Tula#15 Manunulat

5 0 0
                                    

Taong panitikong mandirigma
Sandata nila'y lapis at papel
Mga salita'y matatalinhaga
Tumatagos sa isipa't puso

Kanilang nadarama't kaisipan
Idinadaan sa pagsusulat
Mga kwentong gawa nila'y salamin
Ng ating mundong masalimuot
Na sino ma'y nais itong takasan

Mga aral sa buhay, idinadaan sa pagsulat
Mga aral na ibinabahagi sa pagkukwento
Sa laban natin sa reyalidad
Sila ang tanging sandigan natin

Sila'y ating pahalagaha't pasalamatan
Sa pagpapanatili ng ating panitikan
Na pamana pa sa'tin ng ating mga ninuno
Na siyang dapat ingata't pahalagahan

Mga Tula/PoemsWhere stories live. Discover now