Chapter 5

125 2 0
                                    

Ipinagpatuloy ni Isla ang paggawa ng kung ano-anong kababalaghan sa mga pagkaing inihahain niya sa binatang amo. Lingid sa kaalaman niya na patuloy lang din ang panonood ni Arlo sa mga ginagawa niya sa mga pagkain na inihahain niya rito.

“Mabuti na lang hindi nahahalata ni Boss Pogi ang mga ginagawa mo sa pagkain niya,” komento ni Stefano habang pinapanood si Isla sa preperasyon nito sa pagkaing ihahain sa pihikang amo.

“Wala na akong pakialam kahit mahalata niya, no! Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa kaniya. Gusto ko ng bumalik sa kitchen ng hotel. Mas gusto kong ipagluto ang mga guest natin. Mabuti pa sila naa-aapreciate nila ang mga luto ko. Hindi katulad ng damuhong iyon,” hindi maipinta ang mukhang palatak ni Isla.

“Malay mo naman magsawa rin siya sa pagpapahirap sa iyo. Baka sinusubukan niya lang kung hanggang kaylan ka tatagal sa pagpapahirap niya sa iyo. Kaya tatagan mo pa. Ipakita mo sa kaniya na hindi ka niya mapapasuko.”

Napabuntong-hininga naman si Isla saka tumingin sa kaibigan. “Sa tingin mo, ibabalik niya pa kaya ako sa kitchen?”

“Malay mo naman. Pero ‘yon ay kung hindi niya malalaman kung ano-ano ang mga pinag-gagagawa mo sa mga pagkain at inumin na inihahain mo sa kaniya.”

“Hay ewan ko Stefano! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa lalaking ‘yon.”

“Basta mag-iingat ka na lang sa mga pinaggagawa mo. Okay?”

Napanguso na lang si Isla saka tinapos ang paggawa ng meryenda ng kinaiinisang amo. Pero napangiti ito nang may maisip na namang kapilyahan.

“At ano ang ibig sabihin ng ngiting ‘yan, ha?” Nakataas ang isang kilay na usisa ni Stefano.

“Just see it for yourself, bakla.” Saka niya kinuha ang ingredients na naisip ilagay sa juice ng amo.

Napasinghap at nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang makita nito ang nilagay ni Isla sa juice. “Gusto mo na bang masesanteng babae ka? Ano iyang ginagawa mo?”

Ingos lang ang isinagot ni Isla sa kaibigan. “Konti lang naman bakla. Hindi niya naman ikamamatay ito, ano!” Saka niya hinalo ang juice na nilagyan ng konting chili powder.

“Ako ang natatakot para sa iyo, bakla!”

“Chill ka nga lang diyan!”

“Kinakabahan talaga ako sa ‘yong babae ka!”

Abot tenga naman ang ngiti na binitbit ni Isla ang tray na may lamang pagkain ng boss nila.

Lingid sa kaalaman niya na nasaksihan ni Arlo ang ginawa niya. Kaya naman halos pagpawisan ito habang naghihintay sa kwarto nito.

“I can’t tell her that I have an allergy to chili. Malalaman niya na pinapanood ko siya through cctv camera. Bahala na. Kailangan kong lusutan ang isang ito.” Napabuga ng marahas na hangin si Arlo. Halos magulat pa ito nang kumatok na si Isla sa pintuan ng kwarto nito. “Come in.”

Nang bumukas ang pinto ay bumungad ang ngiting abot tengang dalaga.

“Ito na po ang meryenda niyo, sir.” Todo pa rin ang ngiti nang ihain niya sa mesa ng amo ang pagkain. At gaya ng kinagawian ay tumayo si Isla sa gilid nito. Para hintayin ang magiging komento ni Arlo sa mga pagkain na inihain niya.

“Uhm, you may go now.” Utos nito sa kaniya na ikina-kunot ng noo niya.

“Wala na po kayong ipag-uutos o sasabihin? Hindi ba muna ninyo titikman ang inihanda kong meryenda?”

“I said you may go now, Ms. Lagdameo,” maawtoridad na wika ni Arlo.

“Okay, sir.” Pagkatalikod niya ay napanguso na lang si Isla. Gustong-gusto pa naman niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng amo sa ginawa niyang juice. Pero no choice siya kundi ang lumabas ng silid nito.

Walang kamalay-malay si Isla na pagkalabas niya ay agad na itinapon ni Arlo sa lababo ng banyo ang juice.

“Kamuntik na ako, ah.” Nakahinga ng maluwag si Arlo nang lumabas ng kwarto niya ang dalaga. “Mukhang delikado na ang buhay ko sa mga nilalagay niya sa pagkain ko. Ano naman kayang balak niyang ihalo sa susunod?”

Bumalik siya sa pagkaing inihain sa kaniya at nilantakan ito. “I forgot I don’t have a drink na nga pala.” Akmang dadamputin niya na sana ang telepono na konektado sa private kitchen. Pero napaisip siya. “Baka kung ano na naman ang ilagay niya sa inumin ko.” Kaya naman imbes na sa dalaga mag-utos ay sa ibang staff na lang siya nag-utos na siyang magdadala sa kaniya ng inumin.

Samantalang nalaman ni Isla na nag-utos ng ibang staff si Arlo upang dalhan ito ng maiinom.

“Sa tingin mo alam niya kaya na may inihahalo ako sa mga pagkain at inumin niya?” napapaisip na tanong ni Isla kay Stefano na abala sa paggagayat ng mga rekado sa kusina.

“Malamang alam niya na. Nagpakuha na nga siya ng inumin sa ibang staff eh, siguradong naanghangan iyon sa juice na ginawa mo, bakla.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Stefano. “Masesesante na ba ako, bakla?”

“Hintayin na lang natin ang hatol sa iyo ni Boss Pogi.” 

“Bakit ko ba kasi naisipan na lagyan ng sili iyong juice niya, eh.”

Nagulat si Isla nang magsalita si Arlo. Naabutan sila sa ganoong pag-uusap ng amo.

“What are you doing, Ms. Lagdameo?” Kunot ang noong tanong ni Arlo sa kaniya, agad naman siyang napatuwid ng tayo.

“Stretching, sir.” Naka-ngiti at alanganin na umakto ito na animo nag-uunat ng mga buto-buto.

“You look silly,” nakangising komento ni Arlo.

Nawala ang ngiti ni Isla at pinandilatan ng mga mata si Stefano na tahimik na tumatawa sa may likuran ng boss nila.

“At bakit mo ginagawa ang stretching dito sa loob ng kusina, Ms. Lagdameo?”

“Pasensiya na po, sir. Sige po aalis na po ako. Napagod lang po kasi ako kaya napaunat-unat po ako ng buto-buto ko.”

“Nagrereklamo ka na ba sa trabaho mo sa akin?”

Agad siyang napailing. “Hindi po, sir! Hindi po ako nagrereklamo. May ipapaluto po ba kayo sa akin?”

“Actually, yes. I want you to cook adobo for me.”

“Alright, sir. I will cook adobo for you.”

“But I want you to put a twist on your adobo this time,” pahabol nito.

“Twist?” Nawala ang ngiti niya sa narinig.

“Yes. Adobo with a twist. Bring it to my room for my dinner.” Iyon lang at lumabas na ito ng kusina.

Nang mawala si Arlo ay saka pinakawalan ni Isla ang kanina pa pinipigilang inis.

“Nakakainis ka talagang lalaki ka!” Impit na sambit niya.

“Goodluck sa kalalabasan ng adobo with a twist mo.” Natatawang pang bubuska pa ni Stefano sa kaniya.

“Tse! Isa ka pa!” Inirapan niya si Stefano saka nagmartsa papunta sa private kitchen para ipagluto ang boss niyang naglilihi ata.

The Billionaire's Naughty Chefजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें