p r o l o g u e

16 0 0
                                    

Isang tatlong buwang buntis at isang pitong taong gulang na bata ang makikitang nagmamadaling makaalis sa isang pamilihan. Matao, mabasa ang kalsada kahit hindi naman umulan, makalat at siksikan. Maraming tao ang mga nagmamadali at mabibilis din sa paglalakad.

Hindi maiwasan ng babae na hawakan nang mahigpit ang batang kaniyang dala sa loob ng isang market. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba, marahil ay mayroon itong kinatatakutan.

Natatakot ito na baka makita, makita siya nang ama ng batang hawak niya. Anak niya ang batang hawak-hawak ngunit ang bata sa sinapupunan nito ay hindi anak ng taong kanina pang humahabol sa kanila.

Isang mabilis na paglingon ang ginawa ng buntis sa direksyong kanilang dinadaanan habang patuloy ang mabilis at malalaking hakbang.

Ang bata ay masakit na ang braso sa higpit nang pagkakakapit sa kaniya at ang mga paa niya ay pagod na sa paglalakad dahil edad nito na pitong taong, makikita sa hitsura ng bata ang takot at pagod na sa paghahabol sa malalaking hakbang na gawa ng ina.

Nang malagpasan ang market na napakaraming tao ay bumagal nang bahagya ang mabilis na paglalakad nila sa pag-aakalang naligaw na nila ang taong sumusunid sa kanila.

Ilang gusali pa ang nalagpasan nila hanggang makarating sila sa lugar kung saan ay wala na gaanong dumaraan. Isang iskinita na medyo madilim na ang parteng dulo nito.

Ilang saglit pa ay napatigil ang babae dahil sa isang matandang hirap tumayo sa gilid ng daan. Tinulungan niya 'yong bumangon at nang akmang aalis na sila matapos magpasalamat ng matanda ay inabutan ang kaniyang anak ng isang card.

Isang card na may naka-print na larawan ng dalawang batang anghel na inaabot ang mga kamay ng bawat isa. Foil-etched card iyon. Makinang at maganda ang texture nito na may nakasulat na destiny na naka bold letter.

Tinanggap iyon ng bata at hindi na nila napansin na wala na ang matanda sa kanilang harapan. Nilingon nila ang paligid ngunit hindi nila iyon matanaw at nagpatuloy na lang maglakad palayo sa lugar na iyon.

Palabas na sila sa madilim na bahagi ng lugar na 'yon nang isang lalaking sumisipol ang humarang sa kanilang dinaraanan. Iyon ang ama ng bata na kanina pang humahabol sa kanilang dalawa.

Mabilis na pinatakbo ng babae ang anak palayo ngunit bigo itong makalayo at nahawakan ito agad sa braso. Ilang ulit pang pinilit ng bata na magpumiglas pero hindi nito magawang maialis ang mahigpit na kamay nakahawak sa kaniyang braso.

Hinampas ng babae ang kanyang asawa ngunit itinulak lang siya nito at natumba lamang siya sa daan. Puno na ng galit ang babae at buong lakas niyang inihampas sa ulo ng asawa ang batong kaniyang nadampot.

Mabilis na umagos ang dugo sa ulo ng asawa at malakas ang pagbagsak nito sa kaniyang harapan. Nabitawan nito ang bata at muli itong lumapit sa ina. Pilit na iniiwas ng ina ang paglingon ng anak sa duguang ama nito.

Sa pag-aakalang wala nang buhay ang asawang nakahandusay ay ginalaw pa nito ang mga balikat nito sa pamamagitan ng kaniyang kanang paa.

Nagulat na lamang siya nang hatakin ng asawang nakahiga ang kaniyang paa. Puno na ng galit ang hitsura nito. Kita niya na umaagos na ang dugo nito mula sa ulo hanggang sa bibig nito.

Mahigpit itong nakakapit sa kaniyang paa, at napasigaw na lamang ang buntis nang gilitan nito ang kaniyang litid sa paa dahilan upang siya ay matumba. Halos malalakas na paghiyaw na lang ang ginawa ng babae. Pinatatakaa na niya ang kaniyang anak ngunit hindi ito makatakbo. Napako na ang tingin nito sa mga duguang magulang.

Gagalang pa sana nang paatras ang babae ngunit mabilis na nakabangon ang asawa nito. Habang hawak nito ang patalim sa kanang kamay ay nakangiti itong nakatingin sa kaniya. Alam ng babae na sa tiyan niya ito nakatingin. Mabilis na sumugod ang lalaki at sunod-sunod nitong sinaksak ang asawa.

Mabilis rin namang naiwasan iyon ng buntis gamit ang kamay na pang salag sa matalim na kutsilyo. Natamaan pa rin naman ang tiyan nito saka siya tuluyang napahiga sa kalsada.

Nakarinig din siya ng sirena ng mga police, dahilan para matigil ang asawa nito at hatak-hatak nitong isinama ang kaniyang anak. Kitang-kita niya kung paanong kinakaladkad ng asawa ang anak papalayo sa kaniya.

Ilang saglit pa ay dumami na ang umpukan ng mga osyoso na nagbubulungan tungkol sa pangyayari. Mabilis rin namang nag pulasan ang mga iyon nang agaran na dumating ang mga police kasunod ang ambulansya. Ilang saglit pa ay unti-unti nang nanlabo ang paningin niya habang hawak ang destiny card ng anak na nadampot niya sa lapag kanina. Hanggang sa unti-unti na ring dumilim ang paningin niya at tuluyan nang mawalan ng malay.




(Author's Note: Sana magustuhan mo ang kwentong ito. Follow and vote for the story. Thannxxx)

@nhoiialmanzorrr

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: 3 days ago ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Inno CencioNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ