Kasi ako mismo sa sarili ko, alam kong sakanya lang ako tataya sa katagaang 'Friends with Benefits' na yan. Kung hindi si Kaden, ayoko nalang. Because even through plenty of heartaches we caused to each other, love is the greatest. Alam naming sa loob ng mga nangyari sa'min, may importanteng laman yun. Naroon ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Because he is the only one who could form me as a whole again. Who can shape my eyes into the sweetness of heart. And who can embrace me after the pain we have done. Alam ko na ano mang mangyari, may mauuwian ako. May sasagip sa'kin. Kasi may Kaden na lalapit at paulit-ulit na bubuo sa'kin.

We love each other, that's my greatest truth to myself. But then, we are contented of settling our situation like this. Mangyari ang mangyari, pero hanggang sa huli...magkasama kami.

Kasama ko si Kaden.

Mula law school hanggang law firm.

What a dream come true for the both of us.

"Excited ako bukas," he uttered, leaning a bit to reach my ear.

"Ako din," ngumiti ako at nagkagat labi."Excited ako sa Look for Valentine's Date na pakulo mo."

"Ayaw ko na pala non, tangi. May nanalo na e." he chuckled humbly.

Malamang sarili niya ang tinutukoy niya. Tumango tango ako sakanya at tiningnan ang labas ng bintana.

"Ang ganda ng city lights..." mangha kong tinanaw ang ilaw sa city.

"Miss mo?" pigil ngisi pang tanong niya.

"Yung late night drive at ikaw? Oo, miss na miss ko."

Doon na pumula ang mga tenga niya. Napahawak siya sa batok at nakangiti na nag-iwas ng tingin sa hiyang nararamdaman. Tinawanan ko siya bago inabot ang kamay niyang nasa hita niya.

"Ito din..." bago ko pinagsiklop ang kamay namin.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Ngayon ay nakakagat labi na habang nililingon ako.

"Stop na love..." both of us gave each other a shock look.

"Tsk, faul yun Attorney." I acted, disappointed...even shaking my head.

"Sorry, nadala lang." he then chuckled it out and focus on driving.

I took my hand out from him and type something on my phone. I messaged his friends that we're together. Gusto ko lang na thrilling. Naghihintay sila ng balita sa'min e. Inaabangan pa nga nila.

Kio:

Asus pakipot pa, comeback na yan
#zarithegirlfriend
#notozarithefriendwithbenefit

Ash:

Gurl, obvious kaya! Deon and I saw you yesterday. Abangers here!!!
#notozarithefriendwithbenefit
nakuha ko yung # kay Kio
#comebackizreal

Faust:

You both gone too far
I'm glad I helped, you're always welcome Zari :)
Leslie and I are both excited
alright, I'm not using the # just like the three
Be happy aright!

Deon:

hays, may patutunguhan naman pala yung pagsundo sayo after ilang taon
galing ko naman, pa-congrats atty.
gumugulong na si ash dito
sinisigaw niya sa veranda na magbalikan na kayo
#comebackizreal
I got the hashtag from my girl

"Grabeng ngiti, mapupunit na labi..." I pouted showing my phone screen to him."Sus kaya naman pala."

"They're all waiting for us to get back together. Hindi nila alam..." I paused on what I'm about to say.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now