Kabanata IX: Safe Space

184 3 1
                                    

  January 2008

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



  January 2008


Ilang linggo na ang lumipas tapos umalis ng tatay ni Lemuel , naging aloof talaga ito sa lahat at tahimik palagi at hindi lumalabas ng bahay. Kahit na kaibigan na niya si Sebastian hindi pa sila sobrang close at akala ng isa eh umiiwas ito sakaniya.
First day ng class nila pagkatapos ng bagong taon, hindi pa naguusap ang mag-kaibigan pero ngayon magkasunod sila ng upuan sa classroom, hindi pinapansin ni Lemuel si Sebastian at takang taka yung isa dahil akala niya magkaibigan na sila pero parang sinarado nanaman ang mundo nito sakaniya.
"Pstttt!" pagtawag ni Sebastian sa nanahimik sa harapan niya. Nagbabasa lang si Lemuel doon at hindi siya pinansin. "Psttt!— Huyyy!" mas lalong lumakas ang kaniyang bulong. Kumilos yung isa at kinuha lang ang iPod nito at sinasak sa tenga yung earphones niya.
"Suplado!" bulong niya dito at doon na siya tinignan sa mata ng kanilang teacher at nagkunwari siyang binuksan ang libro niya pero mas gusto niyang guluhin si Lemuel. "Ako nga nag-bigay sa'yo niyan eh" bulong nito at kung gaganiyanin lang siya nitong payat na'to baka bawiin niya iPod niya.

Nung hindi na nakatingin ang teacher nila, may naisip na maloko si Seb at tinanggal niya yung sapatos niya at alam niyang may tatlong butas  sa ilalim ng mga upuan nila, at doon na niya biglang sinundot ang pwit ni Lemuel gamit ang kaniyang paa

     Nung hindi na nakatingin ang teacher nila, may naisip na maloko si Seb at tinanggal niya yung sapatos niya at alam niyang may tatlong butas  sa ilalim ng mga upuan nila, at doon na niya biglang sinundot ang pwit ni Lemuel gamit ang kaniyang paa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ughhh!" biglang napaungol si Lemuel at tinakpan nito agad yung bibig niya at lumingon kay Seb at ang sama sama ng tingin nito dito. "Hindi mo ba'ko titigilan!" bulong na sigaw nito

Nagpatay malisya yung isa at tinignan lang si Lemuel, alam niya kasi lalong maiinis ito. "What?"

"Wag ka nga magkunwari diyan! Ikaw lang asa likod ko!" Sigaw ni  Lemuel at nairita na yung teacher nila sakanila.

"Madrigal! Castillo! Kung manggugulo lang kayo sa klase ko pwede kayong lumabas" Doon na bumalik si Lemuel sa pagbabasa pero hindi pa nakuntento yung isa at nagpunit ng papel sa crosswise niya at crinumple ito. Sa unang bato niya kay Lemuel eh hindi ito natamaan. Sa pangalawa naman mahina lang yung pagkakabato niya, at nung nilakasan na niya yun saktong lumingon si Lemuel at nasakto ito sa mukha niya.

slowburnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon