Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ang tagal naman,” reklamo ko na habang nakatalikod sa kanya. Pareho kaming nakaupo sa kama nila, though we’re on the opposite sides. At kanina pang ganito ang pwesto namin dahil ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkatinginan.

Simula kasi nang marinig ko ang sinabi niya sa AFU ay naiilang na ako makipag-usap sa kanya o kahit makipagtitigan man lang. Sino bang hindi? Kung totoo mang may gusto siya sa’kin, isn’t it insensitive for me not to notice it? Tapos madalas pa ‘tong pagiging PDA ni Kester kaya baka nasasaktan na namin siya na hindi man lang namin nalalaman. Nakaka-guilty alam mo ‘yon?

“Just a few minutes more,” normal nitong sagot na para bang walang nangyari, na para bang wala siyang gusto sa’kin.

Ugh, naguguluhan na talaga ako. Hindi kaya joke lang ‘yong sinabi niya do’n? But it doesn’t sound like one. His tone was serious back then, and I never heard him as serious as that.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakadungo siya sa harap ng advance accounting book niya at hindi ko masabi kung nag-aaral ba talaga siya dahil panay lipat ng pahina lang naman ang ginagawa niya, hindi man lang siya umaabot ng limang segundo sa pagbabasa. Hindi kaya ginagawa lang niyang paraan ‘yan para iwasan akong tingnan? Kasi nasasaktan na siya?

Sh*t naman! I clutched on the hem of dress as I stared at him.

Akala ko nga rin, eh.

Ugh, kung pwede ko lang sana i-control z ang nangyari no’n, hindi ko na talaga hahayaang marinig ko ang mga salitang ‘yon. It’s haunting me, like a nightmare. Okay lang sana kung manhid ako pero may kirot sa puso ko nang marinig ko ‘yon mula sa kanya at sa tuwing inuulit iyon ng utak ko. Para bang nararamdaman ko ang sakit nang bitawan niya ang mga salitang ‘yon... and that makes me even more guilty!

Nang mapatikhim siya ay do’n ko lang napagtantong napatagal ako ng titig sa kanya. I looked away and scanned the room as if it was my first time to be there. Asan ka na kasi Kester? Why do you let this happen? Ayaw kong mahalata ni Kervin na iniiwasan ko siya, b-aka... baka maisip pa niyang may nalalaman na akko sa nararamdaman niyang pilit niya lang tinatago.

I gulped and started a conversation when I saw his tumbler with his name on it.

“Naalala ko pala nung naglilinis ako dito sa kuwarto niyo, pati ‘yong mga gamit mo sa banyo, may pangalan mo.” I tried to sound the normal Chenee, ‘yong walang kaide-ideyang may posibilidad na may gusto siya sa’kin, but I’m not a good actress. Madali kong binawi ang tingin ko mula sa kanya dahil sa hiya.

Chenee, relax! He doesn’t know you know what he feels!

Nang muli ko siyang tingnan ay nakita ko ang pagtango niya na hindi man lang nagsasalita. Okay, hindi rin naman kasi ako nagtanong.

“A-no... n-akasanayan mo na ba na isulat ang name mo don?” I aksed to ignite a conversation.

Still, he didn’t say any word. Tumango lang siya bilang tugon.

“Ah,” tumango-tango ako. “Akala ko ginawa mo ‘yon kasi ayaw mong magkahalo-halo ang mga gamit niyo ni Kester.”

He flipped a page, and for a second I thought I’d be seeing him nod again but instead, he answered. “Isa rin ‘yon sa tatlo kong dahilan.”

“Tatlo?” I ask.

Tumango siya na hindi inaalis ang tingin sa libro niya.

“Eh ano ‘yong dalawa?”

“I already told you the first.” Sabi niya at kinunot ko ang aking noo dahil hindi ko siya naintindihan. He seemed to notice this as he continued, “‘yong nakasanayan ko na.”

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon