Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ah.” Iyon pala ang una at pangalawa ang ayaw niyang magkahalo ang mga gamit nila ng kapatid niya. “Eh ano ba ‘yong ikatlo?”

Akala ko bad trip na siya sa sunod-sunod kong pagtatanong dahil malakas niyang nilipat ang isang pahina ng libro na para bang gusto niyang punitin iyon.

“Bakit ba tayo tinuruang magsulat ng pangalan sa mga mga libro natin?” tanong niya sa’kin.

“Para masabing sa’yo ‘yong libro?”

“At?”

“At umm, kung sakaling mawala ‘yon, alam ng nakakuha kung kanino ibabalik?” I wa actually sure of my answer but his sudden inquiry was just so sudden, I wasn’t that confident.

He looked up and met my gaze. His eyes were fixed on me as he said, “That’s my third and most important reason for doing it. Kung sakali mang mawawala iyon ay ibabalik pa rin iyon sa’kin dahil ako ang nagmamay-ari no’n.”

“Pero pa’no kung hindi iyon ibalik sa’yo?”

“Then it was never mine.”

Napatitig ako sa kanya habang iniintindi ang sinabi niyang ‘yon. At sa bawat pag-ulit ng utak ko sa huli niyang sagot ay mas lalo kong nasasabi sa sarili ko na may mas malalim siyang ibig sabihin do’n, na para bang hindi lang isang simpleng bagay tulad ng tumbler ang tinutukoy niya.

Naramdaman ko naman ang pag-lubog at pag-angat ng kama dahilan para maputol ako sa kakaisip. Nilingon ko siya. Nakatayo na ito at naglakad papunta sa pinto.

Nang nasa tabi na siya nito ay hinarap niya akong muli.

“Pwede ka ng lumabas,” sabi niya.

Tumayo ako na natatawang lumapit sa kanya. “The way you said it... pakiramdam ko preso ako at ikaw ang police na nagkulong sa’kin.”

His brows furrowed and then almost instantly it loosened. “I think it’s the other way around, Chenee.”

“Anong ibig mong sabihin?” kunot-noo kong tanong.

Binuksan na niya ang pinto at hinintay akong lumabas. Gusto kong ulitin ang tanong ko pero hindi niya ako tinitingnan kaya hindi na ako nagpumilit pa. It’s one of his riddles again.

Nang makaapak na ako sa labas ay do’n na siya muling nagsalita, “Dumiretso ka sa bakuran. Nandoon si Kes, hinihintay ka.”

Tumango ako at tumalikod na. I took one step at a time, slowing my pace, giving a chance to think, have time to turn back, and drop the bomb. Yes, I’m having an internal struggle if I will ask him or not, and once again my curiousity won. Muli ko siyang nilingon at andoon pa nga siya, nakatayo sa may pintuan.

Was he expecting me to look back or was he just making sure that I’ll be able to go down the stairs safely?

“Kervin, bakit mo ‘to ginagawa?”

Itinaas lang niya ang kanyang kanang kilay.

Napalunok ako.

Napahawak ng mahigpit sa suot kong damit.

At itanong ang tanong na halos dalawang araw nang gumugulo sa isipan ko.

“Gusto mo ba ako?”

His shoulders stiffened. His eyes went wide. And his breathing started to become erratic. Sh*t, it’s a yes.

Napakagat labi ako at hindi pinahalatang alam ko na ang sagot. “Kasi kung oo Kervin, bakit ka nagpaparaya kahit na nasasaktan ka na?”

Tinitigan ko siya, mata sa mata, hinihintay ang sagot na gusto kong magmula sa mismong bibig niya. Pero mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon