Captive 28: His past

Start from the beginning
                                    

Ang Rebellious Gang binuo ko 'yun para sa mga taong katulad ko.

At nung mabuo ko na ang pina-pangarap ko'ng Gang na malakas at ma impluwensya. Marami na din kaming ibang Gang na natalo at naging kaanib pero hindi padin do'n 'yun nag tatapos dahil maski ganon na'to kalakas may kulang parin at yon ay ang titulo para maging pinaka malakas na Gang sa buong bansa.

Hanggang sa Dumating nadin ang pag kakataong hinihintay ko na maging pinakamalakas at mapunta sa pinaka tuktok ang 'Rebellious Gang' dahil makakalaban na namin ang sinasabi nilang pinaka malakas. Ang Rank 1 sa Underground World na tinatawag nilang Hellacious Gang, kinakailangan namin silang matalo para mapa saamin na ang titulong yun.

"Kung ganon totoo pa lang Babae ang Gang Leader nyo" sabi ni Black snake na katabi ko, siya ang kanang kamay ko. Tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon sya pala si Hell Girl ang bumuo sa pinaka malakas na Gang. I'm impress naka Red tube sya nakaka distruct 'yung suot n'ya, Lahat halos ng kasama ko nakatitig na lang sa katawan n'ya and I admit she's a hottie.

"You're all Adrooling over our Queen huh?" Pang aasar samin ng isa sa mga taga Hellacious Gang.

             "Then, I'll be gentle" sagot naman ni Sniper isa sa mga ka gangmate ko.

At nag simula na ang laban, Sampu kami sa Grupo at ang Hellacious Gang naman ay anim. Malaki ang lamang namin dahil mas madami kami. Pumayag sila maski Sampu kaming lalaban sa kanila masyado ba nila kaming minamaliit. I clenched my Fist. tss "I won't be Gentle" seryoso at madiin ko'ng pag kakasabi dahil wala akong pakialam maski babae man yan o lalaki hanggat nakaharang sila sa dadaanan ko pa punta sa itaas, ibabagsak ko silang lahat.

Nakita ko'ng napangisi si Hell girl kita ko 'yun sa half mask n'ya na kanina lang ay tahimik na nakikinig sa mga nang yayari at walang ka rea-reaksyon na mababakas mula sa kanya.

Kanina pa kami nag lalaban puro duguan na ang mga kasama namin. Si Blade , Sniper nalang at ako ang nakatayo sa grupo ko samantalang sila ay lima. Simula kanina isa pa lang ang napapabagsak namin sa kanila at ang ikinaiinis ko pa bakit parang ayaw nilang palabanin ang Hell girl na yan masyado ata nilang pino-protektahan dahil the whole time na nag lalaban kami nanunuod lang s'ya.

Damn! Naiinis na ko. Akala ko pa naman malakas sa at may kakaiba sa kanya pero isa lang pala syang "Isa ka lang palang mahinang Babae. Mag kano ba ang binayad mo sa mga lalaking to?" Pang aasar ko sa kanya mukha naming hindi talaga sya lalaban dahil nga siguro natatakot yan lalaki ako at babae lang sya.

  "Oh-Ow"

    "You crossed the line dude"

"Over the belt ika nga" 'yan lang mga sagot ng mga lalaking kasama nya.

"Bakit? Totoo naman ah. Tama si Dark Demon, Babae lang s'ya at hindi n'ya kami kaya.HAHAHAH!" Pag sang-ayon sakin ni Sniper.

"You're Dead" sabi ng isa pa n'yang kasama at sa isang iglap bigla na lang syang napunta sa harapan ni Sniper at Sinuntok 'to at pinag sisipa n'ya pa at nakita ko'ng nag labas ng baril si Sniper ganyan s'ya pag sa tingin n'ya ay hindi nya na kakakayanin kaya kumukuha sya ng armas pipigilan ko sana sya dahil wala sa usapan 'yun at sinabihan ko na din s'yang 'wag mag bibitbit ng kahit anong armas. Tinutukot n'ya to sa ulo ni hell girl. Halos lahat kami napatigil pati ako at ang kalaban ko.

"Ibaba mo yan Sniper." utos ko sa kanya

"Pero mas maganda kung mamatay na lang s'ya di'ba?" He pulled the trigger.

Captivated by herWhere stories live. Discover now