Chapter 2 - new

24 0 0
                                    

"Talk to me Skylar,"

pangungulit ni Theo, kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin mula nung nadulas ako sa pangalan niya. "Sinabi sa'kin ni Irish." sagot kong tipid.

He sighed, "Sasabihin mo rin pala eh." napakamot siya sa ulo niya. Nahulog ang hawak niyang baby clothes, pinulot ko 'yon at ibinigay sa kan'ya.

"Para kanino 'yan? Sa anak mo?" Tumawa ako ng mahina, "Oo." seryosong sagot niya. Natigilan ako sa pagtawa, may anak siya? Sa edad niyang yan? Teka 2nd year college pa lang siya ah- 

"Just kidding" Bawi niya agad, tumawa siya sa naging reaksyon ko. "Para kanino nga?" Tanong ko ulit, "For your mom, diba buntis si tita." He said casually, ano?

Alam niya? Sino ba 'to? At pa'no niya alam ang gender ng bata? Matagal na bang buntis si Mama? What is his connection to my family?

"How did you know?" Naguguluhan na 'ko. "Sinabi ng mom ko sa'kin, last week niya pa sinabi." He explained.

I scoffed sarcastically, "Is there a problem?" He looked concerned. "So matagal niyo na palang lahat alam? Ako na lang ata ang hindi pa nakakaalam?" Padabog kong binitawan ang mga baby clothes na hawak ko, at nag lakad nang mabilis.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at agad na nag chat sa GC,

@skyandmoon: Aalis na 'ko, Irish sumabay ka na lang sa kanila
@ceraine: Huh gago? Aalis kana agad? Bakit? KJ amp!
@skyandmoon: Uuwi na 'ko, galit ako kay mama.
@felpie: Oh... Are you okay?
@irishkopiko: Ingat Skylar, please calm down.

Napairap na lang ako at binilisan kong mag lakad para makarating sa parking lot, hindi ko namalayan na nakasunod pala si Theo sa'kin. "Hey!" Hinabol ako ni Theo, hinarang niya ako.

"Tabi diyan!" Inis kong sabi, "Hey calm down, bakit ka nagagalit?" Hinawakan niya ang balikat ko, "Dahil ako ang huling naka alam, buti pa ibang tao alam!? Sariling anak hindi? Tumabi ka diyan!"

Malakas ang boses ko kaya naka tingin ang mga tao na malapit sa'min. Tinulak ko ng mahina si Theo para umalis siya.

Sumakay ako sa kotse at agad na pinatakbo, nag mamadali akong mag drive, andaming tumatakbo sa isip ko, bakit ibang tao pa ang nakaaalam? Tapos ako na sariling anak hindi...!? Bakit gano'n sila!

Bigla akong natauhan ng may bumusina sa'kin ng malaks, truck 'yon! Nasa intersection ako! Dire-deretso ang truck hanggang sa sumalpok sa kotse ko. Nailawan ng ilaw ng truck ang mata ko, for some reason parang may nag flashback na mga memorya pero hindi ko masyadong maalala dahil, sobrang sakit ng binti ko at nahihilo ako, hanggang nawalan ako ng malay.

**

"Sky! Sky!" Hagulgol na sigaw ng nanay ni Sky habang nagmamadali ang mga nurse na ipasok si Sky sa ER. Sinundan ito ng Mama ni Sky ngunit hinarang siya ng mga staffs doon, "Hindi po kayo pwede rito ma'am" Umiyak pa nang umiyak si Julie nang makita niya sa maliit na bintana na nirerevive ang kanyang anak.

Niyakap ng asawa si Julie habang umiiyak, ang Papa ni Sky na si Archie ay walang luha na tumutulo ngunit bakas sa mukha niya ang sakit at pag aalala.

"Tita!" Tumakbo palapit sa kan'ya ang mga barkada ni Skylar, hindi mapigilang maiyak ni Felicity, at Irish. Si Ceraine ay pinapakalma ang dalawa at si Parker ay kasama ng mag asawa malapit sa ER.

**

"Hindi ko na dapat pinayagan si Sky umuwi mag-isa!" Galit na saad ko sa sarili ko, hindi ko dapat siya pinayagan, hindi na dapat mangyayari 'to. Ang sakit.

"Shh, Irish hindi mo kasalanan 'yon, walang may kasalanan noon." Hinaplos ni Ceraine ang buhok ko. Si Felicity ay tahimik na umiiyak habang pinapakalma siya ni Parker.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Desires UnspokenWhere stories live. Discover now