PROLOGUE

14 1 0
                                    

"Wala kana talagang ginawang maganda sa pamilyang ito!" galit na sigaw sa'kin ni mama. "bakit hindi ka gumaya sa mga kapatid mo? matalino, responsable at higit sa lahat, hindi sakit sa ulo!" 

Saksi ang apat na sulok ng silid kung saan ako naroroon sa mga luhang pumapatak mula sa mga luha ko dahil sa sigaw at pananakit na ginagawa sa'kin ng mama ko. 

Galit na galit sa'kin si mama dahil sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa. Pinagbintangan kasi ako sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa at nadagdagan pa lalo ang galit nito sa'kin dahil sinumbong ako ng kapatid ko na bumagsak ako sa dalawang exams namin kahapon. May kaibigan kasi ang kapatid ko na kaklase ko kaya malamang ay siya ang nagsabi dito.

Nakakapagod ng umiyak. Nakakapagod na rin umunawa. Nakakapagod umintindi at ipagkumpara sa iba lalo na sa kuya ko na isang taon ang tanda sa'kin ngunit kailanman ay hindi ko pa nakikita.

Sabi sa'kin ni papa, nasa America na daw nila pinag-aral si kuya dahil noong bata pa ito ay may sakit ito sa puso at kailangan sa America maipagamot kaya ang kasama nito doon ay ang lola at lolo ko na magulang ni papa. 

Masakit para sa'kin maikumpara lalo na sa kapatid naming bunso na isang taon lang ang tanda ko. Oo matalino siya, madalas rin maikumpara ang itsura naming dalawa. Maganda siya, makinis at maputi ang balat, halos magka-singtangkad lang kami pero ang itsura niya ay halos lahat nakuha sa itsura ni mama habang ako naman ay parang girl version ni papa.

Pero mas masakit naman na ikumpara ako sa kuya ko na kahit anino hindi ko pa nakikita. Wala nga akong balita sakanya, tapos pinagkukumpara pa. 

Malaki at malawak ang bahay na tinitirahan namin ngayon. Si mama, si papa, at ang bunso kong kapatid na si Louisa at apat na kasambahay at isang family driver lamang ang kasama ko sa bahay na ito.

Masasabi kong magarbo ang buhay na nalalasap ko sa pamilyang kinabibilangan ko ngayon, ngunit bakit walang nararamdamang saya ang puso ko? hindi ko maramdaman na kabilang ako sa tinatawag nilang pamilya.

"Anong iniiyak iyak mo diyan? linisin mo na ang sarili mo dahil kumakalat na ang dugo dyan sa labi at tuhod mo" masungit na sabi sa'kin ni Louisa saka ito lumabas para pumunta sa kwarto niya.

Siya ang dahilan kung bakit ako sinampal ni mama. Nilagay niya sa bag ko ang kwintas na sana'y gagamitin ni mama kahapon sa business meeting nila. Kahapon pa ito hinahanap ni mama at noong tinanong ako nito ay sinabi kong hindi ko nakita at hindi ko napansin. Ngunit kanina, nakita kong pinakialaman ni Louisa ang bag ko at nagkunware siyang sa bag ko nahanap ang kwintas na nawawala ni mama. 

Naging magkaklase kami ni Louisa mula Kinder garten hanggang makapagtapos kami ng Junior High School dahil gusto ni papa na sabay kaming mag aral noon para daw mabantayan ko ang kapatid ko at mabuti nalang ay pumayag yung school na pinasukan naming dalawa noon kahit bata pa siya ng isang taon para magsimula mag aral. Kaya ngayon, siya ang palaging nag susumbong kay mama kapag nalalaman niyang may mga bagsak akong exams at kapag siya ang may mga hindi nagawa o naipasang mga major requirements sa mga subjects ay tinatago niya at never kong sinumbong kay mama dahil alam kong ako lang rin naman ang papagalitan.

Habang nakaupo ako sa sahig sa gilid ng aking kama ay bumukas ang pinto at niluwa nito ang aming kasambahay na si nanay Inday na mas ituturing ko pa yatang sariling magulang kaysa sa totoo kong mama. 

"Ysabelle, uminom ka na muna nitong gatas na tinimpla ko" malambing na sambit sa'kin ni ate Inday. Gusto kong umiyak ng malakas at magsumbong sakanya, pero alam kong sasabihin niya nanaman na pag pasensyahan ko na ang ugaling mayroon si mama. 

Habang umiiyak ay naramdaman kong hinahaplos niya ang likod ng aking ulo.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak at hindi ko na nainom ang gatas na tinimpla sa'kin ni nanay Inday kanina. Nakita ko ang sarili ko na maayos na ang higa sa kama at nagamot na din ang sugat sa tuhod ko na natamo ko sa pagkatumba ng sampalin ako ni mama sa may bakuran sa labas ng pinto kanina.

Nakaramdam ako ng gutom kaya napag desisyunan kong lumabas ng kwarto para bumaba at kumuha ng makakain. Nakita kong nakapatay ang ilaw sa kusina, at dederitso na sana ako para kumuha ng makakain ng marinig ko ang boses ni papa habang kausap si mama.

"Sinaktan mo nanaman si Ysabelle?" narinig kong tanong ni papa. Isa si papa sa mga kakampi ko dito sa loob ng bahay bukod sa mga kasambahay at kay kuya Rey na family driver namin. 

Medyo may edad na rin si papa. Siya ang panganay sa kanilang mag kakapatid at siya ang namamahala ng kompanya ni Lolo dito sa Pilipinas habang nagpapagaling ang matanda sa sakit nito sa America.

"Kasalanan naman kasi ng batang 'yan! kung hindi niya kinuha ang kwin-" hindi na natapos ni mama ang sasabihin niya ng magsalita ulit si papa.

"Sigurado bang siya talaga ang kumuha? Sa dinami-rami ng alahas na pwede mong magamit sa araw na 'yon, talagang 'yong kwintas pang iyon ang hahanapin mo? at kailangan pang saktan mo ang bata dahil lang don?" galit na sagot ni papa.

Alam kong alam ni papa na palagi akong pinag-iinitan ni mama at ng kapatid ko ngunit hindi ko alam na kahit gaano niya pala kamahal si mama ay kaya niyang magalit dito maipag-tanggol lamang ako.

Hindi ko alam kung anong oras na nakauwi si papa galing sa opisina at kung pano niya nalaman ang ginawa sa'kin ni mama kanina pero base sa nakikita ko ay mukhang kakarating palang ni papa dahil hindi pa ito nakakabihis ng pang tulog na damit. Mabilis akong tumalikod at naglakad pabalik sa aking kwarto ng maramdaman kong may tumulong butil ng likido sa mata ko. 

Iniisip ko palang na pinagtatanggol ako ni papa sa harap ng taong mahal niya na nananakit sa anak niya, ang saya saya na ng puso ko. Nawala lahat ng sama ng loob ko kanina dahil alam kong nandyan na yung kakampi ko na kayang kalabanin ang mga mananakit sa'kin. 

"Sa susunod na malaman kong sinasaktan mo nanaman si Ysabelle, hindi ako magda-dalawang isip na palayasin ka sa pamamahay kong ito!" 'yan ang huling narinig ko na sinabi ni papa bago ako tuluyang makalayo sa kusina.

----

License Of LoveWhere stories live. Discover now