CHAPTER 39

1.3K 13 2
                                    

Mac: akala ko kung na nangyari sayo. I tried calling your phone pero naka-off..
Jude: Sorry napatay ko ata. Hindi ko napansin. Thanks pala sa baked mac ah..:)
M: No prob.. Jude punta ka ulit dito..:) please??
J: papaalam ako..:)
M: hmmm.. babe?
J: hahaha. Babe talaga ah..
M: hmp. Ayaw mo?
J: Gusto ko, babe..:)
M: mag-lunch ka na ok?
J: Opo..

Tamang tama at kumatok na rin si Manang sa pinto. “Iho, handa na ang tanghalian…” “Opo. Anjan na..” sagot naman ni Jude sa matanda.

------------------------------------------------------------------------------
Chapter 39

Agad nang lumabas si Jude ng kwarto at sumunod sa matanda. Nasa mesa na sina Sai at Chad kumakain ng pananghalian. Naruon na rin si Vince na biglang kumunot ang noo pagkababa ni Jude. Naka-t shirt na ito at naka boxer shorts. Umupo si Jude sa harapan ni Vince. Napansin niya na walang imik si Vince habang kumakain at naruon pa rin ang kunot sa noo nito.  “Oh insan anong problema at bakit nakakunot yang noo mo?” tanong na may halong pang-aasar ni Jude kay Vince. “Wala..” tipid na sagot ni Vince sabay subo ng kanin. “Paanong hindi iinit ang ulo niyan, may masakit sa kanya..” hirit ni Chad sabay tawa ng malakas. Napatawa na rin si Jude sa sagot ni Chad. Alam ni Jude na nabitin talaga si Vince kanina. Hindi kasi ito nakapagpalabas. “Ano naman yun?” tanong ni Jude kay Chad. “Wala yun kuya. Niloloko lang ni Chad si Kuya Vince..” sabad ni Sai. Nagtawanan ang tatlo habang lalong gumusot ang mukha ni Vince. “Kayo talaga.. Wag niyo nang lokohin si Vince mamaya mawalan yan ng gana. Hala sige ubusin niyo na iyan..” sita naman ni Manang Estring sa kanila.

Pagkatapos mananghalian, pinagpatuloy ulit nila Chad at Sai ang paglalaro ng playstation sa sala. Lumabas si Vince ng kanilang bahay at umupo sa duyan na nasa kanilang bakuran. Nagsindi ito ng yosi. Lumapit si Jude sa pinsan niyang si Vince. “Vince, sorry na..” may lambing sa tono ni Jude. Hindi siya pinansin ni Vince at patuloy pa rin ang paghithit ng yosi. “Uy.. Pansinin mo na ako..” sabi ni Jude a6t umupo na ito sa tabi ni Vince. Umakbay si Jude sa nagtatampong pinsan at binulungan ito. “Wag kana magalit. Baka kasi mahuli tayo ni Chad o ni Manang at magsumbong pa kay tita..” bulong ni Jude kay Vince. Medyo nawala na ang kunot sa noo nito at humithit parin ng yosi. “Next time, hindi ko na ito bibitinin..” dugtong pa ni Jude sabay kapa sa harapan ni Vince. Malaki pa rin ang alaga ni Vince kahit na natutulog ito. Napangiti si Vince nang maramdaman ang pagpisil ng pinsan sa kanyang ari. “Loko ka..” sabi ni Vince sabay diin sa kamay ng pinsan sa kanyang harapan. Pinipisil pisil ni Jude ang kahabaan ng pinsan. Dama na ni Jude na unti unting nabubuhay ang sandata ng pinsan. “Tama na nga yan pangyoyosi mo.. At sumali na tayo kina Chad..” biglang yaya ni Jude. “Yan ka nanaman e. Binibitin mo si junior e..” inis na sabi ni Vince. Tumawa lang si Jude sabay tayo sa duyan. Hinila na rin niya si Vince papasok ng kanilang bahay.

“Sali kame..” sabi ni Jude kina Chad at Sai na seryoso pa rin sa paglalaro ng basketball sa playstation. “Sige ba kuya. Two on two..” alok ni Sai kina Vince at Jude. Hindi na nila namalayan ang oras at naabutan na sila ng hapon kakalaro. Alas-kwatro na ng hapon nang dumating ang kuya Mike nila galing eskwelahan. Last day na rin kasi nila ngayon at simula na ng kanilang sem break. Hinagis nito ang backpack sa upuan. Nakasimangot ang mukha. “Hayop na prof yan.. Trines lang ako sa subject niya..” maktol ni Mike sa mga kapatid habang hinuhubad ang suot na uniporme sa kanilang harapan. Naka-sando at slacks na itim nalang si Mike. Dumiretso ito sa kusina at uminom ng tubig. “Si Sir Mendez ba yan? Yung bading na prof sa Socio? Hindi mo siguro pinagbigyan..” lokong sabi ni Vince sa kapatid. “Tangina niya. Baka pag pinagbigyan ko yun, uno na ibigay nun sa akin. Letseng bading na yun..” si Mike. Walang hiya hiya na hinubad ni Mike ang suot niyang slacks sa harapan ng mga naglalaro. Hindi naiwasan ni Sai ang mapatingin kay Mike. Tanging puting sando at puting boxers ang suot nito. Napatitig si Sai sa katawan ng kapatid ni Chad. Ngayon lang niya napansin ang kakisigan nito. Hubog na hubog ang mamasel na katawan ni Mike sa suot nitong sando. Ang masel nito sa braso at ang malapad nitong dibdib. Napababa nang tingin si Sai sa harapan ni Mike. Malaki rin ang nakabukol sa suot nitong boxer shorts. Napalunok si Sai sa namasdan. May pinagmamalaki talaga ang pamilya nila Chad. “Sai! Pasa mo sakin yung bola…” sigaw ni Chad sa kaibigan. “Shit..” gulat na sabi ni Sai sabay pindot sa controller ng playstation. “Kung saan-saan kasi nakatingin e..” inis na sabi ni Chad. Nagtawanan naman sila Jude at Vince dahil naka-iskor na naman sila. Nag-apir pa sina Vince at Jude. “Sorry pre..” sabi naman ni Sai sa nakasimangot na si Chad. Natapos rin ang kanilang laro at natalo nga sina Chad at Sai.

Nasibak ni InsanWhere stories live. Discover now