Napapikit siya at napatingala. Paano nangyari? Kitang-kita niyang nahulog sa bangin ang mag-ina niya o baka imahinasyon lang niya nakita ang pangyayari.

   Imposibleng mabuhay ang patay na. Natigilan siya. Ang anak niya? Saan? Buhay ba? Napakurap siya ng may bumadhang luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon, ang akala niyang okay na siya,  hindi pala. Nagkamali siya. Nandito pa rin ang sakit na kinikimkim niya sa halos pitong taon ng nakalipas. Napasabunot siya  sa kanyang buhok. Napasigaw at napasipa sa gulong ng kotse.

He should contact his psychiatrist because he needed it. Baka umabot na naman sa puntong para na siyang baliw.

   "Alam mo na.”

  Napabaling siya sa likuran nang marinig niya ang boses ng kaibigan na si Trail.

"What exactly do you mean?" He looked at his pal, confused. He was bewildered by what he was saying.

"About them... Ex, and your daughter Olivia are still alive."

He was still in pain when he heard his daughter's name Olivia, unable to move on in the past about his lovely daughter and how awful —wait what?  When he heard that alive, his mind went blank.

"Here ... "

His heart was pounding so loudly that he couldn't breathe easily. Is his friend joking? He is stunned by what he heard alive. He couldn't think of anything to say. He was only staring at his friend, who was holding a black envelope. Trail handed him the envelope.

"That's all the proof we have."

     Nanginginig ang kamay na tinanggap niya iyon. Bawat pahina ay binasa niya, at tiningnan ang mga larawan na ebidensiyang buhay nga ang mag-ina niya.

He was fooled for six f-cking years by someone he thought he could trust. He assumed they were all dead because he witnessed it. He witnessed the incident. The person he trusted the most was a two-faced liar. How could she be so cruel to him? For all the years he had lived, nalaman niyang buhay pala ang mag-ina niya na hindi man lang niya alam sa halos pitong taon. Ngayon niya lang alam na ang tanga-tanga niya kung bakit naging ganito ang lahat. Kung bakit humantong sa wala siyang kamuwang-muwang na niloko siya ni Olivine na magpanggap na patay na ito. Kaya ba nagpapanggap na patay na ay dahil para  magkasama sila ni Gregory?

  Napatiimbagang siya sa kanyang naisip. He wants to strangle her. Pati ang anak niya ay sinali pa ng ex-gf niya.

   Kailangan niyang makagawa siya ng paraan para makuha niya ang kanyang anak, at malaman niya ang totoo.

    Tumingin siya sa kaibigan. "Bakit mo alam? Iniimbestigahan mo ba sila? Bakit? Kahit anong gawin kong pag-imbestiga, at paghalughog sa buong Pilipinas ay wala akong kahit isang makalap. May humaharang ba?"

  "May isang taong nasa likod ng lahat ng pagdudurusa mo. Hindi ang babaeng sinasabi mong siya ang pakana ng lahat ng ito. Huwag kang maging bulag sa katotohanan, Rough, dahil baka mawala na talaga sila sa’yo. Alam mo ang kasagutan, pero ayaw mo lang talaga makinig, magmasid, at bantayan ang mga kilos ng nasa paligid mo. Baka hindi mo alam, nasa tabi mo lang pala ang salarin ng lahat ng ito." Tinapik nito ang kanyang balikat at mariin siyang tiningnan. "Isa sa misyon ko ang konektado sa’yo, Rough.  Kailangan kong makalap ang lahat ng ebidensiya kaya pumunta ako dito kay Gregory para humingi din ng tulong sa kanya. Nalaman ko kasing iisa lang ang pakay namin. I have to leave right now because someone is waiting for me."

       Siya na lang mag-isa sa labas ng building ni Cole. Naguguluhan pa rin siya. Ano ba ang dapat niyang malaman? Ano ba ang dapat niyang gawin para malaman kung sino ang puno't-dulo ng paghihirap niya? Konektado sa kanya? Si Israel ba o ang kapatid niya? Wala naman siyang ibang konektado kundi ang ama na kayang gawin ang masasamang bagay para makamit lang minimithi nito. Imposible naman ang kapatid niyang si Travis.

   Papasakay na sana siya sa kotse nang makita niyang may paparating na sasakyang kulay itim. Nang huminto ito malapit sa kotse niya ay nagsilabasan ang apat na mga lalaki, sunod ang babaeng nagpagimbal sa kanya.

   "Olivine... "

   Nakakunot ang noo nitong lumingon sa kanya, pero nang makita siya ay bigla itong namutla. Napatingin siya sa likuran nito. Nakita niya ang batang babaeng kamukhang -kamukha niya. Hindi siya pwedeng magkakamali. Buhay ang anak niya.

       Parang huminto ang mundo ng nakikitig siya sa mag-ina niyang buhay na buhay. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig na hindi makagalaw sa pwesto niya kundi nakatitig lang siya sa mga ito.

 "R-Rough.... Y-you a-are h-here."

   Nang mahimasmasan siya ay lumapit siya patungo sa babae. Walang pagdadalawang -isip na sinakal niya ito sa leeg.

   Gusto niyang mamatay ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Bumalik sa kanya ang lahat ng alaalang pangloloko at pagtataksil sa kanya.

Gusto niyang malagutan ito ng hininga nang mawala na sa landas ang babaeng ito.

      -

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROUGH DROBELE (THE PRIVATE INVESTIGATOR)Where stories live. Discover now