5

414 42 2
                                    

"bwesit ka talaga! sino na naman yang inangkas mo sa big bike?" pagalit na tanong ni jema sa isip lang nya...

"deanna naman! ginutay gutay mo na naman ang puso at kaluluwa ko dahil dyan sa inangkas mo..." patampong wika ni caitlyn sa isip nya lang...

"sino ba sya?" sabay nilang tanong

"madudurog na naman ang puso mo nyan, sinabi ko na..." sabay nilang sabi

"panigurado, paiiyakin ka lang nyan tulad ng ginawa ni sergeant sayo..." sabay pa rin sila

"sa akin ka lang totoong liligaya dahil wala akong ibang gagawin kundi ang ibigin ka ng tunay... aalayan kita ng wagas kong pag-ibig..." wika ni jema

"excuse me besh! sa atin... di lang ikaw ang magpapaligaya kay deanna... kaya ko rin yan gawin dahil i love her that much..." kontra ni caitlyn

"sinabi ko nga! may the best girl wins di ko yan nakakalimutan beshy..." sagot ni jema

"salamat naman beshy kaya lang may epal na naman... hindi na naman nya mapapansin na mahal natin sya more than beshy... kainis ka talaga deanna!"
pahikbi hikbing wika ni caitlyn

"hoy, ano ka ba beshy! yang mga babae nya, come and go lang yan... iiwanan din yan sya... pagsawaan lang din sya nyan tulad ng ibang mga naging syota nya kaya compose! pagkatiwalaan mo na isa lang sa atin ang true love na hinahanap nyang mokong na yan wala ng iba pa..." jema replied

sabi pa nya, "dry your tears! palabas na sila..."

"beshy..." tanging nasabi ni caitlyn dahil tinulungan na sya ni jema sa pagpahid ng mga luha nya...

aariba na sana si jema sa may daanan ng big bike ni deanna kaso napansin nya na pumasok uli sina deanna sa loob ng bahay matapos sagutin nito ang telepono...

hinila ni jema si caitlyn papasok ng gate kaso umayaw ang isa...

hintayin na lang daw nila sa gate baka may kinuha lang...

pero dahil aligaga na si jema nang lagpas sampung minuto na at hindi pa lumabas uli sina deanna kaya pinilit na nyang pumayag si caitlyn na papasok na sila...

pero kumontra pa rin si caitlyn dahil baka daw may ginawang milagro sa loob ng bahay at masasaktan lang daw sya i mean sila...

pero si jema mas lalong eager na pumasok para mapigilan ang kung ano anong kababalaghang ginagawa ng dalawa sa loob ng bahay...

at ayun nga... nagkasalubong na sila sa may pintuan...

nagkagulatan pa silang tatlo...

maya maya napangiti na si deanna nang nakita nya ang suot ng dalawa...

si jema nakapamewang na with her kilay sa kanan na nakataas...

si caitlyn naman, yung mata lang nya ang gumagalaw as if hinubaran si deanna para makita kung may kiss mark ba...

ang babae naman, napabaling baling ng tingin kila caitlyn at jema...












may world war 3 na magaganap o magaganap?







ms searcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon