Kagubatan ng pagsisisi

7 0 0
                                    

Sa probinsya ng paraluha ay may tinatawag na lugar na "Kagubatan ng pagsisisi"

Siya si Jy o Jyrus Concepcion na (27yrs old)Dalawampo't pitong gulang . Siya ay isang ulilang lubos sa kadahilanan na ang kaniyang magulang at kapatid ay na aksidente sa araw ng kaniyang kaarawan noong ika-pitong gulang niya. Ito ang dahilan kung bakit siya naulila naaksidente ang mga magulang niya at dalawang kapatid habang pauwi sa kanilang tahanan na may dala-dalang surpresa sa kanya, ngunit nasurpresa siya sa pagkat nalaman niyang patay na ang kaniyang mga magulang at kapatid. Naipadala siya ampunan noong siyang walong taong gulang. Doon na siya tumanda. Noong siya ay nasa kolehiyo na at nag aaral ng kursong business management. May iilan ilan siyang naging kaibigan doon at nakakasama ngunit dala na nga ng sobra daming problema ay hindi niya itong gaano nakakasama o nakakasalamuha. Sinubukan niyang magpursigi sa pag-aaral at pag sabay sa pagkakayod ng trabaho sa isang maliit na karinderya. Ngunit kahit anong pagbubuti ang ginawa niya sa pag aaral hindi parin sapat iyon upang siya ay makapasa at makapagtapos naka dalawang board exam na ang kaniyang binagsak. Kaya mas pinili na lamang niya kumayod kumayod sa pag trabaho.

Sa kasalukuyan siya ay hirap na hirap makapasok sa isang malaking kompanya na pangarap niya pasukan. Dahil na rin ay hindi siya nakapagtapos at sa kaniyang katayuan sa buhay, dahil isa nga lang siyang ulila at galing ng ampunan at walang magandang background check. Problemadong-problemado siya at sinubukan niyang bumalik sa kanilang probinsya sa paraluha upang doon magpalipas ng problema. Sa pagbagtas niya ng daan na siraan ang bus na kaniyang sinasakyan sa tabi ng kagubatan. Inaayos pa ng drayber ang bus. Habang siya'y naiinip sa pag iintay ay naglakad lakad siya sa loob ng kagubatan upang magpahangin. Sakaniyang pag lalakad ay hindi niya napansin na siya ay nasa gitna ng kagubatan at sinubukan niyang umupo sa tabing puno. Doon ay may nakita siyang isang pintuan sa tabi ng puno, ngunit pinto lamang na nakatayo. Sobrang pag ka kuryosado niya ay nilapitan niya ito at sinubukan buksan, sa pag bukas niya ng pinto ay tila may sobrang lakas na hangin at sobrang liwanag sa loob. Dahil nga kuryosado siya ay pinasok niya ito at sa pag pasok niya ay may dalawang daan ka na pag pipilian ang nakaaraan o ang kinabukasan. May narinig siyang isang malaking boses nagsasalita at ang sabi nito ay
"ito Ang pintuan, na kung saan
maaring mong mapuntahan
ang iyong kinabukasan
o mabalikan ang iyong nakaraan,
mapuntahan,mapuntahan ang iyong kinabukasan
o mabalikan ang nakaraan ng puno ng kamalian
kung ikaw ang papipiliin
sa pagbukas ng pinto anong daan ang iyong pipiliin?
ang iyong kinabukasan upang makita ang iyong kahihinantan!
o ang iyong nakaraan upang maitama ang mga kamalian!".piinili niya ang daan nang nakaraan, at ang sabi pa ay "may dalawang beses ka lamang upang maiayos ang gusto mong ayusin upang magbago ang iyong kapalaran sa hinaharap" bago siya tuluyang tahakin ang daan.

Bigla na lang umikot ang paningin niya at bumalik sa araw nang kaniyang kaarawan. Dito niya naisip na totoo nga iyong pinto na iyon. Sa oras na iyon ang nasa isip lang niya ay ayusin ang mali at panghihinayang na nagawa niya sa nakaraan. Sinubukan niyang pigilan ang mga magulang niya na wag umalis sa araw na iyon at sinabing "Mama maaari bang magluto na lamang taong lutong bahay ngayong kaarawan ko" naisip niya iyon upang hindi maakisdente ang kaniyang magulang at kapatid sa araw na iyon. Pagkatapos noon ay sinubukan niyang humanap ng pinto at isipin isa pang dapat niyang ayusin. Nakita niya ang kwarto niya sa itaas at doon sinubukan ito. Nangyari nga ang inaasahan niya at nandoon parin sa kaniyang kwarto ngunit ang mukha niya sa salamin ay noong nasa panahon ng taon ng kolehiyo niya. Dito niya na isip na baka tumalab nga ang plano niya. Nagmamadali siyang bumababa at hanapin ang mga magulang niya at kapatid.Naroon nga ito sa sala at mga nag aayos na ng gamit para sa pagpasok. Niyakap niya ito isa isa na para bang walang bukas. Ngayon naman ay balak niyang baguhin ang kaniyang kapalaran sa kolehiyo. Dahil nga kompleto na ang kaniyang pamilya ay hindi na niya kailangang mag kumayod sa pagttrabaho. Mas pinag igihan niya pa ang pag aaral ng triple sa ginawa niya noon. Ngunit dito ay may hindi siya inaasahan na mangyayari. May isang babaeng siyang nakakabanggan palagi, ngunit itong oras na ito ay dito niya natitigan ang babae. Ito pala yung babaeng umamin sa kaniya noong kolehiyo sila at napa isip siya ay bakit ganito ang tingin nito sa kaniya. Nagulat sila pareho bakit ganoon ang tingin nila isa't isa. ang nasa utak ni jy ay "bakit ganyan siya tumingin sa akin" sa isip naman ni Gayle "Ito na ba yung oras para mabago ko yung kapalaran naming dalawa". ito pala si Gayle Samaniego ang babaeng may malaking paghanga kay Jy. Ang hindi alam ni Jy ay galing din si Gayle sa kasalukuyan upang mabago ang kanilang kapalaran. Pareho pala sila si Jy ay tungkol sa pagkakamali at panghihinayang, habang si Gayle ay tungkol sa pagmamahal niya kay Jy. Sabay nakapagtapos si Jy at Gayle sa kolehiyo sa kursong business management. Doon narin mismo umamin si Gayle. Ngunit ang di niya inaasahan ay naunahan siya ni Jy at umamin nga siya sa pagmamahal niya at dahil malaki ang tiwala ni Jy kay Gayle sinabi rin ni Jy ang kaniyang sikreto na galing siya sa panahon ng kasalukuyan upang maitama ang mga mali at sinabi niya ang katagang "ikaw ang hindi ko inaasahan
inaasahan babago ng aking kapalaran" at laking gulat ni Gayle at napaluha na lamang ito sa tuwa. Dahil sa wakas ay pareho na silang maaring bumalik sa kasalukuyan. Sa pag balik nila sa kasalukuyan ay pareho natupad at naisaayos ang kanilang nagawang plano. Si Jy ay isang may ari na ng isang kompanyang Concepcion Corporation, At Kasal narin silang dalawa ni Jy.
At Namumuhay sila ng maligaya magpakailanman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kagubatan Ng PagsisisiWhere stories live. Discover now