Pero wala naman kaming gagawing masama, e? And for as long as I've known Miguel... he's not the type of someone who'll kill me. Bobo naman niya if papatayin niya ako dito. 

I've known him for six months na... simula nung exam. Four months na kaming may interaction nito, almost three months na araw-araw magka-usap. 

Miguel's nice. My guts telling me that. I know he is. 

"If you don't want to then I understand naman. I'll just hire someone who can—" 

"When?" Mabilis niyang sagot ng makabawi. 

"When you're free," dahan dahan kong sagot habang naka kunot ang noo. Miguel looked at the clock. It's just nearly twelve in the afternoon. 

"Okay. I'll just change then punta na ako dyan." I nodded as we ended the call. Mabilis akong nag linis ng kwarto. Wala naman masyadong kalat aside sa mga inaassmble ko. I took a bath ulit kasi sobra 'yung pawis ko kanina. 

Nang matapos ako ay nakita ko 'yung message ni Miguel na nasa baba na siya. Kaya naman ay mabilis na kilos akong bumaba para sunduin siya. 

This is our first meet up after nung exam. This is not how I expect our first meet up as two people na araw-araw at buong magdamag magkausap would be. Kahit mukang tigasin ako, babae pa rin ako, no. May part sakin na inimagine na mas okay 'yung meet up namin. 

"Hi," he greeted with his low tone manly voice. Lumakad naman ako papalapit sa kaniya. Mas tumangkad pa ata siya. Matangkad na nga siya noon, mas tumangkad pa. He still looked the same. His hairstyle fits him, ang gwapo niya lalo. Mas muka siyang malinis. 

He was just wearing a grey jogger pants and black t shirt. And of  course, suot na naman niya 'yung ngiti niyang never nawala sa muka niya. 

"Hi," I replied back. "Tara?" Tumango naman siya at sumunod sa akin. Wala masyadong nag-uusap samin dalawa nung nasa elevator. Nahihiya rin naman ako mag start ng conversation. Kung sa online nga nahihiya ako mauna mag-usap, in person pa kaya? 

"Pasok ka," sabi ko nang mabuksan ko 'yung pinto ng condo ko. Luminga-linga muna siya bago tuluyang pumasok. I closed the door but we both stayed near the door. Walang gumalaw at naglakad sa amin. Para kaming tanga doon dalawa. 

Naglakad na ako palapit doon sa study table and study chair ko na hanggang ngayon ay di pa rin matapos tapos. Lumapit naman sa akin si Miguel na parang bata dahil nag p-pout at basta... muka siyang batang nawawala. 

"Mga gaano mo katagal 'to magagawa?" I asked. Buti naman ay nakabalik na siya sa sarili niya at nagsimulang mag-asikaso doon sa study table. 

"Hmm... one hour siguro tapos na 'tong dalawa... hopefully," he presumed. I nodded. 

"Nag lunch ka na?" I asked again at umupo sa kama ko. Nagsisimula na siyang mag-ayos. 

"Not yet," he said like a kid habang seryoso sa ginagawa. "What about you?"

I shook my head. "I'll cook for you if hindi ka maarte but sabi mo after one hour tapos ka na. That might take for an hour and a half—" mahinahon kong sabi pero mabilis siyang tumigil  sa ginagawa at tinignan ako. 

"One hour? One hour ba sinabi ko? I said it might take three hours. Ikaw nga three hours kanina," bulong niya. I smiled a little before I stood up to walk towards the kitchen. Hindi naman ganon kaliit itong studio unit ko pero hindi rin ganon kalaki. 

"You'll cook paella?" 

"Yup." 

"Nice. Didn't expect na ngayon ko siya ma ta-try." Pa joke niyang sinabi pero hindi ko na pinansin dahil nilabas ko na 'yung mga ingredients. Frozen pa 'yung chicken breasts kaya ilang minuto pa 'to. Nilabas ko na rin 'yung stock kong shrimp at pusit. 

Escape of Sweet CinnamonWhere stories live. Discover now