Malamig ang ihip ng hangin. Sumandal ako sa puno ng isang kahoy at tumitig sa kawalan. Tahimik ang gubat at tanging huni lang ng mga insekto ang maririnig.

I can't help to think how the association is finding me now that I'm here in this world and vanish with no traces.

I'm alone again.

I got too content with my life here. I thought my happiness would last long. I didn't expect my parents to die early.

I forgot that life has always been cruel to me. I thought I had become lucky here.

Now, it's just me.

Madaling araw pa lang ay nagsimula na naman akong maglakbay. Kailangan makaya kong makarating sa Azuter ng tatlong araw.

Halos nasa kalahati na ako ng mundok nang makarinig ako ng mga ingay. Tahimik akong bumaba sa kabayo at mabilis na itinali ito. Baka nandito ang mga bandito!

Maingat akong nagtago sa mga damo para makita ang pinagmumulan ng ingay.

I saw six men who really looked like bandits. They have sharp swords, bandana, and clothes that cover their faces.

May buhat silang walang malay na batang lalaki at kasalukuyang itinatali sa puno.

"Talaga bang anak iyan ng mayamang negosyante?"

"Sigurado ako, Amo! Tingnan mo naman ang kasuotan niya halatang mamahalin."

"Tiba-tiba tayo sa maraming gintong makukuha natin sa batang ito."

"Kapkapan niyo nga at baka may gintong dala 'yan."

I watched them as they checked the kids clothes.

"Grabe! May pilak at ginto nga!" tuwang-tuwa sabi nila habang hawak ang maliit na supot.

"Amo! Ang ganda rin nitong kwintas ng bata baka pwede nating ibenta!"

"Teka lang! Parang nakita ko na ito, ah."

"Amo, alam mo ba kung anong ibig sabihin ng sagisag na ito?"

"M-mus-vil?"

"Huh?"

"Tangina! Taga Musvil ang batang 'to!"

"Paanong nakarating ito sa Ancard?"

"Siguradong hahanapin siya sa kanila!"

"Amo! Paano kung anak siya ng isa sa mga heneral ng Musvil? Siguradong papatayin tayo!"

"Ibalik na natin siya!"

"Oo nga, Amo!"

"Nahihibang na ba kayo! Bakit natin siya ibabalik? Siguradong iilan lang silang pumunta rito kapag nagsumbong tayo sa mga hukbo ng Ancard baka pwede pa tayong bigyan ng gantimpala!"

"Ang talino mo amo!"

"Maghiwa-hiwalay tayo. May dalawang sasama sa akin pababa sa bundok para magsumbong sa mga hukbo ng Ancard at kayo naman dalhin niyo na muna ang batang 'yan sa kampo!" utos ng leader nila.

Hinintay kong makaalis ang ibang bandido bago ko sinundan ang tatlong kumuha sa bata.

I wouldn't involve myself in other people's business. But since I'm alone now in this world I need to build my connection. And if that kid is really from Musvil than I should help him.

Malay ko ba kung magagamit ko rin ang pagtulong sa kanya balang araw.

Keep your enemy closer, ika nga!

"Tigil!" Tumalon ako at humarang sa daraanan nila.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay tumawa. "Tsk, isang batang babae lang pala."

The Legend of ZevpheraWhere stories live. Discover now