Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

So, I feigned a smile and turned my back on him, as if nothing happened. But of course, something happened! Because I freak*ng asked him!

Nakakadalawang tapak na ako sa hagdan nang mahinto akong muli. He called out my name. Kaagad ko siyang nilingon.

“Gusto mo talagang malaman?”

Hindi ako nagdalawang-isip pa, tumango ako agad.

“Kasi Chenee, ikaw naman ang masasaktan.”

Hinayaan niya akong makipagtitigan sa mga mata niya ng ilang segundo bago isara ang pinto.

Kervin, I’m really sorry.

Nawala na lahat ng enerhiya ko nang pababa ng hagdan. Para bang tinangay ng naging pag-uusap namin ni Kervin ang lahat lahat!

Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin ang makulay na bakuran dahil sa iba’t ibang kulay na hugis puso na mga ilaw. Dahil nga sa dilim na bumabalot ay mas lalong tumingkad ang mga ilaw na dala ng mga ito.

Napangiti ako.

At tuluyan ko na ngang nakalimutan ang nangyari kanina nang maaninagan ko siya, si Kester. Nakasuot siya ng kulay pink na polo at itim na slacks habang may dala-dalang isang gumamela.

Lumapit siya sa’kin na nakangiting abot tenga, ang biloy niya’y mas lalong lumalalim, at mga mata niya naman ay mas lumiliit.

Dahan-dahan niyang inapitang bulaklak sa may likod ng tenga ko bago niya ginagap ang aking kamay. Hinila niya ako sa gitnang bahagi ng bakuran nila kung sa’n may mga petals ng mga rosas na nakapormang puso. Tumayo kami sa gitna nito at hindi ko mapigilang punahin ang ginawa niya, “Cheesy nito ah.”

Tumawa siya pero parang may musika nang tumugtog kahit sa simpleng ganon lang niya.

Mayamaya’y may pamilyar akong boses na narinig.

“Countdown to 12:00 midnight! 10, 9, 8...”

“Ano ‘to?” natatawa kong tanong.

“Basta.” sabi naman niya habang hinahawi at inaayos ang buhok ko na pinapasayaw ng malamig na hangin.

“7, 6, 5...”

Nagtitigan lang kami sa gitna. Nilulunod ang bawat isa sa mga mata naming puno ng saya at tuwa. Hinahayaan ang mga sarili naming mag-usap ng walang mga salitang binibitawan. Grabe, gusto ko na yatang huminto ang oras.

“4, 3, 2...”

Lumapad lalo ang ngiti niya, showing his perfect set of teeth and stretching his pinkish kissable lips.

“1!”

He leaned his forehead on mine and whisphered, “Happy 1st monthsary, Chenee.”

“Happy 1st monthsary, Kester,” sagot ko sabay ng isang napakatamis na ngiti na siyang tumatakip sa kabang nararamdaman ko. I don’t know why I’m feeling this way, jittery and all... but I guess it’s because, it’s my first time. Lahat naman ng first time ko, kinakabahan ako.

Napalingon naman ako sa isang upuan sa unahan na may radyong nakapatong nang may marinig kong muli ang isang pamilyar na boses.

“Happy first monthsary sa kaibigan kong si Kester at sa pinakamamahal niyang Chenee! And as requested bro, here’s your song... Out of my league. To the rest our zombies, please stay tune for our advice segment. This is your Kuya MD Signing in~”

Ahah! Alam ko na kung bakit pamilyar, si Kuya MD pala. Ang sikat na mysterious DJ na may sobrang sweet voice na totoong nakakabighani.

Nabalik ulit ang atensyon ko kay Kester na titig na titig sa’kin. Para ngang naka-glue ang mga labi niya to stay on its place dahil na rin sa pareho pa rin ito no’ng kanina.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon