"Can I watch?"


"May klase ka and hanggang 9pm lang naman ako. Hindi ako pwede magpa-gabi at may morning class ako bukas." he uttered. May pasok pala bukas ng umaga, bakit kailangan niya pa mag-work until 9pm na parang may binubuhay ng pamilya?


"Sunduin na lang kita after my class, okay lang?" pamimilit ko.


May kinuha siya sa bulsa niya at nilabas ang key holder that full of his multiple keys and he handed me one from them, "My unit's spare key. Iyo muna hangga't hindi pa nagagawa ang aircon sa room mo, and para makauwi ka kahit hindi mo ako kasabay or wala pa ko sa unit." 


Hindi naman aircon niya lang ang pinupunta ko sa unit niya.


"You chose the word 'makauwi'?" natatawa kong sabi, hindi malaman kung saang lupalop kumukuha ng lakas ng loob para gawing big deal ang choice of word niya. "Makauwi sa unit mo? What are we then?" tawa ko pa rin na kinatigil ko agad nang may na-realized. "I-I'm sorry.."


Damn it Ivo! Are you for real!?


Straight yan para biruin mo ng ganun!


"Sorry for what?" siya naman yung natatawa sabay kuha sa drinks ko at tinikman ito.


"I know you're straight and that jokes might harm you."


"I'm not. I mean, I'm not that close-minded to not to take a joke like that. Its okay! Sorry pa e." he smirked at iiling-iling.


"Still." felt guilty.


"You're overthinking things lang. Tara na, baka hindi ka pa umabot sa class mo dahil sakin." aya niya na siyang kinakilos na namin.


He was asleep the whole ride that made me adjust his seat to laid him back more. Nilakasan ko rin ang aircon nang maalala na mabilis siya mainitan.


Nakaharap ang ulo niya sakin ngayon at kung hindi iisipin na straight na may girlfriend siya, iisipin kong pa-fall 'to. Ang gwapo tang ina!


Kung hindi ko lang kailangan magmaneho baka nakatitig na naman ako sa mukha niya.


I'll drop him off to his workplace first before attending my class.


Akius Gatlin: Message me if susunduin mo ko para mag-early out ako or para mahintay kita.


I didn't get a chance to reply to him because the class discussion already started.


Madilim na ng matapos ang klase at nag-overtime pa ang instructor namin.


Ivo: I just finished my class :) I'll go there na.


Message ko sa kaniya nang dumaan sa harap ko ang babaeng kinaiinisan ko kasama na naman si Greg!

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now