CHAPTER 01

3 0 0
                                    


"Yes!" malakas na sagot ng babae sa lalakeng kasayaw niya ngayon matapos siya nitong biglain ng isang tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yes!" malakas na sagot ng babae sa lalakeng kasayaw niya ngayon matapos siya nitong biglain ng isang tanong.

"Talaga?! Wala ng bawian 'yan ah, yes! Girlfriend ko na si Elly!" 'di naman makapaniwalang sagot ng lalake at mabilis na binuhat ang dalaga saka ito pinaikot na ikinatili naman nito.

Tila wala na silang pakialam sa paligid kahit pa nasa gitna sila ng dance floor at napapalibutan ng kanilang mga schoolmates at professors. Acquaintance party ngayon ng kanilang department at dahil nagkataon na pinagsama ang kanilang party ay iyon ang nakitang pagkakataon ni Jacob para tanungin si Elise na maging nobya niya.

First year college palang ay nililigawan na niya ang dalaga at ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ito. At para naman kay Elise ay iyon na ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa kanilang dalawa ng kanyang nobyo.

Matagal na siyang may gusto kay Jacob, kahit bago pa ito magtapat sa kanya at magpaalam na manliligaw ito sa kanya. She really love him deeply, that she can vision her future with him. Only him. Na tila ba nasa punto na siya ng buhay niya na kung hindi siya, hindi nalang.

"I love you, Elise," Jacob said with his eyes of unfathomable love for her.

"And I love you more, Jacob," Elise replied as she look deep down his sparkling eyes underneath the dim yet romantic lights of the dance floor.



***



And that's how their growing love relationship begins. Sabi nga nila wala namang perpektong relasyon at lahat ay dumadaan sa mga pagsubok, but Elise and Jacob manage to settle and compromise, especially now that they already have their own careers.

"I'm sorry, if madalas parati akong busy at hindi na kita nabibigyan ng time para ma-date o maaya man lang manood ng movie," paumanhin ni Jacob habang magkaharap sila ngayon ni Elise na kanina pa tahimik matapos nilang mag-usap.

"I'm sorry din kung naunahan ako ng galit instead of asking you if you're okay. Nakalimutan ko na may kanya-kanya na nga pala tayong trabaho na dapat ring asikasuhin," hinging tawad rin ni Elise.

"No, it's okay. I understand, promise babawi ako. Sadyang marami lang talagang kliyente nitong nagdaang buwan, yung iba ang bibigat pa ng kaso."

Elise smiled and held his hand where it was resting on top of their table.

"It's okay, naiintindihan ko. You never missed in updating me and I appreciate that. Thank you," she assured him.

Jacob's face soften and so was his heart. "Thank you, Elly. I'm so lucky to have you." Kumawala naman siya sa hawak ng dalaga at siya na mismo ang humawak sa malambot nitong kamay at bahagyang pinisil pa iyon.

In Another UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon