Agad naman siyang lumabas pero wala nang laway sa bibig niya, parang bumalik na siya sa normal.

“Bakit po?“ Takang tanong ni kelly.

Nabigla naman ako, anong klaseng reaksyon yung pinakita niya kanina?

“Sino ba ang kalaro mo ha!?“ Pagalit na sabi ni kuya kenneth.

Agad namang umiyak si kelly at hindi sumagot.

Dahil dun ay kinuha ko at pinatahan.

“Mag pigil ka nga kuya, baka nakalimutan mong bata itong kausap mo.“ Panermon ko sa kanya at hinimas himas ko ang ulo ni kelly.

Ngumiti naman si kuya kenneth at kumalma.

“Kinabahan ako dun kanina, akala ko kung ano na. Tsaka sino ba kasi yung sinasabi niyang kalaro.“ Sabi ni kuya ay napakamot sa ulo.

Hindi kami sumagot ni kelly pero parang alam ko kung sino yung kalaro niya.

Nang tumahan na si kelly ay napansin kong lingon siya ng lingon sa paligid ng kwarto nila.

“Sinong hinahanap mo?“ Tanong ni kuya kenneth.

Sumagot naman si kelly na nagtataka.

“Si maria po, sabi kasi niya ay mag laro kami ng tagu-taguan pero hindi naman niya ako hinahanap.“ Sabi ni kelly.

Nang marinig ni kiya kenneth ang sinabi ni Kelly ay bigla siyang nagulat.

“M-maria? Sino si maria?“ Ika pa ni kuya at halatang kinabahan.

“Kalaro ko nga po kuya, nandito siya kanina eh.“ Sagot ni kelly.

Hindi na sumagot si kuya at tumingin siya sakin. Ngumiti nalang rin ako at lumabas kami ng kwarto nila.

“Kinakabahan ako karra.“ Sabi ni kuya at nagsalita pa.

“Bigla akong natakot, posible kayang multo si Maria?“ Kaba niyang sabi.

Ngumiti ako at sumagot.

“Baka imaginary friends lang.“ Kalma kong sabi.

“Baka nga.“ Kunting sagot niya.

Nanatili muna ako ng ilang minuto sa bahay nila, nagbabakasakali akong makita ko ulit yung batang babae. Pero lumipas lang ang ilang minuto ay wala akong nakitang bata maliban kay kelly.

“May gagawin ka ba ngayon karra?“ Sbai ni kuya kenneth.

Umiling lang ako at sumagot.

“Wala naman, bakit?“ Sabi ko.

“Ahh ganun ba, pwedeng bantayan mo muna si kelly? Kukuha lang ako ng mga requirements para sa trabaho.“ Sabi niya.

Tumango lang ako habang si kelly ay naglalaro sa tagiliran ko, maya maya lang ay umalis na si kuya kaya ako nalang ang natitirang magbantay kay kelly.

Agad kong ino-ON ang tv at nanood kami ni kelly ng palabas, mr.bean yung pinanood namin kaya nasiyahan naman si kelly.

Pero lumipas palang ang ilang mga minuto ay habang nanonood kami ni kelly ay napansin ko nanamang lingon siya ng lingon sa kwarto.

“Kelly, bakit?“ Sabi ko.

Ngumiti lang siya sakin, kitang kita ang saya sa mukha niya.

“Ate nanjan nanaman siya.“ Sabi ni kelly.

“Ha? Sinong nanjan?“ Sagot ko.

Bigla niyang tinaas ang kamay niya tsaka niya tinuro ang kwarto.

“Yung kalaro ko po, nanjan siya sa loob. Tara puntahan natin.“ Sabi niya.

Nang marinig ko ang sinasabi niya ay agad akong kinabahan, papanong nakikita niya yung bata samantalang hindi ko makita kita?

Habang nakaupo kami sa sofa ay agad namang tumalon si kelly sa sahig tsaka siya tumakbo papasok ng kwarto na ikinabigla ko ng husto.

“Kelly!“ Sabi ko sabay abot ng damit niya.

Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko nahawakan ang damit niya dahil sa bilis niyang tumakbo.

Dahil dun ay agad ko siyang sinundan papuntang kwarto at nang makarating na ako sa kwarto ay nakita ko ang paa ni kelly sa ilalim ng kama nila. Kaya naman bahagya akong dumapa at tiningnan ko si kelly.

“Kelly, lumaba—”

Agad na natigil ang pananalita ko nang makita kong magkatabi lang si kelly at yung batang babae at magkasabay silang nagsalita ng…

“Ate, gusto mo bang maglaro?“

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)Where stories live. Discover now