Prologue

7 1 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa love at first? Kasi ako noon, hindi eh. Not until nang makilala ko s'ya. At first, I thought may sakit ako sa puso, ang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Nagpa-check up pa ako sa doctor kasi it's not really normal na. Nakakapagtaka lang kasi ang sabi ng doktor ay  healthy ang body ko and wala akong sakit.

Hindi naman araw-araw itong tumitibok ng gano'n ka bilis, so I'm confused. I decided to observe what I see naman every time I feel like that. Every time na nararamdam ko 'yon, na realized ko na nangyayari lang 'yon kapag nandiyan s'ya sa tabi ko or nakikita ko s'ya sa paligid. I realized din na nagsimula itong nararamdam ko sa first kong kita sa kanya.

So nagplano ako na lapitan s'ya and kausapin, pero ng nasa harapan ko na s'ya. No words came out of my mouth. Pinagpapawisan pa ako ng tumingin s'ya ng deretso sa mga mata ko. May gusto akong i-ask sa kanya but suddenly nawala ito na parang bubble sa utak ko. Na blanko ang utak ko.

Napatulala na lang ako ng makita s'yang ngumiti sa akin. May tumawag na sa kanya that time so nagpaalam na s'ya sa akin. Nang makauwi ako sa bahay namin, I still couldn't get that smile out of my mind.

Ewan ko ba, pero sobrang saya ko that day. Lahat yata ng gawain sa bahay ay ginawa ko na. I didn't even complained kapag inuutosan ako. A few days later, nagkita ulit kami at s'ya na mismo ang unang lumapit sa akin. Tinanong n'ya ako if ano ba ang gusto kong sabihin sa kanya the last time we met.

Inipon ko ang buong lakas ko at sinabi na gusto kong makipagkaibigan sa kanya. Since then, naging magkaibigan nga kami, but ilang weeks din ang nakalipas, I realised na hindi pala pagkaibigan ang gusto kong mangyari sa amin.

Paano ko nalaman? Nang sabihin n'ya sa akin na may nagugustuhan na s'yang iba. Habang masaya n'yang kinukwento sa akin ang pag-uusap nilang dalawa. Para naman unti-unting dinudurog ang puso ko.

That's why na buo ang tanong na ito sa isip ko. Hindi ba dapat masaya ako para sa kanya dahil masaya na rin ang puso n'ya? But bakit gano'n ang nararamdam ko? It feels like my heart is being stabbed several times, and the pain seems to be endless.

Alam kong mali ang nararamdam ko. Alam kong mali ang mahalin s'ya dahil labag ito sa amin, pero kahit gano'n, hindi ko pa rin maiwasan ang  mahalin s'ya. If sana maibabalik ko lang ang panahon na wala pa s'yang mahal na iba. May chance kaya ako na mahalin n'ya rin ako pa balik?

The Soul's Rebirth Where stories live. Discover now