Hemos actualizado nuestras Pautas de Contenido.
Consulta las pautas más recientes para seguir compartiendo historias de forma segura.

ANG LALAKING BINURA SA MUNDO PART 1

4 1 0
                                        

"Ano kayang nangyari sa lalaki na yon, weird ng mga pinagsasabi nya"

"Yaan mo na baka na depress lang tara na at marami pa tayong gagawin"

Hindi nila ako naiintindihan kaya ganoon na lamang ang kanilang pinagsasabi. Agad nila akong iniwan matapos bitbitin sa labas ng presinto. Naiwan ako doon na gulong gulo pa din sa nangyayari. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na akong maglakad patungo sa lugar na hindi ko alam. Nais kong tuklasin ang katotohanan ng mga lahat na ito habang abala ang kaisipan sa mga katanungang Paano ba ito nangyari?Nananaginip ba ako? Kung totoo man ay gusto ko na magising. Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayan na may isang sasakyan ang palapit sa akin pagkatapos ng malakas na busina ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang maputing pagkakataon at mga boses na......

---------------------------

"Uyyyyy, gising naaaa!" tapik ni Jomar na aking kaklase.

Inunat ko ang aking mga kamay, nakatulog pala ako sa huling subject namin na history. Paano ba naman, napakaraming mga taon at iba't ibang tao na kailangan kabisaduhin. Hindi ko naman kasi hilig ang subject na yun kaya nakakatulog ako, mabuti nalang at nasa bandang likod ako kaya hindi halata kung makaidlip man.
poop

"Punas muna ng tumulong laway Steve!" biro nya sa akin.
"Loko ka talaga, anong oras na ba? uwian na kaya?"

"aba! oo naman kaka-ringg lang ng bell kaya umuwi na tayo"

Tinungo na nga namin ang gate ng university para umuwi. Sabay kami palagi ni Jomar umuwi dahil iisang daan lang naman papunta sa mga bahay namin. Matagal na kaming magkaibigan at kababata ko sya pero lumipat lang sila ng lugar na hindi naman masyado kalayuan sa dati dahil umuupa lang sila.

Apat na buwan na lang at magtatapos na kami ng college. Maraming mangyayari kaya naman dapat sulitin ang bawat oras dahil hindi natin alam ang pwedeng maganap.
Sa ilang buwan na naganap, namatay si Papa dahil sa sakit sa puso. Hindi naging madali ang lahat ngunit pinagpatuloy ko ang mga pangarap na nais ni Papa- ang makapagtapos ng kolehiyo.

Mabilis lang din lumipas ang mga araw at sumapit na ang pagkakataon na makukuha ko na ang diploma.

SOLMA, STEVEN I.

Napuno ng saya ang aking puso ang mga pagkakataong iyon ng aking buhay. Sa wakas, ay pansamantalang nasuklian ang mga paghihirap ni Mama at Papa.

"Ma, salamat po ng marami" wika ko sabay yakap sa aking Mama na noon ay umiiyak sa tuwa.

Pagkatapos ng pagkakataon na iyon ay nagcelebrate kamj at kumain sa labas. Normal naman ang lahat ngunit pagkatapos ng ilang sandali, may isang bata akong napansin na nakatingin sa akin. Nakatitig ito ng matagal sa akin habang nasa labas ng restaurant. Nakasuot ito ng kulay puti na damit at nakashort, may hawak din itong kulay pulang supot.

"Steven, sinong tinitignan mo?" biglang tanong ni Mama.

"Yung bata...."

Pagkatapos kong lingunin si mama at balikan ng tingin ang bata ay nawala agad ito.
Nagulat ako dahil wala naman itong pagtataguan at kung tatakbo man ay makikita mo agad ito...

Hindi ko nalang pinansin ang nangyari ngunit hindi na iyon naalis sa akin at tila ba may koneksyon sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano yun, bakit? Paano?

Basta....
Ewan....
Ang alam ko parang may mali....

AUTHOR NOTE:

Simula pa lang ng lahat....
O sabihin na natin na hindi pa nagaganap ang totoong dahilan ng kwentong ito

TO BE CONTINUE..
---------------------------

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 16, 2024 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

ANG LALAKING BINURA SA MUNDOHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora