Chapter 2

9 0 0
                                    

Napapakagat labi na lamang si Raven para pigilan ang malakas na tawang nais umalpas sa bibig nya. But he can't help it, talagang kusang lumabas ang halakhak na kanina pa nyang pinipigilan. Sino ba namang hindi matatawa sa hitsura ni Liam na taimtim na nananalangin for a higher score?

"Mr. Fajardo, you look so happy ah." nakataas ang isang kilay na saad ng teacher nila.

"You sound so happy." dagdag pa nito habang umiiling-iling.

"I'm sorry, Sir. Ibanez."

"Well, you should be! Tignan natin kung saan aabot iyang tawa mo kapag nakita mo ang test result mo sa subject ko."

Napalunok sya nang mariin at hindi na umimik, para kasing pinapatay na sya ng teacher nya base pa lamang sa tingin na ibinabato nito sa kanya. Speaking of his scores, siguradong bagsak na naman sya. Galing na mismo sa bibig ng teacher nyang kaugali ni Miss Minchin sa Princess Sarah.

"Dude, hindi ka na naman ba nag-aral?" bulong ni William mula sa likod.

"Do I have to? I mean, his subject is boring."

"Kahit na, pare. Hindi biro ang percentage ng midterm! Malakas ang hila nun sa kabuuang grades natin."

"Oh, come on! Don't mind me, William."

"Okay lang iyan, sigurado namang may tamang sagot pa din iyang si Raven." sabat ni Liam na nasa unahan, may paglingon pa sa kanila.

"Right. I am confident with my answers. Tsaka nag-aral naman talaga ako. It's just, I want my mom to be angry so I didn't rake the exam serously." preskong sagot nya.

"Tsaka tignan nyo itong si David, hindi iyan nag-aral katulad ko."

"Excuse me, dude. Hindi ako nag-aral kasi may resources ako, mga magagandang chicks!" sagot ng hudas na si David.

Kaya naman pala hindi ito tumabi sa kanila nung examination day. Kasi planado na pala panunulad nito. Iba din kapag guwapo at lapitin ng mga babae, walang problema sa sources ng sagot. Napangiwi na lamang sya sa kalokohan ng kaibigan.

"You look so proud." iiling-iling na saad ni William.

"Of course, pogi kasi ako."

"Ugh, what's the connection?" umiirap na tanong ni Liam.

Sasagot pa sana si David nang biglang tumayo si Sir. Ibanez, nagsalita nang kaunti tungkol sa naging test bago isa-isang inabot sa mga kaklase nya ang test papers. Nakuha agad ng tatlong bugok ang test papers nila, pero iyung sa kanya ay wala pa.

Alam naman nyang ipanghuhuli sadya iyun ni Sir. Ibanez.

"Yes, 42 out of 50 items! Close enough!" may pagsuntok pa sa hangin na bulalas ni David.

"Quiet!" suway ni Sir. Ibanez dahilan para mapakamot sa ulo ang kaibigan.

"Tsk. Kahit anong aral ko, hindi ko talaga masabayan ang pandaraya mo. 36 out of 50 lang ako." iiling-iling na bulong ni Liam kay David.

"Haha, ibang level talaga talino ng chicks ko. That's fine, Liam. The passing score is 30, remember? Lumabis ka pa nga ng anim."

I love you 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon