"What?" Dominic asked

He had goosebumps ng sinamaan siya ng tingin nito. Tila nagsitayuan ang balahibo niya sa sama ng tingin ng babae.

What the hell?!

"Don't you dare text me for nonsense" malamig na tugon ni Kathria

Nilamig naman bigla si Dominic kahit pa tirik na tirik ang araw. Napatango na lang siya agad-agad. At inabot na ni Kathria ang cellphone niya. 


Agad namang umatras si Dominic dahil sinirado na ng babae ang window nito at pinaandar ang makina nito. Umalis na rin siya sa pwesto niya at mabilis na pumasok sa kanyang sasakyan. Kailangan niya pang pumunta sa hospital


Ano yun?


Nagtataka man ay agad namang pinaandar rin ni Dominic ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon papunta ng hospital.


Napaupo sa visitors chairs si Dominic ng makarating siya sa hospital dahil nasa ICU na pala ang kanyang ama. Sinalubong rin siya ng kanyang inang lumuluha. Agad naman na inalo ni Dominic ang kanyang ina.

"Its gonna be okay mom. Malakas si Daddy" pagpapatahan pa ni Dominic habang hinihimas ang likod ng kanyang ina para kumalma

"Iyang daddy mo rin kasi eh, sinabi nang wag abusuhin ang sarili. Ano napala niya? Edi na hospital?" konsumisyonadong saad ng kanyang ina

"Shhh... Its okay Mom, alam mo namang mahal ni Dad ang trabaho niya. Doon siya masaya. Ano namang gusto mo gawin niya? Mas lalong tatanda ng maaga si Daddy pagnasa bahay lang siya. Supportahan na lang natin siya" pang-aalo niya sa kanyang ina

"Isa ka pa eh! Kaya lalong tumitigas ang ulo ng Daddy mo" mataray na sabi ng kanyang mommy at umalis sa kanyang yakap.

Pero nakita niyang kumalma na rin ito habang pinupunasan ang luha nito sa mata. Kinuha ni Dominic ang dala niyang bote ng tubig at inabot iyon sa kanyang ina.

"Uminom ka muna Mom para tuluyan kang kumalma"

Napalingon sila dahil bumukas ang pintuan ng ICU at lumabas doon ang doctor at nurses.

"Sino dito ang pamilya ng pasyente"

Agad naman tumayo si Dominic at ang kanyang mama

"Kami po doc" sagot ni Dominic

"Good news, your father is in good condition. Mamaya ay ililipat na siya sa kwarto niya"

Agad napayakap ang ina ni Dominic sa kanya. Masaya rin si Dominic dahil sa balita na narinig

"Please excuse us" sabi ng doctor

"Thank you Doc" sabi pa ni Dominic "I told you mom, Daddy will make it. Malakas si Dad" saad pa ni Dominic sa kanyang ina

Tumango-tango lang ito habang yakap niya. Maya-maya pa ay lumabas na sa ICU ang kanyang ama. Sumunod naman sila Dominic at ang kanyang ina sa kwarto na pinaghatiran ng kanyang ama.

Ilang araw namalagi si Dominic para magbantay sa kanyang ama. Ayaw niya ring mapagod ang kanyang ina dahil may edad na rin ito. Habang pinupunasan ang kamay ng kanyang ama na ilang araw nang tulog ay gumalaw ang mga kamay nito. Akala niya namalikmata lang siya ngunit gumalaw ito ulit at unti-unting dumilat ang mata nito.

Agad niyang pinindot ang alarm button ng kwarto ng kanyang ama at di nagtagal may pumasok na nurse at doktor.

Lumapit ang doktor sa kanyang and they check the vital sign sa kanyang papa. 

HIStory Series #2 : Frosty TemptationWhere stories live. Discover now