"MAY KAKILALA ako na puwede nating hingan ng tulong," ani Emman nang magkita sila. "Kakilala at malapit sa kanya si Rolando Lagdameo."
"Sure ka ba riyan?" tanong niya.
," ani Emman. "Mabait at maaasahang tao si
Attorney Fregillana. Puwede tayong magpatulong sa kanya para sa problema mo," anito.
"Bahala ka," aniya na may lungkot sa tinig.
"Nagkamalas-malas na ako dahil diyan sa problemang
"yan. Pati trabaho ko' y wala na, napabayaan ko na."
"Itinanong ka nga ni Sir Ric," ani Emman na ang tinutukoy ay ang editor ng diyaryong pinagsusulatan niya. "Ang sabi ko na lang, may inaasikaso kang importante."
"Salamat, pards." Ngumiti siya sa kaibigan.
"Balang-araw, makakaganti rin ako sa iyo."
"Wala yon. Alam mo naman na parang magkapatid na tayo," sagot nito. "Basta 'pag sikat ka na huwag mo akong kalilimutan, ha?"
"Kung buhay pa ako 'pag dumating ang pagka-kataon na 'yon," aniya na hindi maiwasang makaramdam ng lungkot saka kaba.
"PUWEDE na kayong pumasok, sabi ni Attorney." nakangiting sabing sekretarya.
"Good morning ho, Attorney Fregillana," bati ni
Emman sa lalaking nakatungo dahil may binabasa ito.
"Good morning, sit down..." anito sa kanila.
"kaw?" aniya nang matandaan ang antipatiko at mayabang na lalaki sa department store. "Ikaw nga!"
Tumingin sa kanya ang lalaki at alam niya na natatandaan din siya nito, ayon na rin sa pagkakatingin nito sa kanya.
"Emman, halika na," yaya niya sa kaibigan pero hinawakan siya ni Emman.
"Butch, sandali lang!" pigil nito.
"Alam mo, pards, kung alam ko lang na dito tayo sa opisina ng antipatikong lalaki na iyan pupunta, hindi na lang ako sumama sa iyo," inis niyang sabi.
"Teka, bakit ba?" takang-tanong ni Emman na naguguluhan. "Butch, siya si Attorney Fregillana, yong sinasabi ko sa iyo na puwede nating hingan ng tulong," pakilala nito sa guwapong lalaki.
"Sa iba na lang tayo lumapit, Emman," aniya.
"Kung ayaw ng kasama mo na sa akin magpatulong, pabayaan natin siya, Emman," ani Leelan sa pormal na tinig
"Attomey, pasensiya na kayo," hinging-paumanhin ni Emman. "Sandali lang ho at mag-uusap lang kami nitong kaibigan ko." Hinila na nito st Butch palabas mula sa opisina ni Leelan.
"Puwede ba, Emman," aniya na hinila ang kamay na hawak ng kaibigan. "umalis na tayo rito."
"Butch, wala na tayong puwede pang malapitan," ani Emman. "Hindi na biro ang lahat dahil nanganganib na ang buhay mo. Kung may galit ka man kay Attomey ay huwag mo na lang munang pansinin. Ang importante ay ang ma-solve lahat ang problema," paliwanag nito sa kanya.
"Napakayabang ng attorney na'yon," reklamo niya. "Hindi ko yata matatagalang kausap iyon."
"Wala na tayong choice, Butch," ani Emman sa kanya. "Nakakahiya kay Attorney. Please lang, pakibawasan ang pagtataray," pakiusap nito.
"Kung hindi lang delikado na talaga," aniya na sumunod na sa kaibigan sa pagpasok muli sa opisina ni
Leelan.
"Attorney, nagkausap na kami ng kaibigan ko,"
sa inyo."
ani Emman. "Mahalaga lang ho talaga ang sadya namin
"Sige, upo kayo," ani Leelan na sumulyap lang sa kanya.

Akala mo kung sino, inis niyang bulong.
"Tungkol saan ba ang problema ninyo?" tanong nito kay Emman.
*Tungkol sa pagkamatay ni Rolando Lagdameo, Attorney," ani Emman na tumingin kay Butch na nakairap.
Napakunot-noo si Leelan. "Ano'ng kinalaman ninyo sa pagkamatay ni Tito Rolando?" tanong kangad nito na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Testigo ho siya sa pagkamatay ni Lagdameo,"
patungkol nito kay Butch.
"Siya ang witness?" wari y hindi naniniwalang tanong nito kay Emman, sabay tingin sa dalaga.
Tumaas ang kilay ni Butch. "Kung hindi ka naniniwala, bakit pa kami mag-aaksayang panahong pumunta rito?" mataray niyang sabi.
"Wala akong sinasabing hindi ako naninivala," ani
Leelan.
"Butch," saway ni Emman. "Attomey, siyangayon ang hinahanap ng mga pumatay. Ilang beses na siyang muntik na mapahamak at pati ang bahay mila ay natunton. Mabuti na lang at wala sila ng nanay niya foon," pagkukuwento nito.
"Malapit na kaibigan ng pamilya ko ang pamilya Lagdameo. Kaibigang matalik siyang aking ama ag kung totoo ang sinasabi n'yo'y malaki ang maitutulong n'yo para sa ikalulutas ng kaso ng pagkamatay niya,* seryosong sabi ni Leelan.
"Malaki ang maitutulong ko, kaso buhay ko naman ang nakataya," aniyangunit hindi tumitingin sa lalaki
"Malulutas nga, eh, tepok naman ako."
"Naparito kami, Attorney, dahil wala akong alam na puwedeng lapitan," singit ni Emman. "Hindi sila titigil hanggang hindi nila napapatay si Butch, at—"
"Ah, tutulungan mo ba kami?" putol ni Butch sa kaibigan.
"Nakilala mo ba ang tao o mga taong involved sa nangyari?" tanong sa kanya ni Leelan.
Natigilan si Butch. Hindi siya nakakibo.
"Hindi niya nakita ang killer pero—" Si Emman
"Pero ako ang witness," singit niya. "N-natatandaan ko ang hitsura noong mga lalaki lalo na iyong humahabol sa akin."
Sumandal sa swivel chair si Leelan at matamang nag-isip. Wari' y pinag-aralan ang mga sinabi miya.
"Okay," anito mayamaya. "May kaibigan ako s NBI. Hihingi tayo ng tulong para mabigyan ka no proteksiyon," ani Leelan na tumitig sa kanya.

Iniiwas niya ang mga mata. Ibig niyang ma-con-scious sa ginawa nitong pagtitig sa kanya. Nag-utos si Leelan sa sekretarya na tawagan ang kaibigang si Captain Ramos.
Ngumiti siya kay Emman nang mapatingin dito.
Tumabi sa kanya ang kaibigan habang may kausap sa telepono si Leelan.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa film?" bulong nito sa kanya.
"Sira ka ba?" pabulong ding ganti niya. "Kailangang mag-ingat din tayo. Mahirap magtiwala."
Napahinto sila sa pag-uusap nang magbaba ng telepono ang lalaki.
"Ipasusundo kayo ni Captain Ramos dito para maimbestigahan at mapangalagaan," anito sa kanila.
"Excuse me." Nakangiting pumasok si Dante.
"T'd like you to meet Attorney Villafuerte," pagpapakilala rito ni Leelan. "Tito, nagpunta sila rito para magpatulong dahil si Miss -" Tumingin sa kanya si Leelan.
"Antonio," aniya rito.
"Si Miss Antonio ang siyang witness sa pagpatay kay Tito Rolando," diretsong pahayag ni Leelan.
Tumingin sa kanya si Attorney Villatuerte.

"Witness?" anito at napangiti. "Mabuti naman at kahit paano' y matatahimik na ang kaibigan ko," anito na tumingin sa kanya.
"Nanghingi ako ng assistance kay Captain Ramos at papunta na ang mga tauhan niya rito," ani Leelan na noon lang yata niya nakitang ngumiti.
"Ah, pupunta a ba mamaya sa burol?" tanong ni
Attorney Villafuerte sa lalaki.
"Oo," sagot nito.
"Magkita na lang tayo mamayang gabi kung ganoon," anito at nagpaalam na sa kanila. "Mauna na ako sa inyo. Mabuti naman, Miss Antonio, at dito ka kay Leelan lumapit. Kahit paano ay makakaasa kang tulong," anito bago lumabas.
HINDI nagtagal ay dumating ang mga susundo sa kanila na tauhang padala ni Capt. Ramos. Matapos matiyak na iyon ang ipinadala ng kakilala ay pinayagan na ito ni Leelan na dalhin sina Butch at Emman.
"Maraming salamat, Attorney," ani Emman na nakipagkamay dito. Si Butch ay hindi kumikibo.
"Emman, tama baitong ginagawa natin?" aniya sa kaibigan nang nasa daan na sila. "Kinakabahan ako Pakiramdam ko'y laging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko, pati ikaw," nangangambang sabi niya.
"Wala iyon," anito na hinawakan siya sa kamay.
Kinabahan si Butch nang biglang huminto ang sinasakyan. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Emman.
"B-bakit huminto?" kinakabahan niyang tanong.
"Cool ka lang," bulong sa kanya ni Emman. "Boss, ar'o'ng problema? Bakit tayo huminto?"
Bago pa nakasagot ang tinanong ay nakarinig sila ng putok ng baril.
"Shit!" si Butch.
"Diyan lang kayo," anang isang pulis sa kanila na bumabang sasakyan.
"E-Emman, hindi tayo puwedeng nandito," aniya na nanginginig na. "U-umalis na tayo." Lalo siyang kinabahan nang makarinig ng sunud-sunod na putok.
"Halika na," ani Emman na hinawakan siya at hinila palabas ng sasakyan. Ngunit hinarang sila ng mga lalaki at nagkapalitan ng putok.
"Butch!" narinig niyang sigaw ng kaibigan. May tama ito. "Tumakas ka na!"
"No! Hindi kita maiiwan," aniya sa kaibigan.
"T-tutulungan kita."
"H-huwag na. Sige na," anito na hirap nang magsalita. "Hindi ako ang kailangan nila kung h-hindi ikaw. Umalis ka na," pagkasabi noo' y lumungayngay na ang ulo nito.
Nang makita niyang bumagsak ang isa pang pulis ay takot na takot na nagtatakbo siya. Ayaw man niyang iwanan si Emman ay wala siyang mapagpipilian kung hindi ang tumakas na lang.
"Put—" aniya na tumutulo ang luha. Kaagad siyang nakasakay sa taxi. Gulung-gulo siya. Hindi niya alam kung saan pupunta. "Hayop ka!" aniya na ang tinutukoy ay si Attorney Leelan Fregillana. "Sinasabi ko na nga ba at hindi kami dapat magtiwala."
"NASAAN si Miss Antonio?" may galit sa boses na tanong ni Leelan kay Capt. Ramos. Magkausap sa telepono ang dalawa. "Ipinagkatiwala ko siya sa mga tauhan mo."
"Dalawa sa mga tauhan ko ang namatay, Leelan." ani Capt. Ramos. "Kung may nangyari man, hindi namin kagustuhan iyon. Ginawang mga tauhan ko ang tungkulin nila," mahinahon na sagot nito.
Para namang natauhan si Leelan. "Pasensiya ka na, Alvin." Napahawak sa noo ang lalaki. "Lumapit sila sa akin sa kaalamang mapapangalagan ang buhay nila at sila ang makapagtuturo kung sino ang pumatay
kay Tito Rolando."
"Ipapahanap ko kaagad si Miss Antonio, Leelan."
Nasa boses nito ang pangako.
"Salamat. Kumusta na nga pala si Emman?"
tanong niya.
"Under observation pa rin pero mahigpit ang pagbabantay sa kanya," ani Capt. Ramos.
Pagod na isinandal ni Leelan ang sarili sa upuan matapos makausap si Capt. Ramos sa telepono.
Naalala niya si Butch. Maganda ito sa kabila ng katarayan at tingin niya ay may katapangan. Sa kabila ng panganib sa buhay nito ay nagagawa pang magtaray
sa kanya.
Kailangang makita si Butch. Kailangang maunahan nila ang mga nagnanais na pumatay dito, naisaloob niya na huminga nang malalim.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now