"Hays! Damot mo sa info!!! Maniniwala lang ako na hindi sayo iyon kapag——"
"Kapag ano??"
"Kapag nakita ko yang sayo——— aray! Makapitik ah!! Close tayo? Close enough? Sa tenga talaga? tsk."
"Bibig mo! Ang aga-aga! Kadiri ka! Bakit ko naman to papakita sayo?!!!"
"Sinendan mo na nga ako ng pic eh! Mas okay kapag live!!!"
"Shut up. Your mouth!"
"Ayaw pa aminin! Hmp, pero sayo nga? Eeehhhh.. Dakila ka pala eh! Blessed!" natatawang sabi nito. Isang pitik muli sa braso niya ang ginawa ko, gaganti pa sana ito ng biglang pumasok si Paps sa conference room.
Oo, I accidentally send a photo to her messenger account. Paano ba naman, may iba akong kausap tapos biglang magmemessage ng gabi! Sa taranta ko ay bigla ko iyong binura pero alam ko, alam ko nakita niya iyon. Pero accident lang iyon! Ano bang pakialam niya sa sinend ko diba. Hays. Ang tanga-tanga ko sa part na iyon. Di na mauulit.
Siguro ay isang oras na mahigit ang tinatagal ng meeting na ito pero hindi parin kami tapos. Matapos magsalita ni Paps ay ito namang bida-bidang Assistant Director ni Paps ang nagsalita. Kung gaano siya kakulit at kaingay ay ibang-iba sa Gia na nasa harapan ko ngayon. Serious, focused , full of confidence at well prepared sa mga binabato sa kanyang tanong at sa mga binibigay niyang informations. Masasabi mong expert na siya sa trabahong bumubuhay sa kanya. Aba dapat lang! Malaki ang pasahod ni Paps sa kanya eh! Hmp.
Napalingon kaming lahat kay Paps ng magtaas ito ng kamay.
"About sa location, alam ko prepared na, may plano na kayo for a visit pero Gia, I need Miah and Val para sa team ko this week, may pupuntahan kaming ibang location.."
"Hmm okay Direk, so I will moved the location visit next next week? Kung okay lang?" tanong nito.
"No. Ituloy ang location visit , with Adrian."
Napalingon si Gia sa akin. Kita kong nagulat siya sa sinabi ni Paps. Nagulat din naman ako.
"Me?" turo ko sa sarili ko.
"Yes, dahil ikaw ang writer nito, alam naman natin na may sarili kang location in mind! Naisip ko na dapat kasama ka sa lahat ng ocular visits sa mga magiging location ng shoot!"
"Me? With her? Sa Atok Beñguet? Seriously Paps?"
"Wag ka mag-alala, hindi kita ihuhulog sa bundok.." rinig kong sabi ni Gia. Natawa ang ibang staffs.
"Yes. Okay na din iyon, para makapag brainstorming kayo sa mga scenes na pwede niyong idagdag or palitan..."
"Brainstorming? as if naman may brain siya.." mahinang sabi ko , sapat lang para marinig ng katabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mata ng maramdaman kong sinipa niya ang paa ko.
"So kung wala na kayong tanong, tapos na ang meeting —— I need to go na din. Kayo na ang bahala dito."
Pagtayo na pagtayo ni Paps ay sinamaan ko ng tingin tong HolyWater kong katabi tsaka ako sumunod kay Paps sa office niya.
Gia's POV
"Oh, coffee mo. Wag ka ng sumimangot diyan! May next time pa naman na makakapag bakasyon tayo ng sabay!"
"Pero Miah! Ang dami kong plano sa pagpunta natin dun!!! Nakagawa na ako ng itinerary natin! Hays, nakakainis! Bakit kasi nagbago pa ang isip ni Direk! Hays!!"
Wrong
Start from the beginning
