Pansin ko na natutulala si Jho sa pagkain niya

"Hey are you ok?"

"H-ha? Ano yun?" Jho

"Gusto mo ba pag-usapan yan? I'm all ears"

Jho takes a deep breath

"Nics, thank you dito, dito sa mga ginagawa mo para sa'kin. It means a lot. Kung wala ka baka nabaliw na ako kakaisip" Jho

"Is it about Bea?"

Jho nods

"I don't think I'm in the right position to say something about what's happening between you two. Wala akong karapatang makialam kahit pa sabi mo na may space kayo"

"But I'm willing to clear out my own schedule para damayan ka hehe"

"I can't believe you exist" Jho with her eyes focused on mine

"Hehe I do"

Nakakalusaw mga titig niya. And her eyes' tell something na hindi ko mabasa







BEATRIZ

Inaayos ko na yung office bag ko as I'm about to leave since tapos na ang trabaho nang pumasok si Thang sa office ko

"Beiii" Thang

"Oh"

"Sama ka?" Thang

"Where?"

"Ano ka ba, birthday ni darling ngayon hindi mo ba alam?" Thang

"Talaga? Ba't hindi mo sinabi agad?"

"Alangan naman istorbohin kita diba" Thang

"Tara labas tayo, let's invite Ms. Denn too"

"Ms. Dennnn? Sungit non eh" Thang

"Sumbong kita sige"

"Masungit na maganda ikaw naman" Thang

"Hahaha palusot"

"Ikaw na magsabi kay darling na lalabas tayo ah" Thang

"Fine, basta inom tayo after"

"G!" Thang







CAITLIN

Habang hinihintay ko si Thang ay si Bea naman ang dumating at nilapitan ako

"Happy birthday" Bea at nakipag cheek to cheek sa'kin

Tapos binigay sa'kin ang isang box ng chocolate

"Teuscher, kakaiba 'to ah. Nako mamahalin na naman 'to noh" I chuckled

"That's my favorite, so I thought of giving you that as a present instead" Bea

Pwede kiligin? 🥹

"Thank you"

"Keep it now, baka agawan ka pa ni Thang-thang" Bea chuckles

"Mabuti pa nga. Speaking of Thang-thang, nakita mo ba siya? Gusto ko na kasi umuwi"

"Wala munang uuwi, because I'm taking you guys out for dinner" Bea at inakbayan ako

Pigilan mo kiligin self, pigilan mo! Pero shocks ambango ni Bea grabe

"Hindi pa sahod eh, pwede next time? Hehe"

Soulful Eyes (book 2, Missing Piece adaptation)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant