Jameson:
Napakainosente nito
Nanghihinayang ako na hinayaan ko masira yung sakin para sa maling babae haysNixon:
Ikaw eh.
Ayaw mo papigil noon eh.
Sinabi na namin sayo na pineperahan ka lang ng mga yun eh. Yung iba, ginawa ka pang rebound at pampa-inflate ng ego nila. Nairita din talaga kami nina Xavi na ginanon ka ng mga yun eh.
Pero ang maganda naman, dude.
Natuto ka. Tingnan mo.
Nung nagfocus ka sa trabaho tsaka naman may dumating na para sayo.Jameson:
Kaya nga, lods
Blessing talaga ng Late Drive sakin
Daming inayos sa buhay ko witwew
Kaya wag na wag ka na magsasabi na aalis ka sa banda ha
Matinding fangirl ang baby ko
Iiyak to pag nalagasan tayo 👊🏻Nixon:
Hahaha. Di ko na uulitin yun. Pasensya na ulit doon. Napagalitan na ko ni Ran dyan. Wag na natin ungkatin.Jameson:
Retsam 👊🏻
Ang tanging di korni sa buhay mo 👊🏻Nixon:
Hahaha gago.
Uwi na.
Celebrate tayo.Jameson:
Ow
Wowers nag-aya
Good mood ka yata?Nixon:
Di naman. Di lang ako makatulog.
Nakatulugan yata ako ni Ran eh. Di na sumagot sa text ko.Jameson:
Parang yan lang? Hina mo naman, lods
Sana sinendan mo nito?Jameson:
Nixon:
Haha gago. Uwi na.Jameson:
Aw haha gege
Ito naman si pogi aga magbagsak ng curfew
Wait lang
Drive pa ko pauwiJameson:
Tulala pa ako ngayon
Kinikilig pa rin ako luh HAHA
Nababasa ko tweets
Ganon pala pakiramdam magustuhan nang sobra :)))Jameson:
Dati ako lang ganonJameson:
Sarap pala maranasan hahahaNixon:
Bagay din kayo. Parehas kayo sobra sa sobra kung mag-effort.
Ingatan mo yan ah.
Mayayari ka kay Milly pag umiyak yan.Jameson:
Sa saya 🤪
Wala ako magagawa kung iiyak siya sa saya :p
Galing kong magmahal
Iyak lundag talaga toNixon:
Hahaha oo na.
Ingat pauwi.
Wag palipad lipad isip baka mapano ka sa daan.Jameson:
May bebe na ko pero
Kinikilig din ako sayo, Ortegs
Ikaw pa rin mwah 🤪Nixon:
Namo. Bye na.Jameson:
HAHAHAHA si pikon
Hays parang ayoko umuwi
Kung wala lang kasama to eh
Sa kanya sana ako uuwi eh
Kaso baka parehas kaming di makatulog sa kaba HAHAJameson:
Cute talaga, Ortegs
Sobrang cute ni Malee
Kada pumipikit sa kaba
Kinakagat din labi niya
Lalong pumupula tuloy
Hahaha haysJameson:
Ano kaya feelingJameson:
Pano kaya kung tinuloy koJameson:
Haha haysJameson:
Dapat susubukan ko kaso kinabahan din ako witwewJameson:
Di na nga makahinga sa tabi koJameson:
Baka ako naman lalo ang di makahinga kapag sinubukan ko halikan tapos maramdaman kong mas nagpanic siya nang sobraJameson:
Ang cuteJameson:
Ang cute cute ng pangga koJameson:
At ang sarap sarap yakapinJameson:
Lalo na nung kinurot niya damit ko at tinago mukha sa dibdib koJameson:
Hays, OrtegsJameson:
Sarap magmahal ulitJameson:
Sarap magmahal ng karapat-dapat na tao 😁Nixon:
Hahaha. Tama.Jameson:
Relate ka shemperds
Ikaw rin eh
Kaya nga crush mo ko diba pogi
Tanga man ako
Kasama naman kitang naging tanga non HAHAHANixon:
HAHAHA! Kaya nga. Kaya kahit magulo kami ngayon, ilalaban ko. Di na ko uulit sa mga pagkakamali ko.
Kung magpapaka-martyr man ako, dito na. Dito lang.Jameson:
Yan ang tama!
Ilaban mo yan!
Ako rin lalaban
Hanggang dulo na to 👊🏻
VOUS LISEZ
crush mo raw ako? (epistolary)
Roman d'amourcrush back series #2 ❝pst, lods. crush mo raw ako?❞ Bilang bassist ng Late Drive at kinikilalang idol ng nakararami, walang ibang ginusto si Jameson Blanco kundi pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanya. Isa roon ang stan account na si onlyjameson...