"Ngayon lang sya lumayas at sa harap pa talaga ng pagkain"

"Hindi naman naten sya masisisi ate. May kasalanan ka rin ehh. Sa mga kwento mo lagi mo syang pinagdududahan. Pati dun sa mga batang tinutulungan nya kamo. Ikaw ang nakakakita pero ikaw mismo ang ayaw maniwala, syempre kahit sino naman na nasa kalagayan nya masasaktan no."

"Lagi kase nya kong trip ehh"

"Ginawa nya pa rin until now?"

Napa isip naman ako, lately hindi na nga nya ko binabara pagdating kay Jaden, parang iniiwasan nya rin na maging topic namin yun kapag kaming dalawa lang.

"Hindi na masyado"

"See? Talagang ma ooffend yun"

"Anong gagawin ko?"

"Yaan nyo lang. Aayos din pamaya maya si ate Mauie" sabat din ni Doc. Stevie na nakikinig din pala

"Hindi pwedeng hayaan ko lang" sagot ko

Hindi ko din alam bakit ko nasabi ang bagay na yon. Bigla nalang may nagtulak sa akin na sabihin yon. Isa pa kaninang nag walk out sya ay bigla din akong nakaramdam ng guilt

"Anong gagawin mo?"

"Bahala na mamaya, kumain na muna tayo." Alok ko sa kanilang dalawa. Mamaya ko na sya kakausapin.

Pagkakain naman ay hindi ako nagkaroon ng oras na puntahan sya dahil may operation pa kami ni Brielle.

Tapos ngayon naman ay bigla kaming pinatawag ni Doc. Vergara para sa isang emergency meeting daw.

Akala ko ay lahat ng doctor ang kailangan sa meeting, pero pagpasok namin ni Brielle ay tanging kami lang at sina Doc. Stevie at Doc. Mauie lang ang nandito kasama si Doc. Vergara.

Nagtama pa ang mga mata naming dalawa ni Doc. Mauie ngunit agad din nyang binawi ito at timingin sa ibang direksyon, ganoon ba talaga kalala ang ginawa ko?

"Okay tutal nandito na kayong apat, simulan na natin ang meeting" wika ni Doc. Vergara

"Tayo lang po doc?" Tanong ni Brielle

"Yes, may sasabihin lang ako sa inyo."

"About saan po"

"Gusto kase ni Ck na mag Christmas kami sa Beach House kasama ang mga kaibigan ni Jhai, yung pasyente ko? At ang parents niya. So dahil kaibigan naman din kayo ni CK I asking you kung gusto nyo rin vang sumama ng batangas?"

"Talaga po? Sasama nyo kami?" Tanong ulit ni Doc. Brielle

"Oo naman, yun ay kung payag kayo. Kase aabot tayo ng Christmas doon eh. Baka kako gusto nyong mag Christmas sa mga bahay nyo"

"Okay lang po sa akin. Magpapa alam nalang po ako kina mommy" sagot ni Doc. Mauie

"Ako din po sama po ako" sunod na sagot naman ni Brielle

"Ikaw Doc. Stevie? Tanong ni Doc. Vergara

"I'm also In doc. Sabihan ko nalang po sina daddy"

"Doc Thea?"

"Sama po sila eh, kaya sama na rin po ako"

"All set. Ako na bahala sa pag file nyo ng leave. Just be ready"

"Kailan po ang alis?" Tanong ko ulit

"Baka sa makalawa na. Kakausapin ko muna ang parents di Jhai about dito"

"Ahh okay po"

"That's all, you can go now"

Nagpasalamat lang muna kami at umalis na ng meeting room.

Nauunang naglalakad sina Doc. Mauie at doc Stevie sa amin ni Doc Brielle.

Sinesenyasan pa ko ni Brielle na kausapin ki na si Doc. Mauie pero natatakot ako, natatakot ako na mapahiya kaya hinayaan ko naang muna.

Mag iisip muna ko ng pwede kong ipang peace offering sa kanya para kahit papaano ay maging sincere ang paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Bakit hindi mo pa kina usap kanina?" Tanong agad ni Brielle pagpasok namin sa opisina namin

"Hindi naman ganoon kadali yon. Kita mo naman kanina diba? Hindi pa rin sya namamansin"

"Kita ko nga. Pati nga ata ako damay eh"

"Aayusin ko 'to agad.  Alam mo naman na Ayoko na may kaaway ako diba?"

"Anong balak mo?"

"Ano kase favorite nyang chocolate?"

"Ewan ko rin, lahat naman kase ng chocolate kinakain nya eh"

"Sige ako na ngang bahala"

Nagtungo ulut ako sa pinto para lumabas

"Oh saan ka nanaman pupunta?"

"Sa canteen mag titingin ng pwedeng bilhin. Hindi pa sya kumakain diba?"

"Sabi ko nga, good luck "

Nagtuloy ako sa canteen at tinanong ang head cook nila.

"Nay kilala nyo naman si Doc. Mauie diba?"

"Opo, doc Althea bakit po?"

"Um, ano pong karaniwang binibili nya dito na something sweets?"

"Bakit nag away ba kayo?"

"Nagkatampuhan lang po. May nasabi po kase ako na ikinasama nya"

"Ahh sana maayos pa kayo"

"Oo naman po, Doc Mauie is my friend at hindi ko naman po hahayaan na mangyari yon. So ano po ang pwede kong maipang peace offering sa kanya?"

Tumuloy kase ako sa may kusina nila.

"May maliit kaming chocolate cake dyan. Alam ko favorite nya yun kase lagi nyang inaabangan na magkaroon ng chocolate cake dito sa canteen"

Hindi ko rin alam ang bagay na yun. Ang alam ko lang ay mga chocolate candies at chocolate ang mga gusto nya. Gusto nya rin pala ng chocolate cake?

Ang dami ko talagang hindi alam sa kanya. Naturingan kaming magkaibigan pero marami pa rin akong hindi alam pagdating sa kanya...

Kinuha ko na ang buong cake at pinalagyan ko pa yun ng salitang sorry para sincere.

Chinat ko pa si Doc. Stevie kung nasa opisina sila para masiguro kung saan ako pupunta. Nang sabihin nyang nasa office lang ang dalaga ay nagpunta na ako doon agad

Kumatok ako ng tatlong beses at ng marinig ko na sumagot sya ay doon palang ako pumasok sa loob.

Kita kong nagulat pa sya ng bahagya pagkakita sa akin.

"Sorry, I didn't mean to hurt you" panimulang wika ko "ito oh pang peace offering, tinanong ko pa kay manang kung anong gusto mo. Sakto meron sila nyan kaya yan nalang ang naisip ko na ibigay sayo. Bati na tayo please?"

"Kase naman ehh, bakit kase ang dali para sa inyo na i judge ako? Lahat nalang punagdududahan mo"

"Kaya nga sorry na ehh, nasanay kase ako na lagi mo kong inaasar, hindi mo naman ma aalis sa akin na magduda lagi diba? Kase nice ka nga sa iba tapos sakin ang bad mo" reklamo ko pa

"I'm just stating the fact"

"Look oh, ni hindi mo nga ko sinusuportahan"

"Suportado naman ako sayo. Hindi lang dyan kay Jaden"

"Bakit?"

"Wala, nasabi ko lang"

__________________________________

Sowwy weheehhe

Changes In My LifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant