"Sure, sure."

I was smirking the whole time without her knowing. While talking to her, a lot of ideas were formulating inside my head.

...

Kael's POV

Nawala ang antok ko at napalitan ng takot at pag aalala. Kahit na alam kong nasa kalagitnaan ng performance si Ken ay hindi ko na napigilang mag chat sa kaniya, tinatanong kung ayos lang ba sila at kung ano ang nangyari. Of course I wasn't expecting a reply from him, but since I see photos and clips of him performing, I assume that he's safe. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon.

Babi🐥
Pauwi na

It was past eleven when he messaged me. Nasa sofa lang ako, naghihintay. When I heard the smart lock rang, I quickly stood up. Kasama na naman niya si ate Leah at ilan pag mga staff na may bitbit na mga gamit at regalo na binigay sa kaniya.

Pinapasok muna namin sila saglit. Binati ko sila isa-isa, yumakap pa ako kay ate Leah. I noticed the gauze on her left hand.

"Anong nangyari sa kamay mo, ate?" Tanong ko. "May nakita akong video kanina sa X, nabasag daw yung windshield ng van niyo, totoo ba 'yon?" Hindi ko na napigilang magtanong.

Nagkatinginan sila ni Ken saglit.

"Ayos lang kami. And yes, it was us." Kalmado niyang sagot. I was about to say something when she spoke again. "But don't worry, na-handle na namin yung situation, nakipag cooperate na rin kami sa mga authorities. They're doing their best to catch the culprit."

I sighed and nodded.

"Basta yung lagi kong bilin sa inyo ha? Mag doble ingat palagi, kahit triple pa. Make sure to lock your doors and wipe the fingerprint scanner before entering. Be cautious on your surroundings din. Tsaka isa pa, wag muna kayong kakain ng mga foods na ibinibigay sa inyo, kahit na from fans pa, sayang pero mahirap na. Always double check the gifts that you receive, Ken, use a hidden camera detector."

Tumango naman si Ken.

Pagkaalis nina ate Leah ay yumakap agad ako kay Ken. He hugged me back and buried his face on my neck.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Okay lang ako, si ate Leah lang ang nasugatan sa amin."

I sighed deeply when our hug loosened.

"Kinabahan ako sa inyo, akala ko kung napano ka na." My voice were filled with worry.

"I'm fine, we're fine." He said with assurance. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang noo ko bago ako muling yakapin. "I'm just tired."

"Then rest for a bit and take a shower first, para makatulog na tayo. Kumain ka na ba?"

Hinintay ko siyang matapos para sabay kaming matulog. Nakaunan siya sa dibdib ko at nakayakap sa akin. Nakapatong pa ang binti niya sa hita ko. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

"Babi?"

It took him seconds to respond. "Hm?"

"Ay, sorry. Natutulog ka na ba?"

"Hindi, okay lang. Ano ba 'yon?"

"Wala... I just want to remind you to be careful, lalo na tuwing may event kayo kasi mas malapit siya sa'yo nang hindi siya napapansin." I tightened my hug around his back. "Stay safe always, hm? For me. Lagi mong iisipin na may naghihintay sa'yo na umuwi."

He chuckled slightly. "That's sweet. Noted, Ai."

I smiled before kissing the top of his head.

I'm glad they're okay. But it's not enough for us to stay calm. Kailangan na talagang mahuli ng hayop na babaitang 'yon. Sumosobra na siya, nakakasakit na siya ng tao. Kailangan na ata niyang ipa-mental eh. Wala na siya sa sarili.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now