TMOTL - 1

14 2 0
                                    

[So, anong ginagawa mo ngayon?]

Napapokerface ako sa tanong niya. "Kausap ka ata? Hindi ako sure. Pakitanong nga si Yeng, 'yung kaibigan kong dapat na kausap ko ngayon kaso hindi dahil may mukhang singit na sumingit." 

Instead na maiinis ay tumawa ang loko.

Matinde ito. Kahit pagtawa lalaking lalaki!

[Sabi ko nga, ako ang ginagawa mo. I mean, kinakausap mo ako at iyon ang ginagawa mo, haha!]

"Kung anu-anong pinagsasabi mong lalaki ka, alam mo 'yun? Tapos tatawa," I rolled my eyes. "Adik ka ba?" Tumawa na naman siya. "Alam mo Riyu? Nakakabaliw 'yang tawa ng tawa."

[I can't help it. You're just funny.]

"Ah, ganun? You know, may bayad ang pagiging clown ko sayo. At dahil marami ka ng tawa, magbayad ka na! Plus tubo, plus interest, at isama mo na rin ang bonus."

[Will that make me hear your sarcastic, yet, sweet voice longer? If then, where and how can I pay you? Kahit gaano kalaki 'yan, magbabayad ako, basta ba't akin lang ang boses mo.]

Takip-bibig at tili ng walang sound lang naman ang aking ginawa.

WAAH! NAGBABLUSH AKO! NAGBABLUSH TALAGA AKO! DE PUTEK KANG LALAKI KA!

"Wait," sabi ko sa kausap ko sabay lapag sa may unan 'yung receiver at tsaka ko pinalo-palo ang kama. Kailangang ilabas!

Kumalma ka Lucile! Kumalma ka, jusmiyo! Kalma na. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Inhale, hold it... 'wag ka nang mag-exhale.

Pero syempre, hindi ko sinunod 'yung last part. Muntikan lang. After kong kumalma ng slight, kinuha ko ulit ang phone. "Ahem, hello?"

[Tapos ka ng kiligin?]

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Pinagsasabi mo? Ambot sa imo dong! Maghanap ka nga ng kausap mo! BYE!" Binagsak ko ang receiver sa lagayan nito at huminga ng malalim. Malakas pa rin ang tambol ng aking puso.

Shocks..

"Paano niya nalaman na kinilig ako? At may tawa talagang kasama? Putek siya!"

Nasa gitna na ako ng pagkain nang mag-ring na naman ang phone. Should I answer it?

"Hello?" I did answer it.

[Luci! Libangin mo muna si Riyu kasi, please? Nagmomoment kami ng Love ko eh tapos umeextra itong isa!]

"Na naman Yeng? Seryoso ka? Hahayaan mo akong insultuhin ng lalaking 'yon para lang malibang siya? Bigyan mo ng rubix cube ng may magawa!" Daing ko naman sa'king kaibigan. "Kanina ko pa kausap ang singit na 'yan eh!"

[Tapos na niya! Sa sobrang bored niya, pati 'yung mga unfinished puzzles ko binuo na rin niya kanina pa. Kaya nga wala na siyang magawa eh! Tapos nung kinausap mo na siya dahil sa pag-singit niya, syempre may love moments na naman kami ng aking Love! Kaso binaba mo at ayun, inistorbo niya ulit kami! Alam mo ba 'yun Luci? Kunti na lang eh! Kunti na lang maglalapat na ang aming mga la--]

"Just give him the phone!" Taranta kong sabi. "Too much info, Yeng. Hindi ko kailangang malaman kung gaano ka-sweet o kagaling ang pagkiss niya sayo. Tokwang 'yan!"

[Hihihi, para dama mo at kiligin ka rin.]

"Tapos na akong kiligin," I rolled my eyes. "Ano? Magpapainsulto ba ako -- este, lilibangin ko ba ang third-wheeler niyo o hindi? Mahal ang bayad sa akin."

[YAY! I love you too, Luci! I know naman na 'di ka paiinsulto sa lalaking 'yon eh! Labyu talaga! Libre kita kwek-kwek bukas.]

Oh? Naku, tiba-tiba ako nito bukas! Masagad nga. 

The Man On The LineWhere stories live. Discover now