chapter one: simula

0 0 0
                                    

Nagkita sila sa karagatan. Tinatanaw ng binata ang karagatan kung saan siya nanggaling sa pangingisda. Nagiging asul na ang langit at nais lamang ni Alejandro ang pagmasdan ang sisikat na araw. Ngunit nakakita siya ng anino na hugis babae sa gitna ng karagatan. Nakaputi, at nakaharap sa dagat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang umuungol rin ito, minsa'y sumisigaw rin sa kalagitnaan ng pag-iyak. 

Noong una, akala niya baliw. Ngunit may naalala siyang kwento tungkol sa isang halimaw sa dagat na matutulis ang ngipin at kuko na nangangain ng tao tuwing gabi. Umaga na ngayon, pero pausbong pa lamang ang araw at mukha paring gabi ang umaga. May dalawang oras pa siya bago mag-alas sais.

Paminsan rin daw, nagbabalat-kayo itong magandang babae at inaakit ito ang mga lalake sa isang lugar na walang mga tao. Saka kakainin.

Nanginig si Alenjandro sa ideyang magiging sariwang ulam siya. Hindi na siya tatanaw ng araw, kung siya lang pala ay magiging agahan. Hindi pa rin ata siya napansin kahit limang metro lang ang layo nila sa isa't-isa.

Nakatayo ang babae sa gitna ng baybayin, nakatingala, at tila dinadama ang ihip ng hangin sa pagpikit ng kanyang mata. Ang tanging nais niya lang sa buhay ay kumanta. Isang tsansya, isang paglahok at isang siguradong panalo. Kung nanalo lang siya, hahayaan na siya ng kanyang ama na abutin ang pangarap niyang maging isang mang-aawit. Pero isang bagay na abot-kamay na sana, hindi niya pa magawang manalo. Kaya naman, sa araw na ito, kakanta ang dalaga sa huling pagkakataon. At lilisan pagkatapos.

Napahinto rin si Alejandro nang marinig ang kanta ng dalaga. Alam ng utak niya na mali ito, ito ang isa sa mga panlilinlang na ginagamit ng halimaw. Ngunit masyadong napaganda kaya napahinto siya. Maaring naakit na nga talaga siya, dahil sa unang beses ng kanyang buhay hindi siya naduwag. Ah, ginagawa ka pala munang matapang saka ka ngangatngatin.

Pero mag-iingat pa rin siya. Ang sarili niya ang pinakaprioridad. Pangalawa lang sa ngayon ang pamilya niya. Ang kayamanan niya muna ang pangalawa dahil nasa malapit sa kakahuyan kung nasaan siya inilibing ang mga gawa niya. Enkaso lang naman mahilig ang halimaw sa mga eskultura, maari niyang isuko ang mga 'yon kapalit ng buhay niya. Iiyak nalang siya pagkatapos.

Hindi, mas madali siyang mapapansin kung sisigaw siya.

Kung saan-saan na ang iniisip ni Alejandro. Limang metro lang ang layo niya sa babae, ngunit napakaganda ng nagbabalat-kayong halimaw. Ang gilid lang ng babae ang kaya niyang masilayan, at napakaganda ng mga alon sa kanyang buhok, kutis kayumanggi at mapipintog ang mga pisngi. Pinanliitan niya ng mga mata ang dalaga at nahuli itong umiiyak.

Ngayong nasa malapit na siya, naririnig niya na rin ang paglabas nito ng masamang loob. Mula sa kanyang labi ay matatalim na mga salita na kailanma'y hindi kayang mabigkas ni Alejandro. Ganoon siya kagalang. Pero sa babaeng 'to, parang pilit lamang. 

May hindi nababagay sa kanya dito. Tingin niya pawang hindi siya ordinaryo. May nakahalong elegante pa rin sa kanyang galaw. Sa isang tulad niya na kumakayod sa pang-araw-araw, madalang siyang makapansin. Medyo may kagaspangan sila sa kanilang galaw, at mas malaya ang labi. Kaya parang mas natural kung sila ang magmura.

O di kaya, sadyang natamaan na talaga siya ng saltik o pag-ibig sa unang tingin.

Akala lang ng binata ang dinadama ng babae ang lamig ng tubig nang maglakad siya papunta sa tubig. Kaso nagpatuloy siyang maglakad hanggang umabot na sa dibdib. Alintana na ng binata na nagpapakamatay ang babae. Sa kanyang takot, tumakbo siya at hinila ang babae kahit nagpupumiglas pabalik sa baybayin.

Akala ng kanilang ina pera lang ang habol ng lalake. Na baka iniligtas siya dahil kilalang-kilala siya sa baryo bilang tanging anak at tagapagmana ng mayor sa bayan. Ngunit hindi siya kilala ng binata. Nagmahalan sila, at nabuntis ang dalaga. Kahit labag sa loob ng mayor, ikinasal niya silang dalawa upang hindi siya mapahiya sa katarantaduhan ng kanyang anak.

Pagkaraan ng siyam na buwan, iniluwal ang panganay nilang anak na si Cordelia.

At ang kwento ng sirena at ng eskultor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐄𝐍𝐃Where stories live. Discover now