Talaga lang ah? Ikaw manuyo d'yan sa anak mo ngayon.

Inilapag ko ang chocolate sa table at iniwan na sila doon. Narinig ko pa na trying hard pangitiin ni Kaizen si Kyron.

Pumasok ako ng kwarto at naligo. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin. Ngumiti ako, ang laki ng pinagbago ko. Hindi ko aakalain na makakaya ko na wala siya.

Isinukbit ko na ang bag ko matapos magbihis. Isang simpleng white shirt lang at skirt ang suot ko na pinaresan ng sandal.

May bibisitahin lang naman ako kaya ayos naman ako sa suot ko.

"Mama! Where are you going po?"

"Kay Lola, gusto mo ba sumama?" I asked. Sunod-sunod naman siyang tumango at iniwan ang Tatay niyang mag-isa sa dining area.

Nagpapadyak na naman si Kaizen palabas ng dining area. As usual.

"Sasama ka rin ba o hindi?" natatawang tanong ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Malamang! Ano maglalakad kayo papunta do'n? As if na papayagan ko kayo." angil niya pa.

Daming sinasabi sasama rin pala.

Nagtatatalon pa si Kyron na naunang pumunta ng kotse. Binuksan ko naman ang backseat at naupo sa tabi ni Kyron.

Nakasimangot ang mukha nang paandarin ni Kaizen ang kaniyang kotse.

"Grabe," hirit niya pa.

Natawa na lang ako sa kasungitan niya. Dati lang akala mo sinong linta makakapit sa'kin.

Nakatulog pa si Kyron sa byahe kaya kailangan siyang buhatin ni Kaizen papasok ng bahay ni Mommy.

"Anak, you're here." bungad niya. I smiled and kissed her cheeks. Sobra akong natutuwa na makita siya. Na ganitong nagsasalita at nakakausap siya.

Matapos ako kaladkarin ni Kaizen palabas ay basta niya na lang ako pinapasok sa kotse. Nakita ko naman sa back seat ang dalawa.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko.

"Gusto mo siyang makita 'di ba?" si Pat. Walang gana akong tumango. Kahit na nahihirapan ako ngayon ay hindi ko maiwasang ngumiti. Makikita ko ngayon si Mommy.

Hindi na ako umimik pa nang hindi na sila magsalita. Puno man ng dugo ang kamay at damit ko ay wala naman sinabi pa do'n.

I hope that Persley is fine.

Ibinaba nila ako sa malaking bahay na maraming nakaabang na bodyguard. Tumingin pa sa'kin ang isa. Looking at my dress.

"Tinitingin-tingin mo?" iritadong tanong ni Pat. Hinawi niya ang mga bodyguard at nagpaunang maglakad.

Malaki ng bahay at puno ng ilaw. Sobrang liwanag sa loob at sobrang gandang tignan ang bahay na 'to.

"She's on the garden po," saad nang sumalubong sa'min na kasambahay.

Tumango lang si Pat at nagpatuloy sa paglalakad.

Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako makilala? Paano kung hindi niya ako kausapin? Paano kung kinalimutan niya na talaga kami?

Napatigil ako nang hawakan ni Austin ang kamay ko. Napatingin ako sa kabila kong kamay. Naroon pa rin ang bigay ni Persley na cookies.

"Don't be scared." Aniya. Mahina naman akong napabuntong-hininga. Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Dinala nga kami ni Pat sa garden ng bahay nila.

Nakita ko ang isang ginang na nakaupo sa wheelchair habang nakatanaw sa malayo.

Nanggilid ang luha ko nang mamukhaan siya. Siya ang Mommy ko. Siya ang kalaro ko dati. Siya ang nag-alaga sa'kin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Lumuhod ako at humawak sa braso niya. Hindi man lang siya tumingin sa'kin.

"Mommy..." pagtawag ko. Hindi siya lumingon. Ni hindi man lang gumalaw ang braso niya.

"Mommy ako 'to, si L-Leisha." halos pabulong kong saad. Hindi ko kinakaya na makita siya sa ganitong sitwasyon. Gusto ko ay masaya lang siya palagi at nakakausap.

"A-Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko kay Pat.

Huminga naman siya ng malalim. "Masyado siyang naapektuhan sa nangyayari sa buhay niya, Leisha. Halos mabaliw na siya sa kakaisip saniyong magkapatid. Kaming dalawa lang ni Daddy ang nakakapagpakalma sa kaniya."

"Labis ang dinanas niya mula sa kamay ng peke mong Tatay, Leisha. She sacrifices her life for her daughters." dagdag niya pa.

"Hindi siya totoong nawala, tinakot siya ni Leonel kaya wala siyang ibang magawa kun'di ang iwan kayong dalawa."

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit kasi bata pa ako nun at wala pang alam tungkol sa usapan ng mga matatanda. Edi sana, naipagtanggol ko siya. Edi sana... hindi siya ganito ngayon.

Sobrang sama mong Tatay Leonel. Dapat lang mabulok ka sa kulungan kahit pa man na itinuring kitang totoong magulang.

I can finally saw her. I can see her brightest smile. Gustong-gusto ko lagi makita ang ngiting 'yan, Mommy.

"Nandito ka rin pala," saad ko kay Ate Leiren nang makita siya kasama ang limang taong gulang niyang mga anak.

Si Lalia at Lucas.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now