"Hello?!" bulyaw ko. Nakakabadtrip!

"Ganda mo pa rin." aniya sa kabilang linya.

"Epal ka!"

"Maawa ka naman sa'kin, 'di ka na nga nag attend sa laro ko, maghapon pa naman akong naghintay."

"Tanga ka ba? Hindi mo sinabi ang address at saka isa pa, kahit na alam ko man ay hindi ako pupunta 'no! 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa'kin!"

"Hello!"

Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang makita siya sa likuran ko. Akala ko ba umalis na siya?

Akma akong tatakbo nang hawakan niya ang kamay ko at hindi ko inaasahan na yayakap siya sa'kin sa likod.

Magpupumiglas na sana ako nang mapansin ang kamay niyang pumulupot sa beywang ko. Itinali niya ang jacket dito.

"May, alam mo na," bulong niya.

Huminga ako ng malalim para kumalma. Anong karapatan niyang bumulong sa tainga ko! Nakakainis talaga!

Tinulak ko siya. "Hoy! Hindi ko kailangan 'tong—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may ituro siya sa likod. Nakita ko roon ang ibang taong nag jo-jogging rin at mga teammates niya.

"Hoy, Austin Kurt! Hanap ka na ni coach, pumuporma ka na naman ng ibang babae ah!" sumipol pa yung isang kasama nila.

Ambastos!

Napatingin ako sa nangingiting si Austin.

"Umalis ka na nga!" asik ko rito.

"Magkikita pa tayo," saad niya.

"As if!" Tumalikod na ako pero napatigil lang dahil sa sinabi niya.

"Kukunin ko pa yung jersey ko sa'yo, pati 'yang jacket ko, ganda! Ingat ka!" he said.

Nanlulumo akong bumalik ng bahay. Sino ba kasi ang lalaking 'yon? Bakit kailangan niyang magpakita sa'kin.

Nang makapagpahinga ay naisipan ko nang humiga sa malambot kong kama. Nakakatamad bigla. Nakakatamad kumilos! Nakakatamad ang lahat! Gusto ko pa talaga kumain ng chocolate kahit na inaantok na ako.

Napasabunot ako sa sariling buhok. "Ano ba naman 'to!" Napasipa ako, "Ayokong bumaba! Ayokong bumaba!"

Sa katamaran ay hinayaan ko na lang ang sariling makatulog. Wala akong ginawa buong weekend dahil nakakatamad! Kahit nga na pilitin ako ni Trane lumabas ay panay ang tanggi ko. Gano'n rin kay Dynara.

Kinabukasan ay nanlulumo akong napaupo sa silya ko. Nakakatamad talaga, ayokong pumasok.

"Are you okay?" tanong ni Trane nang makaupo sa tabi ko.

Nakanguso akong umiling. Ako naman ang sumandal sa balikat niya. Hinayaan niya naman ako.

"Gusto ko ng chocolate, gusto ko matulog," ngumuso ako. Masyado akong nagpapa-baby sa kaniya. I just couldn't! Tamad na tamad ako!

Hinaplos niya lang ang pisngi ko kaya hinayaan ko ang sariling makatulog. Nagising lang ako nang may marinig na plastic.

Nakalatag sa harap ko ang iba't-ibang uri ng chocolate. There's a bar, drink and candy!

"S-Sa'kin ba 'to?" Tanong ko pa, naniniguro. Baka mamaya niloloko niya lang ako.

He just smiled.

Hindi na ako tumingin pa sa kaniya muli at nagsabi lang ng thank you.

Wala akong ibang ginawa sa room kun'di ang kumain at matulog, sakto lang rin kasi walang quiz or activities ang naganap. Nakakapanibago. Nakasanday lang ako sa balikat ni Trane habang kumakain ng M&M chocolate habang nagtuturo ang guro sa unahan. Hindi niya naman kami pinapansin.

"Penge," si Persley. Kada bukas ko ng isa ay hingi siya ng hingi.

Binigyan ko na siya, baka kasi umiyak pa.

Nang matapos ang klase ay uminom lang ako ng tubig. Gano'n rin si Persley, gaya-gaya.

"Satisfied?" malambing na tanong ni Trane. Inayos niya rin ang hibla ng buhok ko at isinabit ito sa likod ng tainga.

Nakangiti naman akong tumango. "Thank you,"

"You are always welcome." He just patted my head.

Tumayo na kami at kukunin ko na sana ang bag ko nang makarinig ako ng langitngit ng mga upuan at mga pagkabunggo nito.

Nang lingunin ko ay galit na galit na si Carlo. Pinagsisipa niya ang mga upuan na malapit sa kaniya at panay pukpok sa cellphone niya. Nang tignan ko si Kiev ay takot na takot ang mga mata nito. Akma ko sanang lalapitan nang makita kong tumayo si Carlo at masama ang tingin dito.

Hindi ko pa alam kung sino ang tinitignan niya nang mabilis siyang lumapit sa pwesto namin at padarag na kinwelyuhan si Railey na kanina pa pala nakatingin sa kaniya.

"Gago ka! P-Paano mo nagawa 'to ha?!" Sigaw ni Carlo. Napahawak ako sa bibig nang suntukin niya si Railey na walang kalaban laban. Tinitignan lang siya nito at hinahayaan si Carlo sa kung ano man ang gustong gawin nito.

Nagtakbuhan naman palabas ang mga kaklase ko, takot na baka madamay pa.

"Sumagot ka, Railey! Kaibigan kita! Matalik na k-kaibigan ang turing ko sa'yo tapos ganito?! Ganito igaganti mo sa'kin?!" Patuloy na sigaw ni Carlo at sinubtok na naman ang walang magawa na si Railey.

Matalik na kaibigan?

Hinila ako ni Trane nang hindi matigil sa pagsuntok si Carlo kay Railey. Napatingin ako kay Persley na wala man lang ginagawa para ipagtanggol ang kapatid niya, ang kambal niya.

"Ang gago mo! ANG GAGO GAGO MO!!"

Nanggilid ang luha ko nang unti-unting nanghina si Carlo habang patuloy sa pagtulak sa balikat ni Railey. Puno na rin ng dugo ang bibig ni Railey.

Anong nangyayari? Bakit tumutunganga lang sila? Bakit hindi nila tulungan ang kaibigan nila?!

"Trane!" pagtawag ko kay Trane. He just sighed and wiped my tears.

"B-Bakit mo naman nagawa 'yun, Railey." Napahikbi si Carlo. Napabaling ako sakanila. Literal na wala silang ginagawa para patigilin ang dalawang 'to.

"Best friend kita 'di ba?" tanong niya pa. Umiling si Carlo at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kwelyo ni Railey. Halata sa mukha niya na nahihirapan siyang huminga.

"W-Why did you get her pregnant?" garalgal ang boses na sabi ni Carlo.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now