"Ayaw mo iyon, masosolo mo siya!"




"Gaga! 3 days ang booking natin doon! Iisang room lang ang na-avail ko!!! Ayoko siya makasama sa iisang kwarto!"


"Gaga! Bading iyon, di ka nun gagapangin!"


"Kahit na!!! Tsaka ang layo ng biyahe! Baka i-salvage niya ako!!"

"Haha OA!"


"I need self defense! May mapapahiram ka bang kahit ano diyan?"



"Gia hah! Nakakatawa ka."



"Sana naman magaan siyang katrabaho! Jusko naman, si Direk talaga! Mga plano talaga nito, unpredictable!!! Hays."


"Bakit pala 3 days ang binook mo dun?"



"Diba, sabi ko sayo, after natin sa Atok, baka diretso Bagiuo tayo? Or Sagada! Chance na natin mag bonding sana nun Miah! Alam mo naman sa field ng work natin, sa mga ganyang bagay lang tayo nakakapag bakasyon!"


"Alam mo, isipin mo na lang, makakapag bakasyon ka, mag eenjoy ka! Recharge, soul searching——- Malayo sa gulo ng siyudad! Isipin mo na lang makakahinga ka ng tatlong araw.."



"Makakahinga? Baka ma suffocate ako! hays!"




"Mukha lang maldita si Sir Adrian pero , alam ko mabait yan, anak kaya yan ni Direk Dante!"



"Mabait sayo, sa akin? Hindi."





"Wag ka patalo sa kamalditahan niya! Ikaw ang girl, tandaan!"


"Tama! Tama! I can handle this situation—- I can handle this. I can.."
















Pagpasok ko ng mall ay nagmamadali na akong tumungo sa pet shop kung saan ko nakita si Puso. Oo, I named that Cat "Puso" dahil sa heart shape sa noo nito. Handa na ako, handa na akong bumili ng bago kong alaga. Excited ako. Sobra..



Nasa labas pa lamang ako ng petshop ay nagsalubong na agad ang mga kilay ko ng mapansin kong walang laman ang cage ni Puso kung saan ito nakalagay noong huling punta ko.



"Excuse me? Miss? Nasaan na yung pusang puti na may hugis puso sa noo? Yung nakalagay dito?"



"Ay Maam! Nakuha na po siya ng bagong mag aalaga sa kanya.."



"Hah? Kailan? Nakausap ko kasi yung nagbabantay dito dati, ang sabi ko baka pwedeng pareserve yung pusa under my name kasi——"



"Sorry maam! Wala na po talaga siya.  Meron pa naman pong ibang cat dito..."








Malungkot akong lumabas ng petshop. After kong humugot ng lakas ng loob para kunin na yung pusa ay tsaka naman nakuha na siya ng iba. Siguro ayaw ni Lord na mag alaga ako ulit ng pusa dahil baka hindi ko naman maalagaan ng maayos—— siguro nga, tama, siguro mas maalagaan si Puso ng tama kung nasa ibang bahay siya.








Pag-uwi ko ng bahay ay naabutan kong nakatayo si Gab at may gawak na bowl na may lamang potato chips. Diretso akong lumapit sa kanya tsaka ko siya niyakap. Papahikbi na ako ng silipin niya ang mga mata ko.



"Pucha, sinong nagpaiyak sayo??!"





"Wala na si Puso. Nabili na ng iba."




"The cat?"



"Yes."




"Hanap na lang tayo ng iba, madami namang petshop malapit dito..."




PLOT TWISTWhere stories live. Discover now