"Sige sige"

Habang papunta kami don nag chat bigla si Kyerianna.

Riana, Lyn's

Accla nandito na ako!

Pati ba naman siya ang aga rin? Ano bang nangyari sa mga taong to.

Punta ka kaagad sa theater room, nandoon kami.

"May nag chat?" Tanong ni Lyra.
"Ah yea si Riana sabi niya nandito na siya kaya pinapunta ko kaagad ng theater room" sabi ko.

"Then let's just get inside"

Binuksan niya ang pintuan ng room at nandoon silang dalawa nanonood ng Romance drama?

Or i don't know hindi ako familiar sa pinanood nila.

"Ang green flag niya! Saan kaya ako makakita ng ganyan" biglang sabi ni Wynona habang papalit kami sa upuan nila. "Luh ano yang pinapanood niya?" Tanong ni Lyra na may pag ka kuryosidad.

Umupo kaming dalawa ni Lyra sa likuran nila ni Miles at Wynona.

"K-drama"

"Ang gwapo niya teh oh my god!" kilig-kilig na banggit ni Miles, luh nababaliw na sila. "Sana makahanap ako ng lalakeng ganyan!" Bulyaw pa ni Wynona.

"Sige po"

"Hi everyone, everytwo" biglang sulpot ni Kyerianna, my gosh hindi man lang namalayan na nandito na pala siya. "Hi bat ang tagal mo maka abot dito?" Tanong ko at umupo sa tabi ko.

"Naisip ko daanan ko muna si Tita nakaka-hiya naman siguro kong dito agad ako pupunta"

"Kung sa bagay"

"Oy hi Kyerianna, nice to see you again ah" pag bati ni Lyra sa pinsan ko. "Hi" she smiled.

Sa laki ng boses ni Lyra napalingon naman yung dalawa sa direksyon namin

"Hi Riana nanjan kana pala"

"HI Kyerianna"

"Hi hindi niyo ko namalayan kasi ang busy niyong nanonood jan" tumawa lang kami ng mahina sa sinabi niya.

"Anyway saan pala ibang kaibigan niyo?" Tanong ni Lyra.

"Si Fiana nag island hoping kasama family niya at yung naman hindi ko alam pero yung girlfriend ko nasa isang daddy niya then doon siya mag stay for the whole week" sagot ni Kyerianna sanaol, ano kaya feeling matawag na girlfriend?

"Nag update ba siya sayo?" Tanong ko sakanya "Oo naman, sino ba namang hindi ha?" Pag taas niya ng kilay sakin.

"Tsk OA bahala ka na nga jan" hindi ko na siya pinansin. "Oy puro kayo away jan shhh" reklamo ni Miles.

Nanahimik nalang si Kyerianna at nag cellphone nalang at may narinig ako sa sinabi niya "Hays miss ko na siya" at may pa kunware na umiiyak grabe ang oa pero nafefeel ko naman miss na talaga niya.

Nung exam day pa last pag sasamahan nila e i think? Hindi ko alam, siguro nag kita sila bago siya umalis ganon. "Kelan last kita niyo?" Tanong ko.

"Nung Saturday"

FriendsWhere stories live. Discover now