"Si Raven." biglang sabat ni  Jiro kaya lahat sila ay nakatingin na saakin.

"Bakit ako?" tanong ko sakanila , tahimik lang ako rito sa gilid tapos idadamay ako.

"Marunong ka diba?" tanong ni Jiro saakin.

"Jiro ano ka ba , 7 years na rin ako tumigil sa paglalaro—"

"Okay lang , basta may representative tayo raven please para sa block natin." Nagmamakaawang sabi ni Sajin.

"Pero.."

"Sige na sis." tulak naman ni beatrice.

"Natatakot ako.." lumapit si jiro saakin at niyakap ng mahigpit.

"You can do this raven , trust me." naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa noo ko.

Tumango nalang ako at ngumiti sakanila.

"Halika ka na raven , next ka na eh." sumama naman ako kay dion. Sumama rin si Jiro at beatrice , para suportahan ako.

Hindi ko alam kung kaya ko , masiyado akong matatakutin. I was 11 years old noong tumigil ako kahit kakasimula ko palang matuto noong 10 years old ako.

My mother taught me to play billiards. But when she died , i didn't play billiard anymore. Dahil na rin sa galit noon ay pinutol ni papa lahat ng stick cue ni mama na meron siya.

Hindi ko alam kung bakit pero sabi ni papa ay magiging alaala lang namin yon kay mama kaya mas pinili ni papa na itapon lahat iyon.

Nasa isang kwarto na kami kung saan nagaganap ang billiard. Nakaupo lang kaming apat doon at pinapanood ang current player na naglalaban.

Pinanood ko lang nang mabuti lahat ng galaw nila , baka sakaling may mga technique pa akong makuha.

2 remaining ball ang natitira sa kabilang team habang 3 remaining ball pa sa kabila.

Kinakabahan man ay mas pinili ko nalang na isipin na makakaya ko 'to kahit walang ensayo. Inalala ko nalang lahat ng turo ni mama saakin noon.

Focus , plan , and shot.

Tapos na ang laban ng dalawa and this time the red team won. Black ata kami eh jusko.

"So for our next battle is from Black team and Blue team." blue team? mga engineering yon diba?

"Kaya mo yan bes." sambit ni beatrice na alam kong kinakabahan din para saakin.

"Trust yourself raven." saad din ni Jiro.

Tumayo na ako at lumapit sa referee. Kumuha ng isang cue stick na pag mamay-ari ni Beau. Tumingin ako sa kalaban ko and shes looking at me intensely.

Dahan dahan siyang lumapit saakin at may binulong.

"Good luck girl , maybe Aquilo likes you but billiard is in love with me. Mananalo na ako." ahh gusto pala niya si Aquilo eh , bakit di na niya ibulsa. Iba naman gusto ko eh.

" Good luck." tugon ko nalang sakanya.

We started to play , at siya ang unang titira. She smirked.

On her first shot , 7 solid ball entered. Alam kong solid ball na ang sakanya. Aba sino ba naman tangang stripe ang ihuhulog kung nakahulog ka ng solid ball. Ako HAHAHA.

Just enjoy Raven , we doesn't care kung matalo tayo.

Pumasok ulit ang number 1 ball , tumitig pa siya saakin at tinataasan ng kilay .

Ang yabang yabang talaga.

Pagkahinto ng white ball ay eksakto namang sa pumasok sa butas , oh tatanga tanga.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now