Umalis na ako sa bahay nila Skim para umuwi sa apartment namin. Pagdating ko nga sa apartment ay nakaligo na ang mga bata at si Oxford pala ang nag-ayos sa kanila. Tinuro lang ni Nanay ang dapat gawin para bihisan ang mga bata.

Kasama din ni Oxford si Ares at katabi na nito ang mga bata. Bale nasa gitna siya at pareho silang may pinapanood sa cellphone niya.

"Hi." bati ni Oxford sa akin nang makapasok ako sa loob ng apartment.

Hindi ako napansin ng mga bata nang pumasok ako dahil nakatutok talaga sa cellphone ni Ares. Kung ano man ang pinapanood nila ay siguradong nakuha ang atensyon ng dalawa.

Pinatong ko ang aking kamay sa balikat ni Oxford at tipid siyang nginitian.

"Hindi nila ako napansin na pumasok. Ano bang ginagawa ni Ares?"

Isang sulyap lang ang ginawa ni Oxford sa mga bata pagkatapos ay binalik na niya ang tingin sa akin.

"They're playing. We're waiting for you that's why they busy theirselves while we're here." he stated.

"Nandito na ako pero hindi nila napansin na pumasok ako ng apartment." I said, frowning. "Pero sabihin mo nalang sa kanila na nandito na ako. Magbibihis lang ako." sabi ko.

"Can I join you then?" biro niya.

Inismiran ko lang siya.

Pumasok na ako sa kwarto namin at naiwan si Oxford na nakangisi pero naglakad siya pabalik sa mga bata at umupo sa gilid ni Kamp. Kasya silang apat sa sofa dahil maliliit naman ang mga bata.

Agad akong nagbihis. Puro simple lang ang mga damit ko dahil hindi ako kagaya ni Skim na mahilig sa fashion. I loved the simplicity. I loved simple clothes because they defined who I was. Nagsuot din ako ng sapatos.

Nag-aayos ng sintas ng sapatos ko nang pumasok si Kamp sa kwarto namin. Akala ko ay siya lang, sumunod din si Oxford sa kanya. Nakita pala ako ni Kamp na pumasok ng apartment.

"Oh bakit? May problema ba?" Kaagad kong tanong dahil nakita ko siyang nakasimangot.

"Mama, Nillie slapped my arm." Sumbong niya sakin.

"Ha?"

Napatingin ako sa likod ni Kamp, sa Papa niya. Umiling lang ito. He mouthed it's not that hard.

"Look Mama." Pinakita pa ni Kamp yung pinalo ni Nillie sa kanyang braso.

I sighed. Wala naman akong nakitang namumulang parte na pinalo ni Nillie sa kanya.

"Baka naman kasi inunahan mo siya kaya ka niya pinalo." sabi ko at hinimas nalang ang kanyang braso para hindi sumama ang loob niya.

"It's just about my phone." Oxford entered between the conversation me and his son.

Napailing nalang ako. Siguro ay pinahiram niya ang cellphone niya sa mga bata kaya ayun ay nag-away. Ngumiti nalang ako kay Kamp at ginulo ang buhok niya bago tuluyang tumayo kahit hindi pa naayos ang sintas ko.

"Mabuti pa at maghanda na kayo dahil aalis na tayo. Sabihin mo kay Lola na aalis agad tayo pagkatapos kong magbihis." sabi ko kay Kamp.

He nodded with a pouting lips and he stormed out from our room.

Tinanguan ko lang si Oxford bago nagdesisyong kunin ang bag para ilagay ang cellphone ko doon.

Tatalikod na sana ako kaya lang ay napahinto ako nang pigilan niya ako na hawak ang braso ko.

"Bakit?" I asked.

He frowned. "Just wait. Hindi mo inayos ang sintas mo." sagot niya.

Binuka ko ang aking labi para magsalita pero naiwan sa ere ang ilalabas na mga salita nang yumuko siya sa harap ko at diretsong lumuhod. Kinuha niya ang sintas na nabuhol para ayusin.

Oxford Where stories live. Discover now