, may nangyari sa inyo kaya nasabi mo na hindi ka na pure?"

Tumango naman ang babae. "I believed him. Naniwala akong pakakasalan niya ako pagtapos ng pangyayaring 'yon. But, he didn't."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "May mga tao talagang mapag-samantala, e. Nakakairita ang mga taong gan'yan."

She looked amused. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. "Are you mad at him?"

"Bakit hindi? Pinag-samantalahan niya iyong kahinaan mo. Dahil alam niya na mahal mo siya, ginawa niya iyong bagay na hindi niya dapat ginawa. Kahit pa sabihin mong gawin niya iyon. Kaya nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Hindi na lang sana siya nangako kung iiwan ka rin naman pala niya."

Ilang segundo rin silang natahimik. Napapa-iling siya sa mga nasabi. Bakit nga ba niya iyon nasabi?

Nakita nyang ngumiti ang babae sa kaniya. She reached for his face and said, "Thank you, Mr. Josh." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love and GospelWhere stories live. Discover now