Unang Kabanata

5 3 0
                                    

Ano ba talaga ang buhay? ano nga ba ang silbi ko kung bakit ako nabubuhay?

To see the abuse woman at the hand of their husbands and partner? to see the under man with their very strict spouses?

I already take off the blind fold in my eyes at nagsisi ako, kaya pala mas piniling mag bulag-bulagan ng mga gobyerno dahil kahit sila ay hindi kayang tiisin na makita ang gulo ng bayan na meron sila.

Ganito rin ba noon? Uhm, I don't think so. . . ang sabi nila ay malala raw dahil walang freedom, did we really have a  freedom? or we have a freedom but we can't feel our human rights.

"Huy, Angeline!" mabilis akong napailing at parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses ni Reina.

"Huh?" binato ko lang ito nang masama na tingin

"Nakarating ka na ata sa ibang bansa, kanina ka pa tulala. Palagi ka nalang sabaw." mahina nitong tawa

"Nakaka-day dream kasi ang ganda mo," sabi ko rito

Nakita ko ang gumuhit na ngiti sa labi niya, "Talaga?" namamangha niyang tanong at nagsimula nang ipikit dilat ang mga mata.

"Oo, ang gandang itapon, ipaanod sa ilog pasig at ang gandang i-cyber bully." taray ko rito.

"Wala ka talagang best support!" singhal ni Reina

"Anong best support?" kumunot ang noo ko.

"I am the best so you need to support me," salubong pa rin ang kilay niya.

"You're worst!" pag tatama ko sakaniya.

She's my long term best friend, simula palang no'ng grade six ay mag kaibigan na kami and now we are grade 12 na. Nakakasawa na nga ang mukha ni Reina pero anong magagawa ko, ganito talaga ang tiis ganda. Pakiramdam ko kasi ay napaka ganda ko kapag may kasama akong pangit. Joke!

Parehas kaming nag take ng humss, I chose humss kasi this is what I want, nandito ang field na gusto ko. Reina also chose Humss kasi nandito ako. Kung ako ang independent variable, alam niyo na kung ano si Reina—RRL, kasi pahirap!

Masaya naman ang buhay ko, I can say na hindi ako belong sa mga teens na nakakaranas ng pagiging unstable, kahit naman kasi magpakalungkot ako, ma-stress ay walang mangyayari. Magkaka pimples lang ako at hindi ko kakayanin!

Hindi ako masayahing tao, I just have a few friends but Reina is the only one I trusted most. She knows everything about me, kahit ang mga naging ka-fling ko na puro katingero, yung mga boys at the back...?

"Stand up!" my prof. shouted

Halos tumindig ang balahibo ko dahil dun, ngayon lang ang unang beses na sumigaw ang teacher namin ng gano'n. Lahat kami ay napatingin sa likod, sa likuran ko rather. Nakita ko ang kinakabahang hitsura ng bago naming kaklase, kakatayo lang mula sa pagkakatungo sa upuan na tila ba'y nakatulog.

"S-sorry po," he whispered.

"Ikaw palang ang natulog sa klase ko! boring ba ako mag turo? kung gusto mo, ikaw ang tumayo rito at ako ang matutulog diyan. You need to discuss all of our lessons." galit na galit ang teacher namin na para bang so forbidden ang nagawa ng lalaki.

"Ma'am, transfer student po siya." sambit ng preaident namin

"Then, so? alam ko na kahit sa'ng school ay tinuturo kung paano hindi maging bastos." hindi pa rin kumakalma si Ma'am Luz. "No'ng panahon namin, kahit pag kurap ay halos hindi namin magawa dahil sa takot sa teacher." dugtong pa niya.

"Over ka, ma'am." bulong ko.

"Torres?" bigla akong napakagat sa labi ko nang banggitin ni ma'am ang apelyido ko, dinaga ang dibdib ko dahil sa takot na baka narinig niya ang binulong ko.

Dahan-dahan akong tumingin sakaniya, "B-bakit, Ma'am?" tanong kong kinakabahan. Tumingin lang ito sa akin ng masama, Gosh, Angeline! baka ikaw nanaman ang makita niya whole quarter

"What's his name?" tanong ni ma'am sa akin, "The guy at your back, he's muted?" sarkastiko niyang tanong.

"Huy, bhie ano raw pangalan mo?" bulong kong tanong sa lalaki sa likuran ko.

"Sebastian. . ." mahinang tugon ng lalaki.

"Ma'am Sebastian daw po,"

"Sebastian, stand up." utos ni ma'am Luz, "Bakit ka natutulog sa klase ko?!" muli nitong tanong.

"S-sorry po, Ma'am. W-wala pa po kasi akong tulog simula kagabi, u-umaga na po kasi ako nakauwi galing trabaho. Pasensya na po, ma'am hindi na mauulit." nakayuko pa rin siya, hindi na umimik si Ma'am Luz at pinaupo niya nalang ang lalaki.

Estudyante, nagtatrabaho? anong ginagawa ng parents nila? why they can't support their childrens? grabe!

No'ng mag lunch ay nagsi-alisan na ang lahat with their circle of friends.

"Huy, Angelina Joli hihintayin kita sa canteen, huh!" sigaw ni Reina habang nagmamadaling lumabas.

Aakma na sana akong umalis ngunit napansin kong walang balak kumain si Sebastian, introvert ako. . . oo, hehe pero nag lakas loob akong lapitan siya, and I remember what he said earlier na he's a working student.

"Lunch tayo?" I asked, napatingala naman ito sa akin, nakatingin siya sa dala kong lunch box.

"Wala akong pagkain, salamat! kumain ka na, sorry pala kanina." nahihiyang sabi niya.

"My name is Angeline, may extra ako at mura lang naman ang pagkain sa canteen, tara na!" pag-aaya ko ulit.

"Salamat nalang, b-busog din ako."

Nagkatitigan kami nang sabay naming marinig ang kakaibang tunog na nanggagaling sa tiyan niya.

"Masama ang tumanggi sa grasya, 'pag hindi pa 'yan tumigil ang sikmura mo kakakalam ay ayan talaga ang disgrasya, kaya tara na," pag pupumilit ko.

Kinalaunan ay napapayag ko na rin siya, para ko siyang nakakabatang kapatid na inaakay para makasingit sa dami ng tao. Kaagad ko namang nakita si Reina.

"Tagal mo, Girl!" reklamo ng babaita, "Uy, hi. . . Sebastian, diba?" tumama ang mata ni Reina kay Sebastian, tumango lang ang lalaki.

"Sasabay siya sa atin mag lunch! I will buy some foods," sabi ko kay Reina.

Mabilis niyang inalis ang lunch box niya sa isang upuan at ang tubigan niya naman sa isa pang upuan.

"Friendly huh!" pang-aasar nito na may halong hindi maganda ang titig, "Buti tatlo ang sinerve kong upuan, maupo ka na rito, Sebastian. Mabilis lang 'yan makabili ng pagkain, magaling sumingit 'yan sa ayuda eh." dugtong niya pa.

Tinarayan ko lang si Reina, eh anong isisingit ko kung wala namang ayuda. Mas mapagbigay pa nga ata ang mga taong hikahos sa buhay kaysa sa mga gobyerno.

Pero tama siya, nakasingit kaagad ako. Magaling talaga ako maningit, dahil walang mangyayari kung magpapabebe lang ako habang nakapila at nagkakanda singitan na sila sa unahan.

"Ito, kumakain ka ba nito?" sabi ko nang ilapag na ang tray sa harap ni Sebastian.

"Thank you, Angeline!" sabi niya pa.

"Sus, mala Henry Sy 'yan sa yaman wag mong intindihin, kung ako sayo magpabili ka palagi riyan ng starbucks sa akin lang naman siya kuripot." kahit puno ang bibig ay nakakapag salita pa rin.

Pilit lang ang tawa ni Sebastian, tinititigan ko lang siya kung paano siya kumilos, at kumain pero binabawi ko naman ang tingin ko kapag alam kong titignan niya ako, baka kasi mailang.

Nakakainis kasi talaga ang mga magulang na hindi inisip ang pressure ng anak! well, I didn't know his story but. . . but he really looks attractive for being a trying man.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikat at ako sa Intramuros. Where stories live. Discover now