"Yun lang ba ang hinihingi ng babaeng yun sayo? Ang makita si Nillie?" tanong ni Nanay habang nagtitimpla ng tsaa.

"Yun nga lang 'nay pero hindi ho ako kumbensido dahil baka ano pa ang gawin niya. Oo nga at baka nasa harap niya ako kasama si Nillie pero paano kung may iba siyang kasama na nasa tabi-tabi lang at balak kunin ang bata mula sa akin?" Huminga ako ng malalim at nilunok ang bikig na bumabara sa aking lalamunan.

"Paano kung hindi? Hindi ka naman pababayaan ni Oxford diba? Sabi mo nga ay kasama niya ang mga magulang niya papunta sa pamilya ng Cassidy na yun para mag-usap. Ramdam ko na hindi ka niya pababayaan, Billie."

"Ramdam ko rin, 'nay pero paano nga kung maisahan kami? Paano na 'nay?"

Bumuntong-hininga si Nanay at umayos ng upo. She pursed her lips and think thoroughly.

"Magtiwala ka lang kay Oxford, Billie. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa at lakasan mo lang ang loob mo. Nandyan ang pamilya ni Oxford para sayo dahil suportado ka nila." Mahinahon niyang sagot at tinanguan ako.

Malungkot lang akong ngumiti dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa sinabi niya ay may umusbong na tapang at pananampalataya na hindi mawalan ng pag-asa.

Kinabukasan ay sinabi ko kay Nanay na papasok na ako sa shop dahil kailangan ako ng negosyo ko at kailangan ko rin ito para may pagkakitaan ako.

Ayokong malugi ang shop ko dahil sa kapabayaan ko.

Dahil Sabado at walang pasok ang mga bata ay nasa apartment lang sila kasama si Nanay. Hinatid naman ako ni Oxford sa shop.

Sabay kaming dalawa na pumasok sa loob ng Threads at yun ang nagpaagaw ng atensyon ng mga kababaihan dahil talagang naiiba siyang lalaki sa Lopez street.

Pagpasok namin sa loob ng maliit kong opisina ay binuksan ko ang aircon dahil mainit na agad ang panahon kahit alas syete palang.

"Upo ka nalang, gusto mo ba ng maiinom? Ikukuha kita." sabi ko.

Umiling siya. "Nah I'm good. I just drank the water bottle I got from home."

I just nodded. Well, that's great because I wasn't also in the mood to go outside just to buy something to drink for him. May baon nga ako ng tubig para hindi na ako lumabas dahil lalabas na ako mga hapon na dahil magtratrabaho pa ako.

Umupo siya sa harap ng lamesa ko. Umupo naman ako para komportable akong makausap siya.

"As what I said from my text message last night, we went to their manor and we'd talked with them." he started, clasping his hands together with his arms resting upon his knees.

"Tungkol ba kay Nillie?"

He nodded. "Of course, and we agreed upon the regulations we discussed. If they abide those regulations, they're going to be exposed from all the scandals Cassidy has engaged to." he said.

"Ano bang regulasyon 'yan?" Kuryuso kong tanong.

He smiled. "Well that's what my mother made. But all I know is that they'd never try to get Nillie from us. Itong si Cassidy lang ang gumawa nun pero hindi ang parents niya dahil ayaw nila sa bata. And Cassidy loves her image more than anything. Hindi mo ba nakita ang itsura niya nang pagbantaan ko siyang ikakalat ko ang mga nagawa niyang kasalanan? Well at this point, I could do it. Especially when I have a strong evidence of her with the former Governor of Davao kissing inside of his SUV."

Namutawi ang kislap ng ligaya sa aking mukha at gumaan ang puso ko sa narinig sa kanya. Agad akong tumayo at yumuko para iabot ang kanyang mukha at walang prenong idinikit ang aking labi sa kanya.

Oxford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon