Prologue

6 0 0
                                    

Hi, Sheen here! Sorry for being inactive for a long time. Graduating ang Sheen niyo kaya ayon, busy. Also, I'm having problems again sa chapters ng BFB kasi biglang nawawala sa arrangement (gaya nung nangyari dati sa CMWIF) kaya nag-decide ako na mag-new story ulit para ma-reset kaya kung mapapansin niyo, 0 reads pa lang kasi naka-new story siya. 'Yon, salamat!

-

Living is hard but living without someone with you is harder. Nasanay akong masaya lang. Nasanay ako sa kumpleto kami. Nasanay akong may kasama sa pagharap ng problem ko. Nasanay akong labanan ang takot ko, pero never akong sinanay na lumaban mag-isa. Never akong sinanay na maging mag-isa.

Kaya nang mangyari 'yon, hindi ako handa. Muntik akong sumuko pero, hindi pa rin ako pinabayaan.

May nawala pero, may dumating sa buhay ko.

"Euphimia, hija. How's the training?" Tumingin ako sa may hagdanan nang marinig ang tinig. I smiled and stood up, walking towards my Auntie to guide her. Naupo kami sa couch at agad nagharap.

"Ayos po, Auntie. Liam is teaching me well despite him being busy with his cases. Madali ko pong naintindihan lahat," sagot ko. Nakita ko ang pag-alpas ng malambing na ngiti sa labi niya bago hinaplos ang buhok ko.

"I'm glad, my son is teaching you well, hija. I was worried that no one will help my son manage the company. He's an aspiring lawyer before. Hirap siya sa law school pero, nagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at pag-manage. It was tough but, you came..." she held my hand. "You came and made everything easier. Alam kong hindi man sabihin ng anak ko, nahihirapan siya dahil sa malaking responsibilidad na iniatang sa kaniya sa murang edad," she smiled sadly.

"Gusto kong tulungan ang anak ko pero, hindi ko kaya, hija. Bawal sa akin ang ma-stress kaya kahit kailan ay hindi ipinahawak sa akin ni Liam ang kompanya. Siya na daw ang bahalang nag-asikaso ng lahat." Napangiti ako at tumango.

I witnessed it. Walang araw na hindi ko nakikitang stressed si Liam no'ng mga unang araw ko dito. Either stressed siya noon sa readings niya o kaya sa kompanya pero mas madalas na dahilan ang kompanya. Minsan pa nga'y hindi na nakakakain o nakakatulog dahil sa dami ng hina-handle. Nakokonsensya ako dahil wala akong naitutulong pero, wala rin naman akong alam sa paghawak ng kompanya.

Pero, nang magtagal ay nagdesisyon si Liam na turuan ako at masaya akong matuto dahil gusto kong tumulong. Series of hardworks and concentration, I manage to understand everything. I am still learning but, I can tell that I already am capable of managing the company with Liam.

"I am thankful of Liam po, Auntie. Pati rin po sa inyo dahil kung wala kayo, paniguradong wala na rin ako," sabi ko.

"We are more than happy to be with you, hija. Your mother must be happy for you."

Adjusting and living without knowing my purpose is hard. Bawat paggising ay hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong uunahin ko, kung bakit pa ako nagising. Lahat 'yon, dumaan sa isip ko.

When Auntie Lauren and Liam came in my life, I managed to stand up again. I managed to live my life again. I managed to regain myself again.

Ilang taon man ang inabot, nakaya ko pa rin.

Wearing my white blouse tucked in my black slacks, layered it with my black coat and partnered with my black Peep-Toe Mary Jane heels, I am now ready to go. Hindi ako masiyadong nagmamadali dahil maaga pa naman. May meeting ako pero mamayang pang 9AM 'yon. It's still, 7:40 so, I am perfectly fine.

Bleed For Beloved (SM #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon