"But seriously, masaya ako na nakakasama ko ulit si Ludwig kahit nasasaktan ako sa trato niya, I don't mind as long as we're living together. I want to spend my life beside him."

"May pinaghuhugutan ka ba, girl? Kaloka ka."

I took a deep breath and look at these two. They been good friends to me. Napaka-swerte ko na nariyan sila. May nakakausap ako at natatakbuhan sa tuwing mentally exhausted ako.

I'll be forever thankful to them. Kahit walang forever.

"More beer, please." Sabi ko kay Ren.

"Desidido talaga siyang malasing, oh!" Sagot ni Ren.

"Of course girl, kapag talaga nalasing 'yang babae na 'yan, mark my word. I'll make Ludwig come here."

Bahagya ko siyang hinampas. "No more Ludwig, please."

Parang umiikot na ang paningin ko. Ewan ko ba kung bakit ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ngayong gabi. I should be calm and happy. Okay na ako dapat sa gano'n.

"Ano, Russia? Iyong totoo, kaya pa?"

"Huwag mo akong minamaliit na bakla ka."

"Oh my gosh, bakla daw ako!" Dave exclaimed. "But yeah, bakla nga pala ako huhu."

Mapapailing ka nalang talaga sa kabaliwan ng nga 'to. They are also drunk, I think.

"Alam mo, Dave. Lasing ka na. Nalilimutan mo nang bakla ka e." Tawang tawa na sabi ni Ren.

"E kung halikan kita d'yan, Ren? But no, ew!" Sagot ni Dave.

"Huwag mo akong hinahamon."

Itong dalawang 'to talaga. Kung hindi lang talaga bakla si Dave, bagay sila. Kaso mas lalaki pa si Ren sa kaniya e.

"Oh ikaw, Russia anong ambag mo sa asaran namin?" Tanong ni Dave.

"Ganda lang. Presensya lang." sagot ko.

"Lokohan na 'to! Ren, more drinks! Ilabas ang lahat ng alak. We'll get drunk until we fucking die."

Hinampas ko si Dave. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan." Suway ko.

"It was a joke, duh. Ang KJ na girl. Inom ka pa para masaya." Sabi ni Dave.

Tumungga na lamang ako ng alak. Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako kapag tinatamaan ng alak sa katawan. I felt happy, in a way na I can still cope up with the things happening to me lately.

Makulit lang talaga 'tong puso ko. Minsan rumurupok, minsan umaasa... but I know deep inside my heart, all I want is just to be with him. Iyon lang naman ang gusto ko. Hindi ko hahangarin pang maging okay kami at bumalik sa dati. That's too much to ask for. I can't let him... love me again. Ayokong masaktan ulit siya ng dahil sa akin.

Siguro selfish ako sa part na bumalik ako dahil gusto ko lang siyang makasama regardless with what he'll feel about it. Yes, I didn't consider his feelings. Alam kong ginulo ko ang mundo niya but I promise to myself na hanggang dito lang. I don't mind him hurting me because I know I deserve it.

"Hoy, Russia. Ano, tulal na naman? Lasing na yarn?"

Hindi ako sumagot bagkus ay muli akong tumungga ng alak.

For now, I am living my best life with pain. And that's okay.

"Russia where's your phone?" Tanong ni Ren.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. I just took it from my purse and handed it to her.

"Walang scandal d'yan." Biro ko habang tumutungga pa rin ng beer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Casanova's Club #4: Beautiful BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon